TV5’s net losses double in 2011

TV5 doubles its net loss from 2.16 billion pesos in 2010 to 4.14 billion pesos last year. It is said that this is due to Manny Pangilinan’s attempt to acquire GMA Network to match its rival network ABS-CBN.


Doble ang itinaas ng net loss ng TV5 noong 2011, kumpara sa net loss nito noong 2010—taon kung kailan nagsimula ang network na pinamamahalaan ni Manny V. Pangilinan.

Ayon sa artikulo ni Daxim L. Lucas sa daily broadsheet na The Philippine Daily Inquirer noong Sabado, Hunyo 23, mula sa 2.16 billion pesos noong 2010 ay umakyat daw sa 4.14 billion pesos ang net loss ng Kapatid network.

Ito’y base sa financial statement na ipinadala ng ABC Development Corporation, ang parent company ng TV5, sa naturang pahayagan.

Binanggit din dito ang balitang merger ng Kapatid network at GMA-7, na pagmamay-ari ng mga pamilya ng Gozon, Duavit, at Jimenez.

Ang paghahangad na ito na makuha ang GMA Network ay upang matapatan ang ABS-CBN na may 2.4 billion pesos net income noong nakaraang taon.

Tumaas din ang liabilities o utang ng TV5—mula 2.52 billion pesos noong 2010 ay naging 6.45 billion pesos noong 2011—dahil na rin sa kanilang mga equipment upgrades.

Ngunit ang mga equipment upgrades at bagong broadcast studios nila ang nagpataas ng kanilang assets—na mula 5.41 billion pesos noong 2010 ay naging 8.84 billion pesos.

Nakatulong din ang pagpasok ng ilang malalaking artista sa Kapatid network dahil napataas nito ang kanilang production costs sa 3.76 billion pesos noong nakaraang taon, mula sa 1.83 billion pesos noong 2010.

Ang kabuuan ng kanilang revenue na isinumite sa Securities and Exchange Commission para sa taong 2011 ay 2.31 billion pesos, na mas mataas kumpara sa 875 million pesos noong 2010.

Ayon sa Presidente ng TV5 na si Atty. Ray Espinosa, inaasahan daw nilang tumaas sa 30 percent ang kanilang market share sa 2015; doble ng kanilang kasalukyang market share na 15 percent.

Nanghingi pa ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ng karagdagang detalye tungkol sa pagtaas ng kanilang net loss sa TV, na kasalukuyan ay wala pang sagot.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN