TV5 executive Perci Intalan says the network is investigating Paparazzi incident involving Ruffa Gutierrez

TV5 executive Perci Intalan (left) talks about the incident that happened at the birthday celebration of Ruffa Gutierrez (right) on Paparazzi last Saturday, June 23.


Kasalukuyang iniimbestigahan ng pamunuan ng TV5 ang insidenteng nangyari sa birthday segment ni Ruffa Gutierrez sa Paparazzi noong Sabado, June 23.

Inaalam ang pinagmulan ng galit at biglaang pagku-quit ng actress-TV host sa showbiz talk show ng Kapatid network.

Ayon kay Ruffa, “binastos” siya ng Paparazzi sa mismong birthday presentation niya.

(CLICK HERE to read related story.)

Kinumpirma ito mismo ng TV5 head for creative and entertainment production na si Perci Intalan nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Miss World Philippines 2012 na ginanap sa Manila Hotel kagabi, June 24.

Ayon kay Sir Perci, “We said it naman na that we’re investigating what happened.

“Of course, we feel sad that she feels sad about it. Hindi naman natin maaalis yun sa kanya…

“We are sure that the intention was really still genuine. They [Paparazzi production] did not intend to ruin her birthday obviously…

“Alam naman niya yung [‘Bulong ng Palad’ segment]… I think. Kasi we’ve been doing that for a while.”

BULONG NG PALAD. Sa “Bulong ng Palad” segment ay nagtanong nang pabulong kay Ruffa ang mga kasamahan niya sa show na sina Cristy Fermin, Zoren Legaspi, Mariel Rodriguez, at Mr. Fu.

Sina Aga Muhlach, Zoren Legaspi, at Robin Padilla—mga lalaking naiugnany noon kay Ruffa—ang mga ibinigay na choices kung alin sa mga ito ang pipliin niya bilang sagot sa tanong.

Hindi malalaman ng live audience sa studio at televiewers ang tanong dahil ibubulong nga lang ito.

Nang si Mr. Fu na ang nagtanong kay Ruffa kung “sino ang may pinakamalaki…?” dito na nag-react at tumangging sumagot ang actress-TV host.

Ilang saglit matapos umalis si Ruffa sa studio ng Paparazzi, lumabas na ang sunud-sunod nitong tweets na kumukondena sa hindi raw magandang treatment na ibinigay sa kanya ng Paparazzi at nabastos daw siya.

(CLICK HERE to read related story.)

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Sir Perci dito?

“Ang bottom line this week, when we meet with the management committee, idi-discuss na lang namin yung issue,” sabi niya.

Gusto pa ba nilang bumalik si Ruffa sa show?

“Well, of course yes,” sagot ng TV5 executive.

“However, we don’t wanna force her to do something she’s not ready to do.

“I guess malalaman na lang natin ‘yan.”

Nagulat din ba siya sa naging reaction ni Ruffa?

“Well, I think lahat naman nagulat sa reaksyon niya, di ba?” mabilis na sagot ni Sir Perci.

Sa opinyon ng iba, dapat daw ay kinausap muna ni Ruffa ang management ng TV5 bago ito naglabas ng sama ng loob niya sa Twitter, bilang isa siyang contract artist ng Kapatid Network.

“Well, that I guess we’ll have to discuss. Hindi ko na muna maiaalis sa kanya yung nararamdaman niya. We will discuss after the fact,” tugon ni Sir Perci nang tanungin tungkol dito.

FOR REVIEW. Ano kaya ang magiging move ng TV5 para naman sa production team ng Paparazzi?

“Mag-review. Ire-review lang muna yung segment.”

In case na mapatunayang may negligence sa part ng Paparazzi, ano ang posibleng maging aksyon ng TV5? Magkakaroon ba ng revamp ng staff? Paano na si Mr. Fu?

Sabi ni Sir Perci, “Hindi ko masi-single out si Mr. Fu.

“Ayoko munang mag-comment kasi until… ayokong i-preempt yung discussion namin sa management committee.

“We will know after.”

Hindi matukoy ni Perci si Mr. Fu kung ito nga ang nagpasimula ng diumano’y pambabastos kay Ruffa sa show.

“Napanood ko… pero hindi ko sure kung doon nagsimula.

“A… basta. I mean, I guess she wasn’t comfortable with the situation.

“Hindi ko alam kung what exactly siya na-hurt… yung laki ng reaksiyon niya.”

Sa parte naman ni Mr. Fu ay itinanggi nitong may sinabi siyang foul words kay Ruffa nang bulungan niya ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

(CLICK HERE to read related story.)

MANAGEMENT DECISION. Nakarating na ba kay Mr. Manny V. Pangilinan, o MVP, ang insidenteng ito? Kapag ganitong isyu ba involving their talents against their own show, nakakarating ba kay MVP o si Atty. Ray Espinosa na ang humaharap?

“Of course, si Attorney Ray dahil siya ang Presidente natin.”

Si Atty. Espinosa ang nag-advice na imbestigahan ang isyu?

“Ni-report ko muna siyempre. Then ang bottom line, he wants to know more details and we will discuss it,” paliwanag ni Sir Perci.

Hindi raw agad nagawang imbestigahan ang isyu ni Ruffa sa Paparazzi dahil marami raw ginagawa ang TV5.

“Kahapon ay kina Tito Dolphy kami,” pagbanggit ni Sir Perci sa schedule niya nong Sabado.

Pasubali pa niya, “Hindi ako prepared na sumagot ng mga ganito, ha.

“Kasi ang bottom line, ayokong ma-preempt nga yung ano, e… it might cause more problems.”

Hindi magawang kumpirmahin ni Perci ang bali-balitang hindi na pipirma ng panibagong kontrata sa TV5 si Ruffa dahil hindi raw siya sigurado kung kailan matatapos ang kontrata nito sa istasyon.

“Hindi ko alam kung this year o next year… basta!”

Ano naman ang reaksiyon niya sa pagkukumpara ni Ruffa sa Paparazzi at sa dati nitong programa sa ABS-CBN na The Buzz? Na hindi raw magagawa ng The Buzz sa kanya ang ginawa ng Paparazzi?

“Ayoko munang mag-comment diyan… maiipit lang ako diyan,” iwas ni Sir Perci.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN