Shamcey Supsup denies being already engaged to boyfriend Lloyd Lee

Shamcey on her dream wedding: “I was thinking of, na parang… kinda Lord of the Rings?”


Nagugulat na lang si Shamcey Supsup sa mga bali-balitang engaged na raw sila ng boyfriend niyang si Lloyd Lee.

“Ganun? Maybe because I was given a promise ring,” paglilinaw ni Shamcey sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sabay ng pagpapakita niya ng suut-suot na diamond-studded ring.

Last year pa raw ibinigay ni Lloyd kay Shamcey ang singsing. Papunta na ba sa engagement ang promise ring na yun?

“I hope so, I hope so,” nangingiting sagot ng Miss Universe 2011 3rd runner-up.

Mga ilang years pa bago siya pakasal?

“It depends. Ako kasi, I turned 26 last May. So, huwag naman sanang umabot ng 30.”

Napag-uusapan na ba nila ni Lloyd ang kasal?

“Sabi ko nga sa mga previous interview even with Kris Aquino, I think I said na even before naging kami, marriage is really something for me.

“Because I’m the kind of person who is not into a shallow relationship.

"If I get to one, it’s for the future na talaga.”

Lalo na noong hindi raw bumitiw sa kanya ang boyfriend noong panahong nasa Brazil siya at nakikipag-compete sa Miss Universe.

Kuwento ni Shamcey, “When I was in Brazil, he was the one who kept saying...

“Noong nandun ako sa Brazil, of course I was away from the family. And then I don’t have any way to contact anyone.

“It was him, he’s the one who kept on believing in me... supporting, ‘Kaya mo ’yan, huwag kang mawawalan ng pag-asa.’

“Oo, text lang. Kasi walang Internet na puwedeng magamit.

"And you have to pay for the internet and napakamahal sa Brazil.”

THE PROMISE RING. Ibinigay raw ni Lloyd ang promise ring sa kanya pagkabalik ni Shamcey ng Pilipinas.

“Very, very simple lang. We were walking lang sa mall and tinatanong niya ako na, ‘What ring do you want?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos tumitingin-tingin kami. Sabi niya, ‘Maganda ba?’

“But then, hindi ko alam na he already bought a ring that night. May ring na siyang binili.

“After we went, ano... he just gave it to me in the car na parang, ‘I have something for you.’

“Sabi ko sa kanya, ‘Parang kanina lang na nag-uusap tayo na you wanna buy me a ring,’” masayang kuwento ng beauty queen.

Hindi makapaniwala si Shamcey na sumakto sa daliri niya ang singsing nang hindi siya kinukunan ng measurement ng boyfriend niya.

“Yun nga, e. Hindi kami nag-usap. And he bought it here. Wala ako dito.

“Sabi nga niya, smallest daw talaga ang binili niya dahil he knows daw yung sukat ng daliri.

“Natantiya niya agad. Alam daw niya yung fingers ko—really thin.

“So, ang galing talaga niya pumili,” sabi niya.


MARRIAGE PROPOSAL. May isang taon pa lang ang relasyon nila ni Lloyd, ayon kay Shamcey.

Inaasahan ba niyang makakatanggap siya ng engagement proposal this year?

“I don’t know,” ngumingiting sagot ni Shamcey.

“Better ask him, huwag ako.”

Sasagot ka ba ng yes?

“I hope so,” mabilis niyang sagot.

Ano ang dream wedding niya?

“Even when I was in college, ang gusto ko is like a garden o forest wedding… wala lang.

“I was thinking of, na parang… kinda Lord of the Rings? My fantasy lang yun.

“But then, hindi naman importante sa akin yung wedding set-up.

“Ang importante sa akin, yung kasal, kahit saan man, kahit sa maliit lang na place na konti lang ang mga tao—it doesn’t matter.

“Ang importante is the person I’m gonna marry, the life we’ll have together after the wedding.”


SHOWBIZ OFFERS. Pagdating naman sa kanyang showbiz career, malabo nga bang maituloy ito ni Shamcey?

Balita kasing tinanggihan niya ang isang project na pang-Metro Manila Film Festival.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Actually, wala akong ideya. I was hearing lang na may mga offers nga raw.

“But… ako kasi… a lot of peole advise me na going into show business and acting requires passion and love for the craft.

“Kasi, yung working hours n’yo iba… you have to be dedicated.

“And ayoko naman na, just because it was given and just it was offered, tanggapin ko na lang.

“Ako kasi, when I’m given something, I wanna work hard, wanna be the best na parang ‘pag nandiyan na ako, hindi ko aayusin.

“And I don’t think kasi na… I haven’t done theater, I haven’t done any acting…

“Wala talaga in my whole life, I haven’t done anything like that.

"So… don’t know, I’m just taking things lang one at a time.

“For example, hosting. I’ve never hosted in my life. I’m scared to be in front of people.

“Pero right right now, that’s what I’m building up for myself naman. I’m trying to learn hosting events.

“Parang one step at a time. Kasi if I’m gonna do everything at the same time, parang mahihirapan ako.

“And of course, I also have my architectural firm. So, medyo mahirap ‘pag sabay-sabay.

“Actually, before I left for Brazil, na-put up na yung firm. I was able to put it up already.

"Ngayon, small projects lang,” saad niya.


Kung sakaling pakasal na siya, sino ang magku-construct at magdi-design ng magiging lovenest nila ni Lloyd?

“Siyempre, dapat ako, di ba? Siguro I will work doing sketches, ‘What do you want?’

“Lahat naman tayo may mga dream houses, di ba?

“So, sisimulan ko muna sa sketches and tatanungin ko siya [Lloyd] kung ano ang gusto niya.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN