Dolphy in “critical state, but stable,” according to family’s spokesperson

Halos dalawang linggo nang nasa ospital si Dolphy, na itinakbo sa Makati Medical Center dahil sa pneumonia. Sa kasalukuyan, unti-unting nagiging stable ang kanyang kalagayan.


“Critical state, but stable” ang kundisyon ni Dolphy.

Ito’y ayon sa head ng patient relations ng Makati Medical Center na si Eric Nubla Jr., na siyang naging tagapagsalita ng pamilya Quizon kagabi, Hunyo 25.

Noong Sabado, June 23, sumailalim ang Comedy King sa tracheostomy.

(According to MedicinePlus, it is "a surgical procedure to create an opening through the neck into the trachea [windpipe]. A tube is usually placed through this opening to provide an airway and to remove secretions from the lungs. This tube is called a tracheostomy tube or trach tube.")

Ang dagdag na paliwanag ni Eric Quizon, anak ni Dolphy at naging tagapagsalita ng pamilya Quizon noong Linggo, Hunyo 24: "Yung air passage niya, makakatulong yun sa paghinga.

“So, yung respirator na nasa bibig, tinanggal na. Nilagay na namin dito," sabay turo ni Eric sa may leeg.

(CLICK HERE for related article)

Ayon naman kay Nubla, mula raw nang naisagawa ang naturang operasyon ay mas bumuti ang lagay ni Dolphy.

“Functioning well” din ang mga vital signs ng komedyante, at ang ibang “improvements reported before have remained the same."

Kailangan lang bantayan ang platelet count ng 83-year-old star.

Dugtong ni Nubla, “Despite the improvement in his hemoglobin level, his platelets are really low, as well as the potassium level in his system.”

May nakita rin daw na mga “blotches” sa balat ng Comedy King, na isang sintomas ng hematoma.

“These are sort of blotches on the skin,” ang pagtukoy ni Nubla sa discolorations sa balat ni Dolphy.

“The low-platelet count could be related to the blotching.”

Kaya naman patuloy ang pagsasagawa nila ng blood transfusion, na susundan ng panibagong session ng kidney dialysis.

Samantala, ipinaliwag ni Nubla kung bakit siya ang naging tagapagsalita ng pamilya Quizon ng gabing iyon.

Aniya, “not available” daw si Eric kaya nakiusap itong siya muna ang magbigay ng update tungkol sa kundisyon ni Dolphy.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Dagdag pa ni Nubla, “Updates, now that things were a bit stable, will be shorter and less."

At pinayuhan din daw ang pamilya na mas maging istrikto sa pgtanggap ng bisita.

Ang sabi ni Nubla, “The family would always screen those who visit. I guess supporters would just have to pray for him at a distance for now.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN