Mayor Alfredo Lim vs Vice Mayor Isko Moreno: The "Battle of Manila" heats up

Their exchange of words started when Vice Mayor Isko Moreno (left) filed a report against Mayor Alfredo Lim (right) at the Manila Police District for allegedly threatening his life during their meeting with barangay officials last Friday, June 22.


Lumalala ang alitan at patuloy ang mga pasaring sa isa’t isa ng dalawang pinakamataas na lokal na opisyal ng Maynila—sina Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno.

Sa ulat ng 24 Oras Weekend sa GMA-7 noong Linggo, June 24, nagsimula ang pasaringan nang ipa-blotter ni Vice Mayor Moreno ang alkalde noong Sabado, June 23, dahil umano sa pagbabanta nito sa isang pulong ng barangay officials noong Biyernes, June 22.

Kasama ni Isko na naghain ng reklamo sa General Assignments Section ng Manila Police District (MPD) ang 23 konsehal ng Maynila.

Bunsod nito, nagpasaring naman si Mayor Lim sa bise alkalde sa kanyang talumpati sa pagdiriwang ng ika-441 anibersaryo ng Maynila noong Linggo, June 24.

Ayon kay Lim, “Sana po sa panahong ito, tayo naman magkaisa. Pakiusap lang po namin sa lahat, kahit ano ang mga paniwala ninyo, kami po ay gumagalang diyan. Pero sana huwag na tayong nagkakalat ng mga kasinungalingan.”

Giit ni Lim, pinupulitika lamang siya. Depensa pa niya, wala siyang pagbabantang ginawa.

“Hindi ba ’pag may nagyayabang na tao, sasabihin natin, ‘Uy, tumigil ka na nga. Para kang walang kamatayan, e.’ Kuwan lang yun, e, figure of speech.

"Ang pananakot, sasabihin ko sa iyo, ‘O, ikaw papatayin kita!’ O, ’yan ang pananakot.

"Sira ba ang ulo ko na ako mananakot sa harap nitong mga taong ito? E, di pinaaresto ako ni General Gutierrez,” sabi ni Lim.

Pero nanindigan naman si Isko sa kanyang akusasyon. Aniya, “It is his words against my word, ’no.

"May witness kami. Sinabi daw niya yung wala ba kaming kamatayan.

"Hindi raw pananakot yun. Ang tanong ko sa inyo ngayon, knowing Lim, kayo na ang humusga.”

WHO IS “SOMEDAY?” May bagong patutsada na naman sa isa’t isa sina Lim at Isko sa panayam sa kanila ng TV Patrol, na napanood sa ABS-CBN kagabi, June 25.

May reaksiyon si Isko sa sinabi ni Lim na "figure of speech" lang daw ang naging pahayag niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ng dating aktor, “’Pag ordinaryong tao ang nagsabi nun, figure of speech lang yun.

"Pero kung si Mayor Lim ang nagsalita nun, e, ibang usapan yun.

“Kung meron daw ba akong alam na pinapatay ni Mayor Lim? Aba, malay ko. Sabi ko, ’Someday. Malay mo may lumapit sa akin.’”

Tila panunuya naman ang buwelta ni Lim sa sinabing ito ni Isko.

Ayon sa alkalde, “O, sino si Someday? I-produce niya si Someday.

"Nananawagan ako sa mga kamag-anak ni Someday, puwede ba magdemanda na kayo kung pinatay ko ’yang si Someday.”

NO POLITICS? Parehong itinatanggi ng magkabilang kampo na pulitika ang dahilan ng away nila.

Dati’y sanggang-dikit ang dalawa matapos maging running mates at kapwa manalo sa eleksyon.

Pero ngayon ay tila nahati na ang city hall ng Maynila dahil sa kanilang hidwaan.

Dati nang nagdeklara si Lim na tatakbo ulit siya sa pagka-alkalde. Habang umanib naman si Isko sa partido ni dating Pangulong Joseph Estrada, na nagpahiwatig nang lalaban kay Lim sa eleksyon sa susunod na taon.

GHOST EMPLOYEES? Nagsimula raw talaga ang hidwaan nina Lim at Moreno dahil sa isyu ng umano’y ghost employees ni Isko at ng mga konsehal sa city hall.

Sabi ni Lim, “They have to confront the issue. Sino itong sinusuwelduhan? E, sila ang gumagawa ng politics, e.

"Kamukha ngayon, ini-interview n’yo ako, sikat na naman sila dahil nababanggit ang pangalan.”

Pero ayon kay Isko, ginigipit lang daw sila ni Lim dahil kinontra nila ang pagsibak nito sa ilang tauhan ng city hall.

Sabi ni Isko, “Siya lang naman ang gumagawa ng sarili niyang multo, e.”

Pinag-aaralan na ng kampo ni Isko kung dadalhin na sa Ombudsman ang tinaguriang “Battle of Manila” ngayon.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN