Bela Padilla still in quandary about her image: "I’m confused also. I’m feeling sexy but then I still act like a kid.”

Bela Padilla wants a ala-Hollywood pictorial for a change: “I wanna do a cover or yung spread ko—lahat iba-iba yung mga film icons."


Kabilang si Bela Padilla sa Top 10 ng FHM 100 Sexiest Women of the World ngayong taon.

Kahit hindi makuha ng Kapuso talent ang number one slot, siguradong nakapuwesto na siya sa Top 10.

Sa interview ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Bela sa isang event, ipinahayag niya ang excitement na makadalo sa gagawing show ng FHM.

“Sana I don’t have a taping that day,” asam niya.

“Kasi last year, they wanted me to walk also, pero I had taping. Sana ngayon puwede ako.”


SEXY OUTFIT. Hindi makapagsabi si Bela kung gaano ka-sexy ang isusuot niya dahil wala pa raw siyang detalye ng programang magaganap.

“Naku , indi ko pa alam, mananahi [ng damit] pa lang po ako!” biro niyang sabi.

“I don’t know yet, e. I don’t even sure what their theme yet. Kasi last year parang Moulin Rouge.

“Hindi ko pa alam kung ano ang theme nila this time.”

Pero willing ba siyang magpa-sexy?

“Okey naman. I’m okey naman. I’m not against it naman,” mabilis niyang sagot.

Balitang napaka-conservative at ayaw ng mga ganitong sexy image sa mga kaanak niya ang kanyang uncle na si Robin Padilla.

“Well, Tito Robin has been on the cover of FHM. Yes, Ayun!...

“I’m sure he loves also every… and I think he even wrote a column for them or he’s going to.

“So as long as your not naman like violating big rules, di ba?

“I have my own standards, I‘ve my own limits din naman, and I’m sure they would be proud of.

“And my mom is even more strict than Tito Robin. So, may bantay naman ako doon,” esplika niya.


HOW DARING? Ano ba yung pinaka-standard sexy outfit na kaya niyang gawin sa FHM? May limitations ba siya?

“I think a two-piece [bikini] is the farthest I can go. Kasi I don’t see the logic of showing your body on TV or print.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Especially this age. Kasi I don’t want other girls to think it’s okay.”

Very controversial ang cover ni Bela sa FHM, papantayan ba niya iyon ng pagrampa?

“Ahmm… hindi ko alam. Hindi ko pa talaga alam kung ano ang gagawin ko, if ever.”


FILM ICONS THEME. Artistic siya pagdating sa mga ganitong aspeto, ano pa ba ang puwede niyang gawin?

“You know nga, when they asked me after this what other cover can you do for FHM, I was thinking like… film icons.

“I wanna do a cover or yung spread ko—lahat iba-iba yung mga film icons.

“Sana this year, medyo old Hollywood yung style. Sana, gusto ko nang ganun. I’ll suggest.”

Dahil sa pagpapa-sexy ni Bela, maaaring malito ang kanyang mga fans kung saan siya ikaka-categorize—pang-kids, teens, middle age, or adults ba?

“Yun nga, e. Nako-confuse ako minsan. I don’t know where to put myself kasi ang dami ‘kong barkada na young—mga tweens.

“Nakaka-relate ako sa mga Tweens. So, ‘tapos yung roles na ibibigay sa iyo, medyo adult.

“I think it’s how you take it lang. Or like one situation at a time.

“Pero yun right now, I’m confused also. I’m feeling sexy but then I still act like a kid.”

Dagdag niya, “Actually, yung range ng fans na nakikita ko, 14 to 18, ‘tapos meron din naman mga 25.

“So, kailangan mong pakisamahan.”

Mukhang hindi pa siya babad sa pagiging sweet young star at tumalon na siya agad sa sexy image.

“Actually, matagal na rin nila akong tinatanong na mag-cover [sa FHM] and 21 naman na ako this year.

“And other girls did it at a young age pa. Parang this is the most prepared I can get as of now, kaya I said, ‘Yes.’

“Saka yung cover naman it came out last summer kaya okey lang na mag-two piece.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

PREFERRED IMAGE. Pero kung siya ang papipiliin, anong image ang gusto niya?

“I wanna… actually, kahit na ano ang mag-work sa akin ngayon.

“Kasi I just want to stay here, I love being here. I love acting.

"So, anything that will make me able to act, I’ll go with that.

“Just not na sobrang maba-violate yung principles in life ko.”

May mga comments na walang dahilan si Bela para magreklamo tungkol sa mabagal daw na takbo ng kanyang career.

Matapos kasing magbida siya sa ilang nakaraang serye, balik smorgasbord project naman siya sa Kapuso network.

“No, I don’t think so. I think it’s just how you look at yourself.

"I don’t look myself that way,” tugon niya.


LOYALTY TEST. In case na mag-offer uli ang ABS-CBN, babalik ba siya uli sa una niyang istasyon?

“I have to look at so many things first. But I believe in loyalty above all. And I’m very loyal to Kapuso.

“So, they’re the first one who gave me my break, e. So, I want to give them my service also.

“They gave me a big break in Machete and I was able to act naman in Hiram Na Puso.

“Feeling ko naman, dito ako natuto sa Hiram na Puso. So, they’re giving me ways to…

“I see these all kasi is like a battle gear and all of us actors are soldiers.

“They’re giving me a way to equip myself to get into the battle field. Competition kasi dito sa showbiz is so big.

“So, I feel I’m prepared. Kasi they give me heavy roles.

“Now, if they give me again a lead role, I’ll be more prepared… parang ganun,” saad ni Bella.

CONFUSING END. Isang malaking palaisipan naman ang hindi nila pagkakaroon ng love angle ni Aljur Abrenica sa nagwakas na Machete.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa halip ay sa pinsan niyang si Kylie Padilla nagkaroon ng relasyon si Aljur.

Natawa si Bela nang mapag-isip-isip ang sitwasyon.

“Oo nga, e. Okey lang naman yun.”

Baka hindi lang niya talaga tipo si Aljur?

“Hindi naman. Actually, no’ng nag-start yung soap namin, close talaga kami ni Aljur.

“I guess we saw that we’re better off as friends.”

Wala raw boyfriend ngayon si Bela at natatawa nga raw siya kapag tinatanong siya tungkol dito.

“Nakakatawa naman ‘yang karelasyon? Wala talaga, e. Like I said, I’m just super focused...

“I know it’s a cliché, I can’t be happier anywhere else.

“Like my taping just finished for Hiram na Puso. Na-wrap na kami ng buong show.

“Parang ang lungkot ko ngayon kasi wala na akong taping. I just love being on the taping.”

MORE ADMIRERS. Sa tanong namin kung may nanliligaw kay Bela ngayon, tumango naman ang young actress.

“Halu-halo,” nakangiti niyang sabi.

May taga-ibang istasyon gaya ng ABS-CBN?

“A, wala. Wala,” sagot niya.

Puro taga-GMA-7 lang?

“A, hohum!” pag-amin niya na parang sa ilong ang daan.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN