Falsification complaint against Annabelle Rama dismissed by Quezon City Prosecutor’s Office

The falsification and use of falsified documents filed by Nadia Montenegro against Annabelle Rama has been dismissed, based on the resolution issued by Assistant City Prosecutor Diovie Macaraig-Calderon last June 18, for “insufficiency of evidence.”


Na-dismiss ang falsification of documents complaint na isinampa ni Nadia Montenegro laban kay Annabelle Rama.

Matatandaan na Oktubre 21, 2011 ay nagsampa ng kasong falsification and use of falsified documents si Nadia laban kay Ananbelle sa Quezon City Prosecutor’s Office.

Nakalagay sa naturang dokumento, dated April 16, 2010, na talent ni Annabelle ang dalawa pang anak ni Nadia na sina Ayisha at Sofia.

(CLICK HERE for related article)

Nauna nang itinanggi ng dating aktres na siya ang pumirma sa naturang dokumento, at sinabing diumano’y pineke ng talent manager ang kanyang pirma.

Katunayan, si Nadia pa mismo ang nagkusa na ipa-test ang kanyang pirma sa naturang dokumento at sa pirma niya sa dalawang tseke na kanyang na-issue, at walo pang specimen signatures.

“INSUFFICIENCY OF EVIDENCE.” Ayon sa artikulo ni Julie Aurelio sa isang local daily broadsheet ngayong araw, Hunyo 26, inilabas ni Assitant City Prosecutor Diovie Macaraig-Calderon ang kanyang resolusyon noong Hunyo 18.

Nakasaad sa naturang resolusyon, nag-match ang mga specimen ng pirma ni Nadia at ang umano’y pirma niya sa hawak na dokumento ni Annabelle, base sa lumabas sa analysis na ginawa ng National Bureau of Investigation (NBI).

May nakita raw ang NBI na “significant similarities in handwriting characteristics and habits” sa mga pirma mula sa signature specimen at mula sa kontratang na kay Annabelle.

Nakalagay sa resolusyon na, “After a careful consideration of the foregoing, the undersigned finds and so holds that there is no probable cause to charge the respondent Rama with the above-mentioned offense.

“Considering that the NBI has found through the use of scientific methods that the questioned signatures and the specimen signatures were written by one and the same person and there being no evidence submitted by the complainant to support her claim, the undersigned is constrained to dismiss the instant complaint for insufficiency of evidence.”

Samantala, nagulat naman ang abugado ni Nadia na si Atty. Marie Glenn Abraham, nang aming tanungin ang kanyang reaksyon sa pagkaka-dismiss ng naturang kaso.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Wala pa raw silang nakukuhang kopya ng resolution, kung kaya’t hindi pa sila makapagbibigay ng reaksyon.

Bukas ang PEP na ilathala ang mga pahayag mula sa mga taong may kinalaman sa naturang isyu.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN