Karylle stays by mom Zsa Zsa Padilla’s side amid stable but critical condition of Dolphy

"Minsan, kailangan mo lang i-make sure na may kasalo sila sa pagkain. So with all the running around they’re doing in the hospital, kailangan lang ng pampagaan ng loob, tagahawak ng kamay, kayakap," says Karylle about her "role" in the current situation of her mom and the Quizon family.


Bilang isang anak, buo ang suportang ibinibigay ni Karylle sa kanyang ina na si Zsa Zsa Padilla at sa pamilya Quizon sa halos dalawang linggo na pamamalagi ng Comedy King na si Dolphy sa Makati Medical Center.

Stable ngunit nananatiling kritikal ang kundisyon ng Comedy King, ayon sa pinakahuling bulletin ng anak nitong Eric Quizon na siyang tumatayong spokesperson ng pamilya.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Karylle sa ASAP 2012 noong Linggo, June 24, kinumusta namin sa kanya ang inang si Zsa Zsa, na hindi pa rin nagpapaunlak ng kahit na anong interview hanggang ngayon.

Sabi ng singer-actress, “I can’t give any official statement, naka-assign doon si Kuya Eric.

“For me, I’m there most of the free time that I have and Showtime family was kind enough to let me be absent for mga two days.

“Talagang dun lang ako with my mom by her side.

“Nakakatawa pa nga kasi nagutom ako, I don’t like sweets, but one night, I was craving for cake.

“Sabi ko, ‘Mom, I get you that cake tomorrow.’

“Sabi niya, ayaw daw niya pero favorite niya yun.

“So the next day, sobra siyang stressed na hindi siya kumakain, sabi ko sa kanya, ‘I have your cake.’

“Sabi niya sa akin, buti na lang daw.

“Sabi ko nga sa kanya, ‘Kaya pala kahapon ko pa naiisip yun.’

“So yun ang role ko dun, tagasubo. Minsan, kailangan mo lang i-make sure na may kasalo sila sa pagkain.

“So with all the running around they’re doing in the hospital, kailangan lang ng pampagaan ng loob, tagahawak ng kamay, kayakap.”

BY DOLPHY’S SIDE. Sa interviews sa mga anak ni Dolphy, partikular na si Eric, sinabi nilang bilib sila sa pag-aalaga at pagmamahal na ipinapakita ni Zsa Zsa sa kanilang ama; na hindi talaga ito umalis sa tabi ng Comedy King lalo na nung nagkasakit ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang masasabi ni Karylle dito bilang anak ng Divine Diva?

“Hindi lang siya nakikita ng tao dahil tahimik siya ngayon. Napag-usapan kasi nila na si Kuya Eric ang magsasalita talaga.

“My mom, she’s seems strong, but of course it’s very, very difficult for her.

“I never really imagined how hard it would actually be, but okay naman. Nakakaya naman dahil sa prayers ng buong bayan.

“Lahat naman ng kayang gawin ng mga doctor, ginagawa nila.

“Tayo, we’re all just praying.”

YAEL’S PRESENCE. Nakita rin sa ilang TV shows ang presensiya ng rumored boyfriend ni Karylle na si Yael Yuzon sa Makati Medical Center upang magbigay ng suporta sa pamilya Quizon at kay Zsa Zsa.

“Nakatawa nga kasi nakasama siya. Pinapakita siya sa TV, so yun,” nakangiting sabi ni Karylle.

DREAM COME TRUE. Kababalik lang ni Karylle noong isang linggo mula sa Monaco, kung saan ginanap ang 2012 Monte Carlo Television Festival.

Nominated si Karylle sa Best Actress category para sa Kitchen Musical.

Bagamat hindi siya pinalad na manalo, sinabi ng Filipino singer-actress na isa pa rin itong malaking karangalan para sa kanya.

“Taga-Denmark ang nanalo. Nabuhayan ako ng loob sa speech niya kasi sabi niya, ‘I was here last year and I was so disappointed that I didn’t win. Now I’m back and I won.’

“Ay, I’m hoping na sana nga someday.”

Natupad din daw ang pangarap ni Karylle nang gawin niya ang Kitchen Musical.

Saad niya, “Kitchen Musical is always a dream project kasi matagal ko nang inaantay na magkaroon ng musical.

“Nag-give up na nga ako sa dream na yun dahil sabi ko, parang maling era ako ipinanganak.

“Kung Sampaguita days sana ako ipinanganak, saktong-sakto sa type kong gawin in cinema or in TV.

Kitchen Musical came along and it’s about a year in the making and, heto na nga, this is beyond my wildest dream.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Matagal ko nang iniisip ano pa kayang mayroon para sa akin, kasi sometimes you wonder what else is in store for you—and I really had no idea.

“Hindi naman ito kasali sa mga pangarap ko, pero it’s a beautiful surprise.”

Kuwento pa ni Karylle, “I met the Prince, si Prince Albert and his wife.

“We were at the Prince’s palace, actually I was a day late kasi pumasyal pa kami sa Paris ng dad ko [Dr. Modesto Tatlonghari].

“Pagdating namin dun, kasama namin ang mga Hollywood stars. Yung cast ng Revenge nandun."

Sa ngayon ay busy si Karylle sa pagpo-promote ng album ng Kitchen Musical.

“For now we are promoting the album, the album just came out. Here in the Philippines it’s out din.

“It’s my first regional album. It was also out in Hong Kong, Singapore, and Indonesia.

“Next month, we’re gonna be touring, kami ni Christian. Magpo-promote kami sa Indonesia and Malaysia.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN