Robin Padilla expresses admiration for Marian Rivera; jokingly refers to the Kapuso actress as “the fish that got away”

“Wala, gano’n talaga, e. Maraming mga bagay na hanggang hinga na lang tayo ng malalim… Mahirap nang palawakin pa yung isipan. Hanggang dun na lang sa paghanga yun. Kasi ‘pag sumobra pa dun, nagtataksil na ‘ko,” says Robin Padilla about Marian Rivera whom he worked with in a TV commercial. But Robin is quick to say that his wife Mariel Rodriguez gives him life, joy, and a deeper kind of love.


Nakipagbiruan si Robin Padilla sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at iba pang piling miyembro ng press na nakakuwentuhan ng aktor pagkatapos ng presscon ng latest product endorsement nito kanina, June 27, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Nabanggit kasi ni Robin kung gaano siyang kabilib sa iniendorso niya ngayong 555 Tuna. Kung gaanong nakakatulong ito sa kalusugan ng tao.

Pagkatapos nito ay nabanggit din niya ang isa pang brand ng bitamina na iniendorso niya.

Nakisakay naman ang kausap na press kay Robin at tinanong naman kung ano ang ginagamit niyang cell phone network kung may gustong tawagan.

Mabilis na binanggit ni Robin ang pangalan ng cellphone network.

“Malakas ang signal. At bukod sa lahat, ang ganda ni Marian!” napatawa pang banggit ng 42-year-old actor ng pangalan ng kasama niyang aktres sa TV commercial ng cellphone network na iniendorso niya, si Marian Rivera.

Tinanong tuloy siya ni Isah Red ng Manila Standard kung ano raw kaya’t mas nauna niyang nakilala si Marian.

“Malapit-lapit yung pangalan, ano? Marian-Mariel…"

Ang Mariel na tinutukoy ni Robin ay si Mariel Rodriguez na asawa niya ngayon.

Patuloy ng action star, “Wala, gano’n talaga, e. Maraming mga bagay na hanggang hinga na lang tayo nang malalim…

“The fish that got away…

“Wala, ganun lang yun. Wala tayong gagawin.

“Mahirap nang palawakin pa yung isipan. Hanggang dun na lang sa paghanga yun.

“Kasi ‘pag sumobra pa dun, nagtataksil na ‘ko.

“Hanggang ano na lang ako, ‘Wow, ang ganda talaga! Wow, ang puti! Ang ganda ngumiti…’ Ayun.

“Nagiging maganda yung shooting [ng commercial],” nasabi pa ng Toda Max lead actor.

Kung bibigyan ba ng pagkakataon na magkatrabaho sila sa isang pelikula ni Marian?

“Bilang artista? Pangarap yun.

“Kasi, reyna ng Channel 7 ’yan, di ba?” sagot ni Robin.

Si Marian ay masaya rin sa piling ng kanyang boyfriend na si Dingdong Dantes.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

STILL IN A “FAIRY TALE” WITH MARIEL. Pero bawi ni Robin, hanggang ngayon ay hindi pa rin sila nakakaalis ng asawa niyang si Mariel sa nangyari sa kanilang “tila fairy tale” na love story.

“Hindi kasi namin akalain talaga na may ganun. May ganun na klase ng pag-ibig na dun mismo may naramdaman ka,” ani Robin.

Makikita nga sa Facebook accounts nina Mariel at Robin ang palitan nila ng sweet messages at status sa isa’t isa, at ang pagpu-post ng videos ng pagiging malambing nila sa isa’t isa.

Banggit tuloy ng PEP sa kanya, parang hindi pa sila tapos ni Mariel sa honeymoon stage.

“Ay, dapat, e.

“Lalo na yung kay Mariel, na yung kanyang puso, napakabuti ng puso nun, e.

“Gigising pa lang nun, akala mo, napakaingay na. Punung-puno ng… alive na kaagad ang bahay.

“Parang lahat…boses niya yun. Mula third floor, pababa. Parang nagho-hosting pa siya!” natatawang kuwento ng action star.

Malawak ang lugar na kinatitirikan ng three-storey house ni Robin na nagsisilbing headquarters at paaralan din ng kanyang Liwanag ng Kapayapaan Foundation (LKF), ang itinayo niyang multi-cultural foundation.

Ibang klase raw at malalim na saya ang idinulot ng pagdating ni Mariel sa kanyang tahanan.

“Malalim na yung saya.

“Ano kasi siya, e. Ang sipag niyang magpadala ng… napaka-romantic, e. Kasi minsan, mapapasabay ka, e.

“Sa Facebook nga minsan, di ba, parang nakakahiya na ‘to, at sa mga kalalakihan, e, kahinaan yung ipinapakita mo kung gaano ka magmahal, e.

“Pero minsan kasi, hindi mo na mapigilan, e,” may ngiti sa mga mata pa niyang pagkukuwento.

Ibang klase rin daw magsilbi sa kanya si Mariel.

Lagi raw itong nagtatanong kay Robin kung ano ang kailangan o ipagagawa.

“Sana huwag siyang magbago. Baka nandun pa siya sa stage na ganun. Ang babae kasi..."

Ilang beses na nga rin naman siyang nagkaroon ng karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang dasal ko lang, yung stage na yun, e, maging katawang palaban siya hanggang sa huling hininga ko,” sabi ni Robin na isinama pa ang linya niya sa kanyang TV commercial ng bago niyang iniendorsong produkto.

Masasabi ba niyang sa lahat ng mga babaeng minahal niya, kay Mariel na niya natagpuan ang babaeng gusto niyang makasama habambuhay?

“Ito [Mariel], 100 percent, nag-submit siya.

“Si Mariel, total submission [sa akin].”

MARIEL’S ‘BULONG’ TO RUFFA. Pero kahit na lubos ang pagbibigay sa sarili ni Mariel kay Robin, hindi naman ito sinasamantala ng action star.

Aminado si Robin na may mga bagay na hindi niya kayang gawin kay Mariel.

Kagaya ng pagtatanong kung ano nga ba ang ibinulong ni Mariel kay Ruffa Gutierrez sa kontrobersiyal na ngayong “Bulong ng Palad” segment ngTV5 talk show na Paparazzi.

Bago nangyari ang pinag-uusapan ngayong tanong na ibinulong ni Mr. Fu kay Ruffa, naunang nagtanong si Mariel sa dating beauty queen.

(CLICK HERE to read related story.)

Natanong ba niya kay Mariel kung ano yung tinanong nito kay Ruffa, na sinagot naman ni Ruffa ng positibo?

“Naku, ang laking gulo ngayon diyan!” tawa ni Robin.

“Alam mo, hanggang ngayon, hindi ko maitanong. Ha-ha-ha!

“Nung nanonood nga ako noon, parang automatic na nag-shutdown yung mata ko at saka tenga ko.

“Minsan kasi, ayaw mong marinig yung pinag-uusapan.

“Napaka-awkward pala nung ikaw ang pinag-uusapan ng dalawang babae.

“Hindi ko talaga matanong hanggang ngayon sa kanya.

“Baka kasi sabihin, ‘Interesado ka pa hanggang ngayon ke…’

“So, kung anuman iyon, sana positibo. Sana nagbigay kay Mariel ng lakas ng loob.

“Nahihiya kasi talaga akong magtanong. Napaka-awkward,” nakangiting pagtatapos ni Robin.

MARIEL’S MESSAGE. Bago tuluyang magpaalam sa press, nangako si Robin na pagkauwi niya sa bahay nila ay sasabihan si Mariel na iparating sa PEP kung ano ang "bulong" nito kay Ruffa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kinagabihan, bandang 8:30, nag-message na through Facebook si Mariel sa PEP at sinabi na nga kung ano ang bulong niya kay Ruffa.

"Hello!!! Yung binulong ko po Kay ruffa ay "sino ang pinaka babaero" pero ruffa isn’t mad at me :) in fact she even invited me to herr party this Saturday. Ruffa has always been nice to me :)" mensahe ni Mariel sa pamamagitan ng Facebook chat.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN