Gerald Anderson denies going out with SexBomb dancer: "Kami nga ni Sarah, di pa kami nag-date so pa’no pa sa ibang babae?"

Gerlad Anderson says he’s willing to wait for Sarah Geronimo. For now, "Marami pang kailangang mangyari. Dapat makilala mo ang isang tao. Dapat magkaroon kayo ng chance para magsama kayo at mas makilala ang isa’t isa," he adds.


Kamakailan, masayang ibinalita ni Gerald Anderson na may permiso na siya mula mga magulang ni Sarah Geronimo para madalaw siya sa kanilang tahanan.

Ito ay sa kabila ng mga naunang pahayag ni Mommy Divine, ina ng prized talent ng VIVA, na hindi taga-showbiz ang gusto niyang maging karelasyon ng anak.

Nitong Hunyo 24, Linggo, sa ASAP 2012, nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang Star Magic talent tungkol dito.

Ang bungad ni Gerald, “Kailangan nating respetuhin yun. Siya ang Nanay ni Sarah at naiintinidihan ko kung bakit.

"Mahirap talaga ang trabaho natin, napakahirap at napakapersonal at mawawalan ka talaga ng privacy, kaya sobra kong naiintindihan."

Ano kaya dapat niyang gawin para mapatunayan na malinis talaga ang intensiyon niya kay Sarah?

“Sana naman by now, napo-prove ko naman. Siyempre day by day, dapat na mayroon kang bagong pinapakita at mas nakikilala mo ang tao.

"Hindi kayo puwedeng pumasok sa isang relasyon nang biglaan. Kailangan nandun yung friendship.

"Ito ang tinuro sa akin ni Sarah at yun ang gusto kong gawin.

"At the end of the day, kung magiging friends lang kami, I’m so proud na I had a chance na mas makilala siya."

Hindi rin naman daw nagmamadali si Gerald. Kaya kung yun ang gusto rin ng mga magulang ni Sarah, pabor daw siya dito. Ang ikinatutuwa ng binata, mas okay na ang relasyon niya sa pamilya Geronimo.

Aniya, “Kung na-appreciate nila ako, mas lalo na ako at binigyan nila ng pagkakataon. Sobrang naa-appreciate ko na binigyan ako ng chance na mas makikilala si Sarah at sila.

"I’m very thankful, hindi ako nagmamadali, mas nakilala ko siya sa ibang level and ayokong sirain yun, ayokong i-take advantage.

"Mahirap i-explain na sobra kaming saya sa estado namin ngayon."

THE REAL DEAL. Sa ngayon, nasa level daw sila na mas kilala na nila ang isa’t isa. Pero ano na ba ang status ng panliligaw niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang masasabi ko lang, hindi ko maitatago na sobrang naging close kami at mas nakilala ko siya, mas nakilala niya ako.

"Pero masasabi ko straight to your face na hindi kami.

"Sa ngayon, I’m just really happy, sobrang saya ko lang talaga, yung inspirasyon na ibinibigay niya sa akin at sana vice-versa.

"Kung ang ending namin ay maging friends kami, niligawan ko siya, panalo pa rin ako."

Sa parte naman ni Sarah, mas naging open na raw ito tungkol sa kanyang nararamdamam, ayon kay Gerald.

"Dapat naman sa isang tao kung anong feelings pa yun, basta feelings mo sa isang tao, kung may gusto koang gawin o sabihin, dapat ’wag mong tinatago.

“Si Sarah almost 24 na, mayroon na siyang sariling isip. She’s turning into a mature and beautiful woman so sana..." ang panimulang pahayag niya.

Sa pagpapatuloy ni Gerald, binigay pa rin niya kay Sarah ang choice.

Dugtong ng aktor, "Nasa kanya yun. Hindi puwedeng i-force ang isang tao, hindi puwedeng pilitin ang isang tao.

"Kung ano ang gusto niyang sabihin, dapat sabihin niya.”

Pero huminto na ba siya sa panliligaw? Ayon sa ilang report na lumabas, hindi na raw niya kayang maghintay.

“Hindi totoo yun, walang ganun," ang mabilis niyang sagot.

"Kumbaga ang communication namin ni Sarah, everyday pa rin naman. Siyempre alam naman natin na sobrang busy siya, Sarah is a Superstar... Kumbaga mayroon kaming kanya-kanyang schedule, hindi natin kayang gawin lahat ng gusto nating gawin para sa isang tao. Basta I’m really just happy whatever we have right now.”

Nang tanungin kung gaano katagal siya maghihintay, ang balik-tanong ni Gerald, “Paano ko ba sasagutin ‘yan?"

Dagdag niya, "Marami pang kailangang mangyari. Dapat makilala mo ang isang tao. Dapat magkaroon kayo ng chance para magsama kayo at mas makilala ang isa’t isa.

"Mahirap yung ipapakita mo ang best foot forward [’tapos] at the end of the day, pag naging kayo, hindi kayo masaya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Tsini-cherish ko yung friendship na binibigay niya sa akin, yung support at inspirasyon at sana ganun din siya.

"Masaya lang ako sa lagay namin as friends. Tingnan natin, ’wag nating madaliin.”

DATING A SEXBOMB DANCER? May lumabas ding kuwento na nakita raw si Gerald na nag-date kasama ang isang SexBomb dancer.

Ang unang reaksiyon niya: pagtataka.

Saka niya sinabing, “Wala talaga. Sobrang tagal na nung last date ko.

"Kami nga ni Sarah, di pa kami nag-date so pa’no pa sa ibang babae?

"Sa ngayon, nagpo-pokus muna ako sa pamilya ko. Mayroong bagong miyembro ang pamilya ko, nanganak na ang Ate ko so sa ngayon, dun ako pokus. Gusto ko na maayos ang buhay nila.”

HAPPY FOR KIM. Nadako naman ang usapan sa dati niyang girlfriend na si Kim Chiu. Aniya, masaya siya sa takbo ng "special friendship" ng dating kapareha kay Xian Lim.

“Happy ako for them. Bago nag-start ang taping ng My Binondo Girl, nagsabi ako kay Kim na feeling ko, sila ang magdadala ng show.

"Ang lakas ng chemistry nila ni Xian.

"’Tapos si Xian, ang tagal ding naghintay para sumikat. Yun na ang pagkakataon niya."

Pero umiwas si Gerald tungkol sa real score ng dalawa.

Habang nakangiti, aniya, "Masaya ako para sa kanila, pero labas na ako dun. Mahirap na mag-comment. Ang wish ko lang na maging masaya si Kim, period. Kung ano man yun...”

Kumusta na yung pelikulang ginagawa nila para sa 20th anniversary ng Star Magic?

“Okay naman. Well, unang araw pa lang kami, hindi pa kami halos nagkaka-eksena ni Kim. Baka next year, start na kami.

"I’m excited to work with her again. Kailan ba yung huling pagtatambal namin? Medyo matagal-tagal na, so siyempre, excited ako na makatrabaho siya ulit.”

GERALD’S YOUNGER BROTHER. Lastly, may mga nagtataka kung bakit sa Artista Academy ng TV5 nag-audition ang nakakabatang kapatid niyang si Ken.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kung si Gerald daw ang masusunod, mas gusto niyang mag-aral muna ito kaysa pasukin na rin ang pag-aartista.

“He’s 21, mayroon din siyang sariling pag-iisip, kailangan din nating maging fair at hayaan siyang magdesisyon para sa sarili niya.

"Kung ako lang ang masusunod, gusto kong tapusin niya ang pag-aaral niya,” ang sabi ng Kapamilya star.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN