Carl Guevara admits courting Kris Bernal

“Siguro right timing lang ngayon. Ayun, nanliligaw ako sa kanya, pinadadalhan ko siya ng flowers. Sana may chance. Sana successful,” says Carl Guevara on courting fellow Kapuso star Kris Bernal.


Napilitan si Carl Guevara na amining nanliligaw siya ngayon kay Kris Bernal.

Kuwento ni Carl sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), sa presscon ng bagong afternoon dramang kinabibilangan niya, ang Hindi Ka Na Mag-iisa, nagkasama raw sila ni Kris sa isang mall show sa Cebu nung nakaraang linggo at doon daw sila nagkausap nang masinsinan.

Aminado naman si Carl na nung pagpasok pa lang niya ng GMA-7 ay crush na niya si Kris, pero hindi lang daw siya makaporma dahil aware naman siyang ka-loveteam pa ito ni Aljur Abrenica.

Ayon kay Carl, “Before kasi, pagpasok ko sa Last Prince, napansin ko na siya, pero hindi naman talaga kami nakapag-usap nang mabuti.

“Nung time pa na yun, kalilipat ko lang sa GMA, kailangan ko pa talaga magtrabaho.

“’Tapos, meron pa silang loveteam ni Aljur, siyempre nirerespeto ko naman ang loveteam nila.”

Nung panahong iyon ay naghiwalay na rin daw si Carl at ang ex-girlfriend niyang Daiana Menezes, at aminado siyang sobra niyang dinamdam ang breakup na iyon.

Mabuti at nandun daw ang pamilya niya na sumuporta sa kanya, kaya nagawa raw niyang mag-move on nang maayos at tuluyan nang kinalimutan si Daiana.

Patuloy na kuwento ni Carl, “Pero lately, nagkasama kami ni Kris sa Cebu.

“Nagkakuwentuhan kami, nagkakumustahan... matagal na rin kaming hindi nagkausap.”

Pagkatapos daw nilang magsama ni Kris sa Cebu, nagkapalitan sila ng numero at madalas na nga raw silang nag-usap. Lumabas pa raw sila uli kasama ang ilang kaibigan.

“Mabait naman si Kris, e, masayahin, masayang kasama,” sagot ni Carl nang tinanong ng PEP kung ano ang nagustuhan niya sa young actress.

Kitang-kita ang pagkakilig ni Carl tuwing napapag-usapan ang panliligaw niya kay Kris.

“Okay naman, e. Masaya, masaya,” pakli nito nang kinumusta namin ang panliligaw niya.

“Siguro right timing lang ngayon. Ayun, nanliligaw ako sa kanya, pinadadalhan ko siya ng flowers.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana may chance. Sana successful,” napapangiti niyang pahayag.

Aware naman daw si Carl na naiintriga si Kris kay Mark Herras at pati na kay Coco Martin. Napag-usapan naman daw nila iyon at alam daw niyang wala itong katotohanan.

“Sa akin naman, wala ako sa lugar para magselos, e. Pero happy ako dahil nakakausap ko siya,” sabi nito.

Hiningan namin ng mensahe si Carl para kay Kris: “Hi Kris, good luck. Ingat ka palagi. Nandito lang ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN