FIRST READ ON PEP: Annabelle Rama to file libel complaints against Amalia Fuentes and Nadia Montenegro in Cebu

Talent manager Annabelle Rama (in photo) flew to Cebu this morning, June 28, to file libel complaints against former movie queen Amalia Fuentes, actress Nadia Montenegro, and writer Chito Alcid.


Nakita ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kaninang umaga, June 28, ang mag-asawang Annabelle Rama at Eddie Gutierrez sa Mabuhay Lounge ng NAIA Terminal 2.

Kasama nina Annabelle at Eddie ang kanilang anak na si Elvis at mga apo na sina Lorin at Venice (mga anak ni Ruffa Gutierrez).

Cebu-bound ang Gutierrez family, pero hindi basta bakasyon ang dahilan ng pag-uwi ni Annabelle sa kanyang bayan.

Pupunta sa Cebu si Annabelle para maghain ng libel complaints laban kina Amalia Fuentes, Nadia Montenegro, at sa entertainment reporter na si Chito Alcid.

Ihahain ni Annabelle ang reklamo ngayong hapon, 2 p.m., at suportado ng pamilya niya ang kanyang aksyon.

Nang i-dismiss ng Quezon City Prosecutor’s Office noong Martes, June 26, ang falsification case na isinampa ni Nadia laban sa kanya, nagbitaw ng salita si Annabelle na umpisa na ng pagbangon niya para durugin ang mga kalaban at ang pagsasampa ng kaso sa malayong lugar ng Cebu ang simula.

(CLICK HERE to read related story.)

Kinontak na ng PEP ang kampo nina Amalia at Nadia kaugnay ng paghahain ng reklamo laban sa kanila ni Annabelle sa Cebu.

Ayon kay Amalia, sa pamamagitan ng text message, hihintayin na lang daw nila ang pagpa-file ng reklamo ni Annabelle.

Wala pa kaming kasagutang nakukuha mula kay Nadia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN