Saab Magalona prefers playing villain roles to "distinguish" her from sister Maxene

Saab Magalona plays another kontrabida role in the upcoming Kapuso afternoon drama series, Hindi Ka Na Mag-Iisa. Though she is now being typecast in this kind of role, the Kapuso actress says “I’m enjoying naman as kontrabida.”


Isang panibangong kontrabida role ang gagampanan ni Saab Magalona sa upcoming afternoon drama series ng GMA-7 na Hindi Ka Na Mag-Iisa.

Hindi naman daw problema sa batang aktres kung ma-typecast siya sa kontrabida roles.

“Well, honestly, ni-request ko ‘yon sa GMA na gusto ko mag-kontrabida,” sabi ni Saab.

“I guess natuwa sila sa performance ko... actually, I get good feedback din from mga tao sa Twitter, sa Facebook.

“You know, if it is for me, I’ll embrace it. I’m enjoying naman as kontrabida.”

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Saab kagabi, Hunyo 27, sa presscon ng Hindi Ka Na Mag-Iisa, na ginanap sa 17th floor ng GMA Network Center sa Timog Ave., Quezon City.

Bukod sa nag-e-enjoy siya sa kontrabida roles, paraan na rin daw ito para ma-“distinguish” siya sa kanyang kapatid na si Maxene Magalona.

Paliwanag niya, “Kasi it’s hard to… ayaw ko naman tapatan ‘yong sister ko na leading lady siya, lagi siyang inaapi, ‘yan.

“So, para maiba, para I’ll find my own character, para magkaiba talaga, ma-distinguish kami.”

MAGALONA SIBLINGS. Bukod kina Saab at Maxene, aktibo rin ngayon sa showbiz ang iba pa nilang mga kapatid na sina Frank, Elmo, at Arkin Magalona. Lahat sila ay nakakontrata sa Kapuso network.

Pero kahit nakakasama na ni Saab sa ilang shows ang iba niyang kapatid, wala pa raw siyang nakakaeksena sa kanila.

Kaya naman ngayong makakasama niya muli si Frank, na nakasama niya sa katatapos lamang na My Beloved, umaasa si Saab na magkaroon na sila ng mga eksenang magkasama.

“Ito ‘yong first time na magkasama talaga kami [sa eksena],” nangingiting sagot ni Saab nang aming alamin kung excited ba siyang makatrabaho si Frank.

“So, sana more [scenes together]...

"Kasi siya, more on sa squatter’s area, e, ako sa mansion na naman ako. So, hindi ko alam kung magkakatugma ‘yong roles namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sana makatrabaho ko siya. Kasi hindi ko pa na-experience na mag-take ng scene with them—actually with any of my siblings.”

Ang unti-unting pagiging visible sa telebisyon ng magkakapatid na Magalona ay lubos na nagpapasaya kay Saab.

Aminado rin siya na isa sa dahilan ng magandang pagtanggap sa kanila sa showbiz ay ang kanilang yumaong ama na si Francis Magalona.

“I feel so blessed talaga,” pahayag ng 22-year-old na aktres.

“Kasi parang kahit my dad passed away na, parang kilalang-kilala pa rin ng mga tao ang pangalang Magalona.

“So, natutuwa talaga ako na sinusuportahan kami ng mga fans and followers namin.”

ON MAXENE. Samantala, inalam na rin ng PEP kay Saab kung totoo ba ang balitang may gap sa pagitan ng kapatid niyang si Maxene at ni Bubbles Paraiso.

Kamakailan kasi ay lumabas ang mga balitang tila may alitan ang dalawang Kapuso actress, ngunit hindi malinaw ang dahilan.

Ngunit sa isang panayam kay Maxene ay inamin nitong hindi na sila “close” ng dating kaibigan.

Ang sinabing dahilan ni Maxene: “It’s because kasama niya ang ex-boyfriend ko. Kasi dahil mas magkaibigan sila.”

Ang ex-boyfriend ni Maxene ay ang professional poker player na si Neil Arce.

(CLICK HERE for related article.)

Ang opinyon naman ni Saab tungkol sa isyung ito: “I think she [Maxene] just became busier with her schedule because nga of her new show [Faithfully].

“And I think she’s rekindling din with her old friends, and you know it’s good to have a lot of groups of friends.

“So, I really don’t know kung nagkaaway ba or what.

“But I don’t think so.

"Pero kung totoo man… pero hindi naman yata, wala naman akong naririnig na ganyan.”

Dagdag pa ng young actress, “Ano naman ‘yon, e, kung galit talaga siya, may ikukuwento siya.

“Pero siguro wala, gumagawa lang siguro ng issue ‘yong mga tao.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN