Nadine Samonte thankful for the chance of having worked with Mario O’Hara; takes a shot at theater acting after Valiente

Nadine Samonte played Maila in her third teleserye on TV5, Valiente. She says she cherishes her experiences in the series, especially working with her idol and co-star Ms. Lorna Tolentino and also learning a lot from directors Joel Lamangan and the late Mario O’Hara.


Lungkot na may kahalong ngiti ang naramdaman ni Nadine Samonte sa pagtatapos ng TV5 priemtime series na Valiente, kunsaan gumaganap siya bilang si Maila.

Mami-miss daw ni Nadine ang magandang samahan nilang lahat sa set ng Valiente.

Naging close si Nadine sa veteran stars na nakasama niya rito—sina Jaclyn Jose, Michael de Mesa, Gina Alajar, John Regala, at ang matagal na niyang iniidolo na si Ms. Lorna Tolentino.

Sabi ng young actress sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), “Parang kelan lang ay nagsimula kami mag-taping for Valiente. Ngayon tapos na pala kami.

"Nakakalungkot kasi ang ganda ng working relationship naming lahat sa show.

“Nabigyan din ako ng opportunity to work with the best actors and actresses ng industriyang ito, at nakatrabaho ko rin si Direk Joel Lamangan.

“Marami akong natutunan sa kanya at dadalhin ko iyon sa mga susunod kong projects.

"Wish ko na makatrabaho ko ulit si Direk."

Patuloy niya, "Mami-miss ko silang lahat, lalo na si Tita Lorna. Hindi ko makakalimutan ang mga eksena namin sa Valiente.

“Idol ko talaga siya. Hindi lang sa kagandahan niya kundi pati sa pagiging ba mahusay niyang artista.

DIREK MARIO. Ikatlong drama series na ni Nadine ang Valiente pagkatapos niyang pumirma ng exclusive contract sa TV5.

Pinagbida siya agad sa The Sisters at isinama siya sa comeback sa telebisyon ni Ms. Nora Aunor, ang Sa Ngalan Ng Ina na idinirek ng yumaong si Mario O’Hara.

Isa rin si Nadine sa nagulat nang malaman niyang namaalam na si Direk Mario dahil sa sakit na leukemia.

Mabait daw itong tao at hindi kailanman daw niyang nakita itong nagalit noong ginagawa nila ang Sa Ngalan Ng Ina.

Pahayag ni Nadine, “I feel so lucky dahil nagkaroon ako chance to work with someone like Direk Mario.

“I will always treasure that. Na minsan sa pagiging artista ko, naidirek niya ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Napakabait niyang tao at ang ganda ng experience ko with him working on Sa Ngalan Ng Ina.

“Tahimik lang siya at kahit na break namin, iniisip na niya ang mga magiging next scenes namin.

"Bilib ako sa kanya bilang director at nakakapanghinayang na namaalam na siya.

"Hinding-hindi ko siya makakalimutan, lalo dun sa mga times na nahirapan ako sa mga eksena.

“Naging pasensiyoso siya sa akin at tinulungan niya ako."

THEATER VENTURE. Pagkatapos ng Valiente ay wala pang next project si Nadine kaya susubukan muna niya ang paglabas sa isang theatre production.

“May gagawin akong stageplay. Para lang maiba at masubukan ko naman ang theater.

“Matagal ko na rin na gustong subukan ang gumawa ng isang stageplay at ngayon ay magagawa ko na.

"Ibang experience na naman ito para sa akin,” banggit niya.

Nakikipag-meeting na si Nadine sa mga producers ng gagawin niyang stageplay at sisimulan na niya ang kanyang training at workshop.

"First time ko itong gagawin kaya gusto ko na prepared ako.

“Ayokong mapahiya kasi mga veteran stage actors ang makakatrabaho ko.

"New experience ito for me at sana nga magawa ko nang tama," sabi ni Nadine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN