Young superstar Judy Ann Santos and Thai actor Ananda Everingham topbill Director’s Showcase entries in Cinemalaya 2012

The directors of the five films competing in the Director’s Showcase of this year’s Cinemalaya: (L-R) Lawrence Fajardo of Posas, Jose Javier Reyes of Mga Mumunting Lihim, Raymond Red of Kamera Obskura, Jun Lana of Bwakaw, and Adolf Alix Jr. of Kalayaan. (CL


Sa 8th Cinemalaya Philippine Independent Film Festival—mula July 20 hanggang July 29, 2012—ay itatanghal ang limang entries sa Directors’ Showcase section; para sa filmmakers na nakagawa na ng mahigit sa tatlong full-length feature films.

Ito ang ikatlong taon ng nasabing kategorya sa taunang Cinemalaya Filmfest.

Ang mga venues ng pagtatanghal ay ang Cultural Center of the Philippines (CCP) sa Roxas Blvd., Manila; ang Greenbelt Cinema 3 sa Makati City; at ang Trinoma Cinemas sa Quezon City.

Katulad sa kategoryang laan sa mga baguhang manlilikha o New Breed Section, ang Directors’ Showcase ay inaabangan ng manonood dahil sa mga obrang naiiba at pagiging makasining ng mga ito.

Ang mga direktor na lumalahok, bagama’t mga datihan na o nakagawa na ng mahigit sa tatlong obra, ay sumusubok sa paghamon ng medyum (digital film) at pagkakataong makilahok sa kumpetisyong pampelikula na sa halos isang dekada na ngayon ay ibinibilang na pretihiyoso, may kaukulang halaga para sa pagpapasulong ng industriya ng pelikulang Pilipino.

PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) gathered info and data about each the entries. Kabilang din ang mga tala ng mga direktor at iba pang may kinalaman sa mga kalahok sa pelikula sa nasabing section.


(
CLICK HERE to read all about the entries competing in the 8th edition of Cinemalaya)

Sa taong ito, ang limang entries sa Cinemalaya Filmfest-Directors’ Showcase category ay ang mga sumusunod:

Bwakaw. Sa direksiyon ni Jun Robles Lana. Tampok na mga nagsiganap sina Eddie Garcia, Soxy Topacio, Armida Siguion-Reyna, Rez Cortez, Alan Paule, at Gardo Versoza.

Ano ang subject matter at kuwento ng obra at bakit Bwakaw ang napiling title ng pelikula, na base sa screenplay na isinulat ni Jun Lana?

"It’s about an old man and his dog... the old man happens to be a [closeted] gay," sagot ni Direk Jun sa PEP.

"Bwakaw ang pangalan ng aso, kasi matakaw yung aso na askal [asong kalye].

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero dahil sa friendship niya with his dog, the gay man experiences love for the first time.

"As a gay person, matagal na siyang closeted; now he’s in his 70s.

"Eddie Garcia fitted the role of the old man and Soxy Topacio, his gay friend."

May mahalagang partisipasyon sa pelikula ang veteran actress at opera singer na Armida Siguion-Reyna.

"Siya yung old flame ni Eddie nung nagpapaka-straight [guy] pa siya," kuwelang pagbanggit ni Direk Jun.

On the other hand, the character of a priest, named Fr. Eddie, is essayed by Gardo Versoza.

"You have to guess as to my real character in the story, kasi lagi akong may hawak na pamaypay," nangiti naman si Gardo, in a separate interview with PEP.

Sabi naman ni Direk Jun, "It’s more of a comedy or dramedy. My first time with such a genre..."

Lana, who debuted as a mainstream movie director via the sex-oriented comedy Gigil, isn’t new to the indie filmmaking system.

In fact, ang mga sumunod niyang pelikula ay kabilang sa mga independently-produced, ‘tulad ng Paraiso at Roxannne, bago siya uli pumalaot sa mainstream commecial movies and did the horror-dramas Kulam and Tarot.

Kalayaan (Wildlife). Sa direksiyon ni Adolf Alix, Jr. base sa isinulat niyang dulang pampelikula. Tampok na mga nagsiganap si Ananda Everingham, Laotian-Australian actor na popular sa Thailand at nakilala sa pelikulang Shutter noong 2004; at mga Pinoy actors na sina Zanjoe Marudo, Luis Alandy, at Rocky Salumbides; at sina Angeli Bayani at Evelyn Vargas-Knaebel.

Sa deskripsiyon ni Alix, ang Kalayaan, na ang setting ay ang Spratly Islands, ay tungkol sa mga sundalong nakadestino sa naturang isla.

Hindi isang war film o ukol sa giyera ang Kalayaan.

"Tungkol po ito sa malungkot na buhay ng mga soldiers doon, kung paano ang buhay nila sa Spratlys. More of psychological drama ang pelikula,” sabi ni Direk Adolf.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Last year, sa Cinemalaya 2011 NETPAC (Network for the Promotion of Asian Cinema) ay naging entry ang pelikula ni Adolf, ang Liberacion, na pinagbidahan nina Jacky Woo at Mercedes Cabral.

"Magkaiba ang Liberacion at Kalayaan, although parehong may soldiers sa kuwento. Dito [Kalayaan], Pinoy naman. May female character naman ako, played by a Japanese actress named Kiki Sugeno."

Noong isang taon din ay entry sa Cinemalaya-Directors’ Showcase ang Isda ni Adolf Alix, kung saan nanalong best actor si Bembol Roco.

Ano naman ang kanyang expectation sa taong ito ng Cinemalaya Filmfest, para sa Kalayaan?

"Wala naman kaming expectation, basta matapos lang po ang pelikula at maipalabas sa Cinemalaya," sambit ni Direk Adolf.

Kamera Obskura. Ang bagong obra ni Raymond Red ay may makabuluhang paksa: ang paghahanap ng kasagutan hinggil sa isang natuklasang lumang pelikula.

Kaya mahalaga ang partisipasyon ng Society of Film Archivists [SOFIA], na aktibong nagpapasulong sa film preservation and archiving upang maayos na maitala at mapreserba ang ating mga likhang pelikula, bilang bahagi ng mayamang kasarinlang Pilipino, para sa mga susunod na salinlahi o henerasyon ng mga mag-aaral sa pelikula at kultura.

Done in black and white, ang Kamera Obskura ay isa ring tribute sa panahon ng tinatawag na “silent expressionist films” sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino.

Maaaring mahirap maunawaan ang isang silent film, pero ayon kay Direk Raymond—na siyang ring screnwriter, cinematographer at editor ng kanyang obra:

"May buong narrative ’yon, na may gustong sabihin.

"The film itself, may pagka-socio-political ang subject matter.

“Ginagamit niya ang symbolism ng camera—kaya Kamera Obskura ang title—as a tool for either uniting or getting people together; or express truth, as a tool for change or recording reality.”

May simbolismo rin ang kamera sa maikling pelikula ni Raymond, ang Anino (2000), na nanalong Best Short Film sa Cannes International Film Festival nang taong ’yon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pinaghusay rin ni Direk Raymond ang pagiging isa niyang cinematographer sa obrang Himpapawid (2009) na napagwagian niya ng Best Cinematography award sa Gawad Urian ng Manunuri ng Pelikulang Pilipino.

Ang mga pangunahing nagsiganap sa Kamera Obskura ay sina Pen Medina, Joel Torre, Ping Medina, Abe Pagtama, at isang bagong aktres na magiging "surprise attraction" ng pelikula.

Bilang maituturing na "tribute to cinema" ang Kamera Obskura ay may layuning maghatid ng mahalagang mensahe para sa publikong manonood at mga manlilikha ng pelikulang Pilipino.

"I struggle to make the films I believe in," sabi ni Raymond na may lubos na paniniwala sa halaga ng Cinemalaya Independent Filmfest sa layuning higit pang pagpapasulong ng pelikulang Pilipino.

Ang Kamera Obskura ay produksiyon ng Pelikula Red (Raymond’s outfit) with grants from the Cinemalaya Foundation, Inc.

Mga Mumunting Lihim (Those Little Secrets). Sa panulat at direksiyon ni Jose Javier Reyes, ang Mga Mumunting Lihim ay masasabing may "pinaka-komersiyal" na lineup ng mga nagsiganap na artista.

Pawang so-called "mainstream actors" ang mga bidang artista ng obra: Janice de Belen, Iza Calzado, Agot Isidro, at Judy Ann Santos.

"Tungkol ito sa apat na magkaka-barkada," simulang banggit ni Joey sa PEP.

"Yes, it’s about their quirks... but no, it’s not feminist nor social realist story.

"It’s about friendship. Iba ang role dito ni Judy Ann, dahil siya ang kontrabida or bida-kontrabida.

"Si Janice was a replacement for Eugene [Domingo]. Uge was the original choice for the role, but Janice did equally well, I must say. I’m so happy she accepted the role.

"Well, of course, Iza Calzado ang Agot Isidro are both fine actresses, ‘tulad nina Janice at Juday.

“With these people making up my movie’s cast, what more is there to ask for?

"Grabeng blessing ito, sa casting pa lang!" overwhelmed na wika rin ni Direk Joey.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sa pagiging super busy, especially ni Juday, paano napapayag si Direk Joey na makuha ang serbisyo nito?

Joey smiles, "Well, sinabi ko lang, ’Juday, puwede mo ba akong bigyan ng apat na araw ng buhay mo para sa Cinemalaya?’

"’Okey,’ sabi niya. Ni hindi nga niya tinanong yung role. Ganun kami magmahalan!"

Mga Mumunting Lihim (Those Little Secrets) is Joey’s first Directors’ Showcase entry for the annual Cinemalaya Filmfest.

It’s produced under his new film outfit called Largavista—which replaced Available Light Productions upon the death of one of its incorporators, the late production designer and director Don Escudero.

"We plan to do more indie films. I’m looking for young directors who I’ll look for financiers so we can have their careers launched."

With Mga Mumunting Lihim (Those Little Secrets), Joey is happy that his entry was finished ahead of schedule given by Cinemalaya.

"Masaya kami at excited din ako sa mga kasama ko [sa Directors’ Showcase category].

"For me, it’s not a competition but more of a camaraderie.”

Posas (Shackled). Sa direksiyon ni Lawrence Fajardo, mula sa panulat ni Zig Dulay, ang Posas ay masasabing isang komentaryo sa sistema ng hustisya sa bansa.

Partikular na bibigyang-pansin ng kuwento ang institusyon ng pulisya at ang pamamalakad nito bilang isang law-enforcement body.

Naipatutupad ba nang maayos ang batas ukol sa mga krimen nang walang anumang pagkiling at pagsalungat sa nararapat na hustisya?

"Mga gano’n... medyo tricky siya," simpleng tugon ni Direk Law about his film’s subject matter and underlying theme.

Deliberate ang pagiging violent ng pelikula, ayon sa pagkaka-execute ng direktor.

Walang iniwan sa huli niyang obra, ang Amok, na nagwagi ng ilang parangal sa 7th Cinemalaya Filmfest at sa 35th Gawad Urian; kabilang ang Best Editing para kay Lawrence.

"Iba naman ang violence dito sa Posas. Mas internal dahil sa character ng snatcher,” sabi ng direktor.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kabilang sa mga nagsiganap sa Posas (Shackled) sina Bangs Garcia, John Lapus, Art Acuña, Wendy Valdez, CJ Ramos, Susan Africa, Jelson Bay, Tad Tadioan, Jake Macapagal, Ermie Concepcion, Andy Bais, Nor Domingo, at sa pangunahing papel, ang singer-actor na si Nico Antonio.

Bilang direktor ng Posas, si Lawrence ang umako sa proyektong unang naitokang idirek ni Jeffrey Jeturian pero kailangan nitong mag-backout dahil sa pagiging abala sa pagdidirek ng teleserye.

But the soft-spoken film auteur doesn’t mind being a "second choice,” so to speak.

"Ako yung AD [assistant director] niya, ako rin ang mag-e-edit," Law reasoned.

"Although kung ginawa ito ni Jeffrey, siguro maganda rin, kasi iba naman ang style ni Direk Jeff, iba rin yung sa akin.

"Actually, gusto kong magpaalam sa kanya, wala lang akong time, pero alam naman niya kasi may blessing naman ng producer namin."

Posas (Shackled) is produced by Atty. Joji Alonso of Quantum Films, which produced two of last year’s Cinemalaya Filmfest best picture winners—Marlon Rivera’s Ang Babae Sa Septic Tank (New Breed Section) and Jeffrey Jeturian’s Bisperas (Directors’ Showcase).


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN