Ara Mina will pursue libel case against Cristine Reyes despite public apology from younger sister

Ara Mina (in photo) on sister Cristine Reyes: "Ang pera nauubos, ang kasikatan nawawala, ang titulo nasusunog, nawawala ang kagandahan, kumukupas, pero yung pamilya, kapatid, nandiyan. And sinasabi ko, sasabihin ko ulit, kung sino man nakapaligid sa kanya, sana payuhan n’yo nang tama. Dahil kaya dumating sa point na ganito, hindi na rin siya kaya ng mommy ko. Wala nang nakakaya sa kanya, e. Kung lahat sumuko na actually, ako yung natitira."


Buo ang desisyon ni Ara Mina na ituloy ang kasong inihain niya laban sa kapatid na si Cristine Reyes, sa kabila ng paghingi ng public apology ng huli.

Ayon sa abugado ni Ara na si Atty. Enrique dela Cruz Jr., “Sa huling pag-uusap namin ni Ara, hindi niya tinatanggap yung naging malabnaw na apology ni Cristine.

“Sapagkat, ang sabi ni Cristine, ‘Kung ako man ay nakasakit sa kanya ako’y humihingi ng tawad…’

“Hindi naman niya inaamin na siya’y nagkamali, e.

“Papa’no mo patatawarin ang isang taong hindi naman umaamin na siya ay nagkamali?

“Kung natatandaan natin, yung kaso ay nai-file ni Ara, hindi para kumulekta ng pera, hindi para maghabol ng ano man, kundi upang turuan ng leksyon yung kanyang nakababatang kapatid.

“So, sa kanyang pananaw, hindi siguro dapat pang iatras yung kaso dahil hindi pa naman niya natututunan, e, yung leksyon na dapat niyang matutunan.”

Ayon pa sa abugado ni Ara, hinihintay na lang nila ang resolution mula sa Prosecutor’s Office kung may probable cause ang kasong isinampa ni Ara laban kay Cristine at kung aakyat ito sa korte.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Atty. dela Cruz sa GMA Network Center kahapon, June 29.

CRISTINE’S “APOLOGY.” Pagkatapos makausap ng PEP ang abugado ni Ara ay nakausap din namin ang aktres sa opisina ng iniendorso nitong derm clinic.

Nung napanood daw ni Ara ang interview kay Cristine sa The Buzz, nanlumo raw siya dahil nakikita raw niya sa mga mata ng nakababatang kapatid na galit pa rin ito sa kanya.

(CLICK HERE to read related story.)

Kuwento ni Ara sa PEP, “Nakatulala lang ako ganyan. Parang katulad nung nagpasalamat siya na in-offer niya yung award niya sa akin.”

Ang tinutukoy ni Ara ay ang Box-Office Queen award na napanalunan ni Cristine sa Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation, Inc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Patuloy ng aktres, “Bukod sa nung nawalan na ako ng tiwala, natabangan na ako, parang hindi na ako naniniwala sa mga sinasabi niya.

“Lahat ng mga nasabi niya sa akin, tagos talaga, e.

“Alam mo yung sobrang tindi, parang kinamumuhian niya ako, na parang hindi ko maintindihan,” napapabuntung-hininga niyang pahayag.

Nakikita raw ni Ara kay Cristine kung ano talaga ang naramdaman nito.

“Ramdam ko, e, nakikita ko sa mata niya, at kilala ko siya.

“’Pag talagang litung-lito siya, ‘pag apologetic siya, alam ko yun. Kilala ko siya.

“Siyempre 10 years ang gap namin, e. Ten years ang tanda ko sa kanya.

“Alam ko kung paano siya lumaki,” patuloy nito.

Nabanggit noon ni Ara na "public apology" lang ang kailangan niya at baka iurong na niya ang kaso.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi naman daw niya nakikita ang sinseridad na talagang nagsisisi na ang kapatid sa kanyang ginawa at gusto na nitong magbago.

Sabi ni Ara, “I appreciate her effort or baka nagkataon lang din na patapos na yung show, kailangan i-promote na yung show [Dahil Sa Pag-ibig].

“Parang halatang ano lang… dinaanan lang. Parang kailangan lang gawin para matapos na ‘to dahil sinabihan siya ng pamilya ko, pamilya namin na mag-sorry.

“Pero hindi naman ako nagmamadali. Yung gusto ko, mag-sorry siya na bukal sa kalooban niya, na sincere siya.

“Okay, let’s see sabihin natin siguro ingat siya dahil may kaso, pero you think kung makikita kong sincere siya, hindi ko iuurong yung kaso? Siyempre lalambot din ang puso ko.

“Mahirap ‘tong ginagawa ko, pero sino ba ang dapat dumisiplina sa kanya, ibang tao? Di ba, dapat pamilya?”

Dagdag pang pahayag ni Ara, “Yung iba sinasabi nila na, ‘Nag-sorry na, e, sana patawarin mo na, hayaan mo na, magkapatid naman kayo…’

“Kahit anong mangyari, naiintindihan ko naman yung mga opinyon ng iba, nirerespeto ko yun. Pero sana respetuhin din nila ako.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kung sila ang nasa kinalalagyan ko, maiintindihan nila ako.”

TEXT MESSAGES. Binanggit ni Cristine sa panayam niya sa The Buzz na ilang beses na raw siyang nag-text kay Ara, na gusto niyang mag-usap sila, pero hindi raw sumasagot ang kanyang ate. Kaya naghihintay lang daw siya ng tamang oras na makapag-usap sila nang maayos.

Sabi ni Ara tungkol dito, “Nag-text sya sa akin, sinabi niya sa akin, ‘Ate, saan ka, pupuntahan kita.’

“Hindi ako sumagot sa iyo, automatic alam mo kung saan ako nakatira at pina-follow pa rin niya ako sa Twitter.

“Kung may paraan, at kung gustung-gusto mo, may paraan kahit saang lupalop ako pumunta.

“Kung gusto mo talaga, sincere ka, mahahanap mo ako.

“Hindi niya kailangan ang text back ko, ang sagutin ko siya.

“Dalawang beses lang siyang nag text, that’s it.

“Kasi nasanay siya sa akin before na ‘pag nag-aaway kami, hindi kami mag-uusap ng ilang araw, ‘tapos ‘pag nag-text siya sa akin, ‘Ate, saan ka, puntahan kita.’

“Ako naman, sige, lumambot na naman ang puso ko, ‘Sige puntahan mo ‘ko dito.’

“Pero ‘eto talaga, sobrang alam mo yung… sana hindi na lang niya ako tinext, yung pumunta na lang siya.”

Dagdag ni Ara, “Para niya akong sinaksak, sinampal, binugbog sa lahat ng mga sinabi niya sa akin.

“Ginawa pa niya, tinext pa sa lahat ng kapatid ko, sa mga ibang tao na hindi naman dapat ma-involve.

“Gusto niya akong siraan sa ibang tao.”

HOUSE FOR THEIR MOTHER. Napag-usapan naman noon pa na ang isyu sa bahay na binili ni Cristine para sa ina nila ni Ara, si Frances Marie Klenk, ang isa sa mga mabigat na dahilan kung bakit umabot sa ganito kagulo ang away nilang magkapatid.

Pero nilinaw ni Ara na wala siyang pagkakautang kay Cristine.

Ang bahay raw na binili ni Cristine para sa kanilang ina ay nasa pangalan pa rin daw ng nakababatang kapatid.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Si Cristine daw ang nagbayad ng downpayment, at si Ara ang nagpatuloy ng pagbayad ng balanse.

Sabi ni Ara, “Ikaklaro ko lang, wala akong utang sa kanya.

“In fact, nakapangalan sa kanya yung townhouse ng mommy ko.

“Nagdesisyon ang mommy ko ngayon, kung babalik siya sa Provident [Marikina].

“Sinasabi niya [Cristine] kasi sa YES! Magazine, ibinigay niya yung townhouse pero nakapangalan sa kanya yun.

“So, hindi ko na alam kung anong balak ng mommy ko.

“Sabi ko nga, hindi naman niya ako kargo, e… hindi siya nagpakain sa akin.

“Ako nagbabayad ng bahay ko.

“Nami-misinterpret kasi ng iba porke’t siya yung ano ngayon… may trabaho ngayon, kailangan ko daw ng pera, wow!

“Hindi sa pag-aano, may investment naman ako, may negosyo ako, bakit ko peperahan ang kapatid ko?

“Kung gusto kong perahan ang kapatid ko, dun pa lang sa pag-file ko, may dini-demand na akong charge, may dini-demand na akong amount.

“Pero nakita n’yo naman pag-file ko, walang amount ni singko at wala akong utang.

“Kumbaga, yung sa usapan namin, kasi galit lang siya kaya gusto niya parang may utang ako na... in fact, siya yung may balance sa akin na ibinigay na niya nung birthday ko.

“Kinuha ko yung tseke ganyan, para proof lang kasi may kaso,” paliwanag ni Ara.

FAMILY MATTER. Nasasaktan lang daw si Ara dahil hindi lang siya ang apektado sa away nilang magkapatid kundi ang kanilang pamilya, lalo na ang kanyang ina.

Ilang beses kasi nababanggit ni Cristine sa kanyang Twitter account ang isang kamag-anak nila na tila iyon ang itinuturing niyang pamilya.

Sabi ni Ara tungkol dito, “Yung itinuturing niyang pamilya, na-appreciate ko yung pagmamahal nila kay Cristine.

“Pero ang hindi ko lang maintindihan—which is dun nasasaktan ang mommy ko… usto ko lang magpakatotoo—bakit parang mas binibigyan ng importansiya yung kamag-anak namin ngayon kesa sa mommy namin na dun kami nanggaling?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi parang nakikita ko dun sa pamilya, lagi siyang [Cristine] pinupuri, yung parang siya yung reyna, parang siya yung santo o whatever.

“Sa amin kasi, yung way na pagpapalaki ng mommy ko, hindi yung inaano ka, parang kabaligtaran, niri-reverse psychology ka. Hindi ka masyadong pinupuri, hindi binubola.

“Minsan nakakairita, e. Yun yung way na pagpapalaki ng mommy ko para hindi lumaki ang ulo, pero iba yung pagtanggap niya [Cristine].

“Yung pinagdaanan niya sa mommy ko, pinagdaanan ko din naman.

“Pero nilagay ko talaga sa utak ko, kung ano man ang ma-reach ko, kailangan nakatapak pa rin ako sa lupa.

“Kasi sinasabi ng mommy ko nga, hindi panghabambuhay ‘yan.”

Patuloy ni Ara, “Ito, na parang napansin ko, na after No Other Women, yun, parang nag-iiba na yun.

“Sunud-sunod na nagkaroon siya ng show with sikat na aktor din na kasama niya, parang wala na akong katapatan na nakikita sa kanya—yung pakita niya sa amin, sa akin lalo.”

CRYING FOR CRISTINE. Lumuluhang nagpahayag si Ara na binalewala ni Cristine ang lahat na mga hirap niya bilang ate nito.

“Drum na ang niluha ko kay Cristine,” maluha-luhang pahayag nito.

“Bukod sa akin, marami pa siyang nasaktan na tao from showbiz, kapwa-artista, pamilya.

“Gusto ko lang sabihin sa kanya, sino ngayon ang magtatanggol sa kanya kung ako yung tagapagtanggol niya ang ginanito niya, di ba?”

Nung nalaman daw ni Cristine na magdedemanda siya at magpapa-interview at sabihin ang mga ginawa niya, kung anu-anong pang-iinsulto pa raw ang natanggap niya mula sa nakababatang kapatid.

Lahad ni Ara, “Nung nalaman niya na balak kong magpa-interview before ako… bago mag-file, kaya ako nag-decide na mag file.

“Sabi niya, ‘Sige mag-ready ka na ng isusuot mo sa mga interview mo, ‘yan naman ang gusto mo, di ba?

“”Kasi kailangan mo ‘yan, okey lang ‘yan, at para maalala ka pa rin ng mga tao, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“‘Hindi kita maharap kasi busy ako, samantalang ikaw nandiyan ka lang naman sa bahay, nakanganga sa bahay, di ba?’ Dahil busy daw siya.

“Hindi ko nilagay sa isip ko na talagang kainggitan ko siya or something.

“Sobrang proud ako sa kanya kaya nga ako nag-produce ng movie niya, e,” umiiyak nang pahayag ni Ara.

“Masasabi ko sa kanya, napakasuwerte niya kasi nung nagsimula ako sa showbiz, lahat ng intriga pinagdaanan ko, ako’ng nag-defend sa sarili ko.

“Wala akong kapatid, hindi nakialam ang mommy ko, dahil hindi naman sila nasa showbiz. Ako lang mag-isang dumidepensa sa sarili ko.

“Napakasuwerte niya kasi may ate siya ‘pag ayaw niya magsalita. ‘Ate ikaw na magsalita, ayokong magpa-interview. Ate, ikaw na magsabi, ganyan…’ Takbuhan niya ako, e.

“Nalulungkot ako kasi alam ko, alam niyang hindi ko siya kayang tiisin, e.

“Nalulungkot ako kasi ginawa ko na ito, pero parang wala pa rin akong nakikitang pagbabago.

“Yun na nga ang sinasabi ko sa ibang tao, ang sasabihin ko sa kanya: Ang pera nauubos, ang kasikatan nawawala, ang titulo nasusunog, nawawala ang kagandahan, kumukupas, pero yung pamilya, kapatid, nandiyan.

“And sinasabi ko, sasabihin ko ulit, kung sino man nakapaligid sa kanya, sana payuhan n’yo nang tama.

“Dahil kaya dumating sa point na ganito, hindi na rin siya kaya ng mommy ko. Wala nang nakakaya sa kanya, e.

“Kung lahat sumuko na actually, ako yung natitira.

“Since ano pa ito, since high school, ako na yung tumayo na parang nanay-tatay sa kanya.”

Sa kasalukuyan ay nasa London, England si Cristine para sa show ng The Filipino Channel (TFC) doon.

Pero bago siya umalis ay naglabas siya ng statement, sa pamamagitan ng Viva Artist Agency (VAA), kung saan muli siyang humingi ng paumanhin kay Ara.

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN