Denise Laurel on "teaching" Martin del Rosario on his first kissing and love scenes: “Parang nakakatakot naman bagets na bagets, I feel old, pero nakaka-refresh.”

Denise Laurel on entering into another relationship: “No, everything is so sakto. I’m so inspired na feeling ko, anong love pa ang papasok sa puso ko, e, sobrang nag-e-explode na siya with love, inspiration. May hahaba pa ba ang buhok ko? Parang I have everything that everyone could want.”


Sa pagbabalik-showbiz ni Denise Laurel, inamin nitong isa na siyang single mom.

Isang Italian-American daw ang ama ng anak ni Denise, pero wala na siyang ibinigay na detalye tungkol dito.

Itinutuon ni Denise ngayon ang kanyang atensiyon kung paano niya pagbubutihan ang panibagong oportunidad na ibinigay sa kanya ng Kapamilya network.

Nagbalik-telebisyon si Denise sa katatapos lang na primetime series na Dahil Sa Pag-ibig, kung saan napanood muli ang tambalan nila ni Rafael Rosell.

DENISE’S FEAR. Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Denise sa set ng Dahil Sa Pag-ibig last week sa Antipolo, inamin niyang nakaramdam siya ng takot noon na baka hindi na siya tanggapin muli ng publiko at ng industriya pagkatapos mawala sa sirkulasyon ng isang taon.

“Everyone will have that fear siyempre,” sabi niya.

“As a new working mom, kaya ko bang panindigan ang pagiging working mom? Kaya ko bang bigyan ng 110 percent ang trabaho ko and show people how much I love my job?

“Parang nandun yung kaba factor, ‘tapos the fact na ang lalaki nilang mga artista na kasama ko.

“Of course, you don’t want to be that person that let things fall down or mag-sag ang story dahil sa iyo.

“Kailangan galingan mo para yung kasama mo, maging proud na kasama ka.

Dahil Sa Pag-ibig is my super comeback show after my vacation. Heto yung show na tumanggap sa akin.

“After a long time of having a vacation, it’s nice to comeback to work and being inspired to work.

“Kasi ang mga kasama ko mga Piolo Pascual, Jericho Rosales, Rafael Rosell, Tita Tetchie Agbayani, Cristine [Reyes], Maricar [Reyes]…

“All of these people are so good on what they do. You know why they are stars the moment you see them.

“Yung parang it pushes you also to really work harder.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MOTHERHOOD COMPLETES DENISE. Ayon kay Denise, ang pagiging isang ina ang masasabi niyang nagpakumpleto sa kanya at naging daan sa maraming magagandang pagbabago sa kanya.

“I always tell you that I feel like my life is so complete.

“Kung dati sobrang hyper ko, sobrang biba ko, now I feel just right.

“Parang mas appreciative pa ako ngayon sa mga bagay-bagay kaysa sa dati.

“Ngayon marunong na akong matulog, dati kahit five days na akong tuluy-tuloy, I can still go on.

“But now when he [her baby] naps, I nap. When people are napping, nagna-nap din ako.

“I respectful more of people’s time. Perfect time.

“That moment I’m not at work, I’m just at home. The moment I’m not at home, I’m just at work, yun lang.

“Dun ako masaya kasi yun ang dalawa kong love—pamilya ko saka pamilya ko sa trabaho.”

NO TO RELATIONSHIP. Sa ngayon ay hindi pa raw handa sa bagong pakikipagrelasyon si Denise pagkatapos magwakas ng relasyon nila ng ama ng kanyang anak.

“No, everything is so sakto," sambit ng aktres.

“I’m so inspired na feeling ko, anong love pa ang papasok sa puso ko, e, sobrang nag-e-explode na siya with love, inspiration.

“May hahaba pa ba ang buhok ko? Parang I have everything that everyone could want.”

Dagdag niya, “I don’t wanna lie but I don’t wanna talk about it ‘coz I’m not really paying attention to it.

“Ako kasi, I don’t know how to say no or to let people down gently.

“I just say I’m a mom now, dun ako naka-focus and knows na nila yun.”

PINTADA. Kinumusta rin ng PEP kay Denise ang bagong serye niyang sisimulan, ang Precious Hearts Romances Presents Pintada, kung saan makakatambal niya si Martin del Rosario.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Denise, siya ang "magtuturo" kay Martin sa kanilang serye.

“It’s his first PHR, it’s his first kissing scene, first love scene—feeling ko napakalaking responsiblidad.

“Ako pa yung baae, ako pa yung mag-aalaga.

“I’m sure he’s a gentleman, I know he is naman, and I know he’s one of our wonderful actors.

“Kinakabahan ako sa fact na ako ang magiging first kissing scene niya, to think ako before yung inaalalayan nila Raf, Will [Devaughn], ni John Lloyd [Cruz], ni Sam Milby.

“Parang naaalala ko yung ganito pala yung feeling na ikaw ang mag-aalalay sa team partner mo.

“It’s a nice feeling that you’re on your toes, this is something new, something exciting again.

“Siyempre nandun ang kaba, ang laki ng responsiblidad. I don’t want to scar him for life.

“Parang nakakatakot naman bagets na bagets, I feel old, pero nakaka-refresh.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN