Xian Lim on skepticism about him courting Kim Chiu: "Mabuti naman akong tao, wala naman akong ginagawang masama."

Xian Lim on his new soap: “Super excited ako dito sa Ina, Kapatid, Anak kasi after My Binondo Girl, heto na nga. I’m happy and I’m proud na nandito ako sa show na ito. Ang bibigat pa ng mga kasama ko kaya nga exciting, marami akong matututunan sa kanila.”


Bagamat wala pang inaamin sina Xian Lim at Kim Chiu sa totoong estado ng kanilang relasyon, consistent pa rin ang mga balita na madalas nakikitang lumalabas ang dalawa.

Kamakailan nga ay nakita raw ang dalawa na nagsimba sa Baclaran Church, kasama ang ate ng young actress—patunay lang daw na hindi gimik ang balitang panliligaw ni Xian kay Kim.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at Cinema News kay Xian, hindi niya itinanggi na nagsimba nga sila ni Kim sa Baclaran.

Kuwento niya, “Oo, nagpunta kami sa Baclaran. Napag-usapan lang namin na punta kami ng Baclaran… kasama naman ang ate niya.

“Oo naman, mas gusto ko ang ganun. Talagang mas okay ‘pag family bonding, di ba?

“And nagpapasalamat naman kami sa Diyos sa lahat ng nangyayari.

“We’re going to the church kasi nagdadasal tayo palagi for the things we don’t have.

“Pero ako, nagpapasalamat ako sa maraming blessings na ibinibigay Niya sa akin."

Isa ba sa blessing na ipinagpapasalamat niya ay ang pagdating ni Kim sa buhay niya?

“Lahat, everyone na dumating sa buhay ko, lahat ng nangyayari sa buhay ko.

“Lahat yun turning point simula nung pumunta ako sa Star Magic.

“Sobrang saya ko sa lahat ng mayroon ako ngayon,” sagot ni Xian.

Ngayon na tuluy-tuloy pa rin ang panunuyo niya kay Kim, patunay lang daw ito na malinis talaga ang intensiyon ni Xian sa young actress lalo’t matagal nang natapos ang My Binondo Girl.

“Ang masasabi ko sa kanila, mabuti naman akong tao, wala naman akong ginagawang masama.

“Sana they take time na mas makilala pa nila ako nang mas mabuti," aniya.

Pero diin ni Xian, “Wala pa kaming relasyon, ine-enjoy namin ang company ng bawat isa.”

NEW SOAP WITH KIM. Kinumusta rin ng PEP kay Xian ang taping ng Ina, Kapatid, Anak—ang soap na pagtatambalan nilang muli ni Kim. Makakasama rin nila rito sina Enchong Dee at Maja Salvador.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Okay naman siya. Nag-start na akong mag-taping, naka-isang taping day na ako.

“Nagkaroon na kami ng eksena ni Kim, pero sandali lang, hindi pa tumotodo talaga.

“Siyempre may mga workshops, sigurado yun, and siyempre ibang Xian ang mapapanood nila. Hindi yung Andy Wu na napanood nila sa My Binondo Girl.”

Dagdag ni Xian, “Super excited ako dito sa Ina, Kapatid, Anak kasi after My Binondo Girl, heto na nga.

“I’m happy and I’m proud na nandito ako sa show na ito. Ang bibigat pa ng mga kasama ko kaya nga exciting, marami akong matututunan sa kanila.”

THE REUNION. Masaya ring ibinalita ni Xian na patapos na rin ang shooting ng The Reunion, ang pelikulang pinagsasamahan nila nina Enrique Gil, Enchong Dee, at Kean Cipriano.

“Malapit na rin siya, mayroong sinasabing date pero sometime in August yata.

“Ang saya ng shooting, natigil kami kasi nagbakasyon si Enchong pero ngayon balik na uli.

“Maganda ang samahan namin, iba-iba sila, e.

“Si Kean, nakaka-relate kami sa music; si Enchong at Enrique para sila yung mga barkada kasi hindi naman ako masyadong palalabas nung bata ako.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN