Mr. Fu on Ruffa Gutierrez’s resignation from Paparazzi: "Talagang kawalan din naman iyon—kahit naman papaano.”

Mr. Fu on not attending Ruffa Gutierrez’s birthday party: “Siyempre no’ng bago siya mag-tweet, in-invite naman talaga niya kami. Pero hindi naman siguro rin nararapat na nando’n kami because of the issue. So, okey lang. Kasi mas maganda na i-celebrate niya iyon na kasama ‘yong talagang mga kaibigan niya."


Moving on na raw si Mr. Fu kaugnay ng isyung nabastos diumano si Ruffa Gutierrez sa “Bulong Ng Palad” segment sa Paparazzi Showbiz Exposed noong June23, na naging dahilan ng biglaang pagre-resign nito bilang isa sa hosts ng show.

(CLICK HERE to read related story.)

Pahayag ni Mr. Fu, “I suppose nagkaintindihan na naman kami ni Ruffa na okey na kami. Okey na sa pagitan naming dalawa.

“Hindi pa kami nagkakaroon ng chance na magkausap nang personal, through text lang.”

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang radio-TV host kahapon, June 30, sa studio ng TV5 sa Broadway Centrum kung saan live na ineere ang Paparazzi.

Kagabi ang birthday party ni Ruffa, pero nagdesisyon daw si Mr. Fu na huwag na lang magpunta kahit inimbita siya ng dating kasamahan sa show.

“Siyempre no’ng bago siya mag-tweet, in-invite naman talaga niya kami.

“Pero hindi naman siguro rin nararapat na nando’n kami [co-hosts ni Ruffa sa Paparazzi] because of the issue.

“So, okey lang. Kasi mas maganda na i-celebrate niya iyon na kasama ‘yong talagang mga kaibigan niya.

“Kasi iyon naman ang essence ng birthday, di ba—maging masaya.”

MANAGEMENT’S DECISION. Hindi ba siya kinabahan sa kung ano ang magiging desisyon ng management kaugnay ng nangyari?

Sagot ni Mr. Fu, “Uhm… ako kasi, sabi ko nga, alam ko namang magiging fair ‘yong TV5 kung may imbestigasyon man na mangyayari.

“So tatanggapin ko whatever na magiging pataw na parusa kung meron man. Pero it seems na wala naman.

“Kasi nagsalita na rin naman ang MTRCB na wala naman kaming na-violate na rules sa MTRCB.

“So, ang kagandahan lang nito, the show must go on and life goes along.”

Walang “Bulong Ng Palad” segment kahapon sa Paparazzi. Tinanggal na ba ito sa show?

Ayon kay Mr. Fu, “Actually, hindi ko alam kung dapat ko bang sabihin pero dapat meron—si Daniel Matsunaga, hindi siya dumating.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Baka natakot sa bulong! Ha-ha-ha!

“Pero ang pasabi, na-food poison daw. Iyon ang sabi.”

So sila at ang show ang kinatigan ng management ng Kapatid network?

“Ako naman, sabi ko nga, naniniwala ako na ang Paparazzi, e, may mga hardworking and talented staff. At pinagpapaguran nila ang show.

“So siguro nakita din naman ‘yon ng management na hindi naman ito basta-basta naisip lang. Na paggising nila, e, heto na ang gagawin nilang show.”

ANNABELLE’S WRATH. Si Mr. Fu ang parang napagdiskitahan ng mommy at manager ni Ruffa na si Annabelle Rama, na parang bastos ang naibulong na tanong sa anak.

Hindi ba siya natakot na baka kumprontahin at awayin siya ni Annabelle?

“Actually nabasa ko ang mga tweets niya at nabasa ko rin ‘yong kay Ruffa.

“In fairness naman sa kanilang dalawa, hindi naman talaga nila ako pininpoint na ako ‘yong kinaiinisan nila.

“Ang nangyari, ‘yong mga writers at saka ‘yong buong staff ng show talaga ang galit sila, e.”

Sabi ni Ruffa, alam niyang may “Bulong Ng Palad,” pero hindi raw nito alam na may kabastusan ang mga tanong.

Ano ang masasabi ni Mr. Fu dito?

“Kasi, magkahiwalay kaming brinief bago magsimula ‘yong segment.

“So, brinief siya nang siya lang. And then, brinief kami nang kami lang.

“So hindi ko alam kung ano ang sinabi no’ng briefing sa kanya.

“Basta kami, kung anuman ‘yong mga tinanong namin, e, iyon ang brinief sa amin.”

Magiging maingat na ba siya sa “pagbulong” ngayon?

“Oo naman!” sabay tawa ni Mr. Fu.

“At depende rin ‘yon sa sasabihin sa akin ng staff kung ano ang ibubulong ko.”

GOODBYE, RUFFA. Sa pag-alis ni Ruffa sa show, ano ang kanyang nararamdaman?

“Nalulungkot kami,” sagot ni Mr. Fu.

“Kasi si Ruffa ang nagsimula ng Paparazzi at saka si Nanay Cristy [Fermin] at si Dolly [Anne] Carvajal.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“’Tapos siya ‘yong aalis, di ba?

“Pero siyempre, inirerespeto namin iyon. Inirererespeto ko kung iyon ang desisyon niya, na umalis, di ba?

“Kasi kung sa tingin niya hindi na siya masaya do’n sa programa, pangit naman na pilitin siya, di ba?

“At saka Ruffa Gutierrez siya, hindi siya mawawalan ng show. Magkakaroon at magkakaroon siya ng proyekto sa TV5.”

May ibang ang reaksiyon naman sa nangyari ay parang naghanap lang daw si Ruffa ng dahilan na makaalis sa Paparazzi. Ano ang reaksiyon dito ni Mr. Fu?

“Ako, para sa akin, may kanya-kanya tayong dahilan sa mga ikinikilos natin. At tayo lang ang nakakaalam no’n.

“So kung anuman ‘yong dahilan niya, siya lang ang makakasagot no’n.

“Kung sinabi niyang na-offend siya… kaya nga ako nag-apologize kasi na-offend siya, so be it. Gano’n. I give it to her."

Kawalan ba sa Paparazzi si Ruffa?

“Oo naman, kasi ang ganda ng lola mo. At saka siya ang nagsimula ng show, e.

“So talagang kawalan din naman iyon—kahit naman papaano,” sagot ni Mr. Fu.

Sino kaya ang papalit kay Ruffa?

“Hindi ko rin alam.”

May message ba siya for Ruffa?

“Ako, basta sana maayos ang lahat.

“Maliit lang ang universe. Maliit lang mundo ng showbiz. Magkikita at magkikita tayo.

“Happy birthday and more blessings!”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN