Ruffa Gutierrez still in touch with some of her co-hosts in Paparazzi; squashes rumored transfer to another TV network

“Alam n’yo naman ako, game naman ako sumagot sa mga tanong, e. Hindi naman ako ma-arts [maarte], ‘no. Pero siyempre pagdating sa mga gross questions, I mean, hello! Don’t ask me naman those gross questions, di ba? If it’s anything else, I’ll answer, huwag naman yung mga below the belt talaga—especially on my birthday," says Ruffa Gutierrez.


Pormal na ini-launch kahapon, June 30, ni Ruffa Gutierrez ang kanyang Roof-A-Child Foundation na matagal ring namahinga nung mag-asawa sila ni Yilmaz Bektas.

Muli niya itong ibinalik kasabay ng Habitat project niya sa Payatas kamakailan lang.

Kahapon sa Aracama sa The Fort ay ini-launch niya ito na may bagong look, bagong logo na matatagpuan sa bagong web page nito.

Bago sinimulan ang press conference ay may pasabing huwag nang ungkatin ang kontrobersiyal na pagre-resign ni Ruffa sa Paparazzi dahil naglabas na rin naman daw siya ng kanyang statement kaugnay ng pagku-quit niya sa naturang showbiz-oriented talk show.

(CLICK HERE to read related story.)

Pero hindi pa rin ito napigilan dahil sinasagot naman ni Ruffa ang mga tanong kaugnay sa kontrobersiyang ito.

Naniwala sa amin si Ruffa na talagang may nangyayaring hindi maganda tuwing nagsi-celebrate siya ng kanyang kaarawan ng June 24.

“Di ba, iniba ko na ang birthday [party] ko before? Dati, ginawa ko nang July yung birthday, ngayon ibinalik ko na sa June.

“I think it’s the moon,” napapangiti niyang sabi sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“Every birthday ko, there’s always something that happens.

“If ever something happens naman, people think it’s negative, we might turn it around at gawin nating positive.”

NEW BEGINNINGS, NEW ENDINGS. Itinuturing na negative na pangyayari ang nangyari sa birthday celebration ni Ruffa sa Paparazzi, pero ang maituturing niyang positive na katapat nito ay ang launching ng kanyang Roof-A-Child Foundation.

Itong mga pangyayaring ito ang ilan sa itinuturing niyang “new beginnings, new endings” sa kanyang kaarawan.

Paliwanag ni Ruffa, “New beginnings kasi marami akong gustong gawin sa buhay ko.

“Siyempre, I’m not getting any younger, and like I said in my official statement, ‘you can’t erase your past, but you can rewrite your future.’

“Marami ang nagsasabi sa akin, ‘Ay naku, ba’t ganun siya, ang OA-OA, ang arte-arte? Ganyan naman ‘yan dati, ganun naman ‘yan dati!’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Who cares about the past? Everyone of us has a past.

“Ang importante, how you use your past and you learn from your mistakes, you learn from other people’s mistakes, and you make your life better.

“And I think that’s where I’m heading right now,” sabi nito.

Dagdag pa ni Ruffa, “For me, hindi kasi ako naghu-hold ng grudges, e.

“For me, everything that I do, I give my 100 percent energy. Happy ako as a person.

“I’m surrounded by positive people, kaya siguro hindi ako masyado nagiging depressed na sa tingin ng mga tao may negative na nangyayari sa buhay ko, napapalitan kaagad iyon.

“Kumbaga, mabilis ang turnover, positive agad.”

LET’S MOVE ON. Gaya ng sinasabi ng ilang staff ng Paparazzi, nasabi na ang lahat, tapusin na, at mag-move on na lahat.

Sumasang-ayon din naman si Ruffa sa ganun dahil tapos na raw yun.

Nagalit lang siya sandali pagkatapos ng show, pero kinagabihan ay masaya na raw siya, lalo na’t sinopresa siya ng mga kaibigan niya at pamilya para sa kanyang kaarawan.

“Siyempre nandiyan pa rin bakit nangyari ‘to, bakit ganun.

“And because, you know, if you read my official statement, I wanna change my life.

“How can I change my life if I continue to be in a situation that I’m not happy anymore, na parang nasasaktan na ako?”

Paglilinaw ni Ruffa, “Hindi naman ako galit sa buong show.

“Ang totoo, galit ako sa kung sino man ang nag-conceptualize ng segment ko na, up to now, hindi ko pa rin alam.

“Kasi marami namang writers sa isang show, hindi naman lahat sila involved dun sa birthday celebration ko.

“You know, ang sabi ko lang, I could have done a better job writing my own birthday celebration.

STILL IN TOUCH. May komunikasyon na nga raw siya sa ilang hosts at staff ng Paparazzi, na na-miss din daw niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ayon kay Ruffa, “I wish them well. I spoke to Direk GB [Sampedro], si Zoren [Legaspi] kausap ko pa rin, si Mariel [Rodriguez]…

“Even si Mr. Fu, you know, I even wished him na... sabi ko, ‘In your young career, na one day you will have the confidence and you will have the ability to say no to the things that are asked of you na ayaw mong gawin.’

“Mami-miss ko ang mga kasamahan ko. Mami-miss ko ang mga pang-ookray na minsan ay ginagawa nila minsan sa akin.

“Ako naman, I’m so friends with a lot of people that I worked with before.”

STILL OPEN. Open naman daw siya sa panibagong show at kahit isa pang showbiz-oriented talk show sa TV5 pa rin o maaaring sa ibang istasyon.

“I’m looking forward to better project, more fulfilling projects.

“And of course two years ako sa show, napamahal naman sa akin ang mga kasamahan ko dun.

“Like what I just said in my statement, na siguro yung show na yun hindi na rin nababagay sa pupuntahan ko in the future.

“Lahat na networks naman kaibigan ko. Kumbaga, katrabaho lang naman ako.

“So, I’m very open to host any showbiz-oriented talk show."

Dagdag niya, “Alam n’yo naman ako, game naman ako sumagot sa mga tanong, e. Hindi naman ako ma-arts [maarte], ‘no.

“Pero siyempre pagdating sa mga gross questions, I mean, hello! Don’t ask me naman those gross questions, di ba?

“If it’s anything else, I’ll answer, huwag naman yung mga below the belt talaga—especially on my birthday.”

At ang sagot naman ni Ruffa sa isyung balak daw niyang lumipat ng network:

“May kontrata pa ako sa TV5,” sabi niya.

“I think all those talks are very immature, at huwag muna natin pag-usapan kasi siyempre respeto na rin natin sa TV5.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And hindi natin masasabi ang bukas. So many things can happen in six months.”

RUFFA’S DETRACTORS. Nakasanayan na ni Ruffa at ipagkibit-balikat na lang ang ilang hindi pa rin natutuwa at patuloy na tumitira sa kanya.

Alam niyang pati ang sa Roof-A-Child Foundation niya ay alam niyang marami pa rin ang hindi natutuwa at patuloy siyang pinupuna.

Saad ni Ruffa, “Matagal na ‘yan, e. I’ve always had Roof-A-Child since 1998.

“And, you know, politicians get questioned for their sincerity. I mean what more me—I’m such a high-profile celebrity.

“But importante, I know deep in my heart na the truth is alam kong sincere ako.”

Dahil sa pagbalik ng Roof-A-Child Foundation, posible kayang pasukin na rin ni Ruffa ang pulitika?

“Naku, hindi muna, first lady na lang. Why not, di ba?” natatawa niyang sagot.

Kaya posibleng ma-involve siya o magkarelasyon sa isang pulitiko?

“Ako, I’m not closing my doors pagdating sa love.

“Ang gusto ko sa buhay… ako kasi mahilig ako sa visual, e, yung guwapo. Siguro iba naman.

“Kailangan kung sino ang gusto ni Lord, tatanggapin ko,” sagot nito.

Pero sinabi ni Ruffa “sabbatical” daw muna siya ngayon pagdating sa pag-ibig hanggang buwan ng November. Kaya bago matapos ang taon ay puwede na siyang ma-in love muli.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN