Former Survivor castaway Justine Ferrer’s 65-year-old fiancé diagnosed with cancer

Justine Ferrer on her fiancé’s illness: “Alam ko na malaking test ito sa pagsasama namin. Ang importante ay strong ako para sa partner ko at pinagdarasal ko parati ang paggaling niya. Alam ni Rick na hindi ko siya iiwan. Marami na kaming pinagdaanang mga problema, ngayon pa ba ako gi-give up sa kanya?"


Matindi ang pinagdadaanan ngayon emotionally ng dating Survivor Philippines castaway na si Justine Ferrer.

Two months ago kasi ay na-diagnose na may Stage 1 kidney cancer ang kanyang 65-year-old American fiancé na si Rick.

Sobrang nagulat si Justine dahil wala naman daw siyang nakikitang symptoms na maysakit ang kanyang fiancé.

Kahit na nga raw si Rick ay walang nirereklamong masakit sa kanyang katawan.

THE DISCOVERY. Ikinuwento ni Justine sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung paano nila nalaman ang karamdaman ni Rick nang makapanayam namin siya sa isang opisina sa may Timog Avenue, Quezon City, kahapon, June 30.

“Pina-executive check-up ko kasi siya.

“Never ko pa kasing nakitang nagpapatingin siya sa doctor. Kaya sinabihan ko siya na magpa-thorough check-up na siya, yung executive check-up.

“Wala namang masama doon. Gusto ko lang naman malaman kung okey ba ang lahat sa kanya.

“Nakikita ko naman na sa edad niya ay malakas pa siya.

“Pero may bumabagabag sa akin, e. Inuudyok ako na ipa-check-up siya,” sabi ng transgender TV and movie personality.

Noong lumabas ang resulta ng blood test at CT scan ni Rick, doon nila nalaman na may sakit na pala ito.

“Based on his CT scan, may nakitang mass sa right kidney niya. And base sa medical results niya, malignant na iyon at nasa stage 1 na,” mangiyak-ngiyak na kuwento ni Justine.

DENIAL STAGE. Dahan-dahan daw sinabi ni Justine sa kanyang fiancé ang tunay na kalagayan nito katulong ang doktor na tumingin dito.

Noong una raw ay hindi pa matanggap ni Rick na meron siyang sakit na cancer dahil wala itong nararamdaman na sakit sa anumang parte ng katawan niya. Pero unti-unti na rin daw nitong tinanggap at dadaan na raw ito sa operasyon.

Ayon kay Justine, “Sobra akong nag-worry para kay Rick kasi alam kong napanghinaan siya ng loob.

“Kasi naman, sa edad niya, malakas talaga siya. Hindi mo iisipin na may sakit siya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya ever since na sinabi iyon ng doctor, tinulungan ko na siyang magbago ng lifestyle niya.

“Lahat ng mga dati niyang kinakain, binawasan ko ‘yon. Pinalitan ko ng mga healthy foods.

“Pati ang pag-inom niya ng soda, pinatigil ko. Never kasi siyang umiinom ng tubig lang. Ayaw niya sa tubig kasi wala raw lasa.

“Ngayon, kailangan tubig na lang ang inumin niya, pero binibigyan ko siya ng fruit juices para may vitamins siya.”

Patuloy niya, “Naka-schedule na kasi siyang operahan kaya gusto ko malakas pa rin siya.

“Though medyo nag-lose nga siya ng timbang dahil nabawasan ang mga pagkain na nakasanayan na niyang kainin.

“Tama lang naman ‘yon kasi iniiba ko nga ang nakasanayan niya.

“Noong una, malaking struggle kasi mainitin ang ulo niya. Naiinis siya kasi gusto niya ang ganito, pero hindi nga puwede.

“Ilang beses din kaming nagtalo hanggang sa napagod na rin siguro siya.

“Wala naman siyang magagawa kasi gusto ko ay maging malakas pa rin siya bago siya operahan.”

FEAR OF HAVING CANCER. Inamin ni Justine na medyo natatakot din ang kanyang fiancé sa magiging operasyon nito dahil nga may history pala ng cancer sa pamilya nito.

“Pinapalakas ko ang loob niya kasi alam kong nag-aalala siya. Ikinuwento nga niya sa akin na ang father pala niya, sa cancer namatay.

“Nagsimula raw sa prostate hanggang sa kumalat na sa kidney at sa ibang organs nito ang cancer cells. Kaya natatakot siya.

“Ako naman, bilang partner niya sa buhay, nandito ako para suportahan siya para sa paggaling niya.

“Tinawagan ko na ang pamilya niya sa U.S. Yung sister niya, nakausap na niya at susubukan daw nitong makarating sa Pilipinas bago siya maoperahan.

“Yung mga anak niya, may kanya-kanya na kasi silang mga buhay. Dalawa ang mga anak niya. Nagkausap naman yata sila through e-mail.

“Yung family ko naman, suportado nila si Rick at nalungkot din sila sa ipinarating kong maysakit siya. Lahat sila pinagdarasal na gumaling siya.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ginawang example ni Justine sa kanyang fiancé ang kanyang inang nagkaroon ng breast cancer. Umabot na raw sa Stage 3 ang cancer nito pero hanggang ngayon daw ay buhay at malakas ang kanyang ina.

Lahad ng dating Survivor castaway, “It’s been four years now na cancer-free ang mother ko. Naoperahan na siya at alaga namin siya sa gamot at lagi naming pinagdarasal ang kalusugan niya.

“Sa awa ng Diyos, my mom has survived it.

“Sinasabi ko nga kay Rick na nasa Stage 1 pa lang naman ang sakit niya at mga doctor na ang nagsasabi na kaya pang gamutin ‘yan. Malaki pa ang pag-asang matanggal ‘yan.

“I always tell him to not lose hope. Kasi kapag nawalan siya ng pag-asa, paano pa siya maniniwala na gagaling siya?

“Ilang beses ko nang iniyakan ang sitwasyon niya.

“Ayoko siyang nakikitang pinaghihinaan siya. Ayoko rin na makita niyang umiiyak ako kasi lalo siyang mada-down.

“Hindi kami nawawalan ng faith kay God. Alam ko that he will get well at magiging maayos na ang lahat sa buhay namin.”

POSTPONED WEDDING. Hindi pa natutuloy ang dapat na pagpapakasal nilang dalawa dahil nagkasunud-sunod ang mga pagsubok sa pagsasama nila. Nag-propose ng kasal si Rick last year kay Justine.

Ayon kay Justine, “After kasi ng engagement namin, nagkaroon kami ng problema.

“Parang pareho kaming nabigla sa nangyari, lalo na sa part ni Rick kasi nga nakilala na siya ng marami dahil sa paglabas niya sa TV na kasama ako.

“Parang naguluhan siya sa nangyari. Ako rin naman, parang nabigla rin ako.

“So naghiwalay kami for almost four months—mutual decision naman ‘yon.

“Nangibang-bansa muna ako. Nag-isip-isip muna kami kung kami ba talaga para sa isa’t isa.

“Nag-work ako sa isang restaurant sa ibang bansa.

“Nangyari naman na nagkabalikan naman kami kasi pinuntahan niya ako sa restaurant na pinagtatrabahuan ko. Doon ay niligawan niya ako ulit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naging friends lang muna kami ulit. Hanggang sa tinanggap na namin ang isa’t isa talaga nang buung-buo.

“Noong nakaplano na ang wedding namin, namatay naman bigla ang mother niya sa U.S. kaya inasikaso pa namin lahat ‘yon.

“Plano namin na kapag nagbabang-luksa na sa December, doon na namin ituloy ang wedding.

“Kaso heto nga at siya naman ang nagkasakit. Kaya uunahin muna namin itong mga pangyayaring ito.

“Alam ko na may purpose ang Panginoon kung bakit kami dumaraan sa ganitong mga trials. Hindi ko kinukuwestiyon si God.

“Alam ko na malaking test ito sa pagsasama namin.

“Ang importante ay strong ako para sa partner ko at pinagdarasal ko parati ang paggaling niya.

“Alam ni Rick na hindi ko siya iiwan. Marami na kaming pinagdaanang mga problema, ngayon pa ba ako gi-give up sa kanya?

“Sinabi ko sa kanya na sa pagpasok niya ng operating room, nasa tabi niya ako.

“Pagkagising niya, ako agad ang makikita niyang nasa tabi niya at hawak ko ang kamay niya—ganyan ang pagmamahal ko para sa kanya.

“Hindi man matanggap ng marami ang relasyon namin, hindi na importante sa amin iyon.

“Nandito kami for one another through thick or thin—in sickness and in health,” saad ni Justine.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN