Rhian Ramos and KC Montero now exclusively dating; KC admits "strong feelings" for Rhian

KC Montero on relationship with Rhian Ramos: “For now, we just take it slow. No need to jump into anything very serious. I don’t know… right now I’m just, I’m just parang on cloud 9 ako. I’m really happy. It’s like I’m floating. Everyone notice that I’m a much happier person nowadays.”


Umamin na sina Rhian Ramos at KC Montero na “exclusively dating” na ang status ng relationship nila ngayon.

Matagal nang bulung-bulungan na tila merong “something special” sa friendship nilang dalawa base na rin sa public sightings sa kanila at maging sa Twitter messages nila sa isa’t isa.

Pero kamakailan sa isang presscon interview, hindi na nga naitago ni Rhian ang totoong namamagitan sa kanila ni KC.

(CLICK HERE to read related story.)

Bagay na kinumpirma muli ni Rhian sa interview sa kanya ng Showbiz Central na napanood kanina, July 1, sa GMA-7.

“Wala, tinanong e. So, sinabi ko!” natatawang sabi ni Rhian.

“We go out. So, we date.

“’Tapos wala rin naman akong ibang dine-date. So, I would say it’s exclusive.

“At wala rin naman akong ibang balak ding i-date. So, exclusive na nga.”

Kuwento pa ni Rhian, nabasa raw mismo ni KC yung lumabas na interview niya.

“Ang nakakatawa nga, nabasa niya nga yung interview ko.

“Tinawagan niya ako. Sabi niya, ‘Sinabi mo?’

“Sabi ko, ‘Oo. Mali ba?’

“Sabi niya, ‘Hindi, hindi. Okay, okay.’

“Siguro okay. So, feeling ko nagulat siya.”

Nang si KC naman ang ma-interview ng Showbiz Central, inamin ng TV and radio host na masaya siya sa ginawang pag-amin ni Rhian.

Sabi ni KC, “Happy na she said it sa presscon ng music video niya.

“I’m happy, I’m flattered. I’m happy that it’s kinda out and about.”

STRONG FEELINGS FOR RHIAN. Hindi rin nakaligtas sa Showbiz Central ang sweetness nina Rhian at KC sa production number nila sa Party Pilipinas kanina.

Panay nga raw ang kantiyaw ng mga kasama nila sa show sa kanilang dalawa.

Kung tutuusin, matagal na rin ang pinagsamahan nina Rhian at KC bilang magkaibigan kaya hindi naging mahirap na magkamabutihan sila.

Sabi nga ni KC, “Who wouldn’t fall in love with Rhian? Yes, I have strong feelings for her.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Masaya naman si Rhian sa mga ipinahayag ni KC.

Sabi ng Kapuso actress, “Happy naman siyempre. At saka kung flattered siya, mas flattered ako kasi ang gaganda naman ng mga sinasabi niya about me. So, wala… it feels good.”

Hindi naman daw sila nagmamadaling magkaroon ng mas seryosong relasyon.

Ayon kay KC, “For now, we just take it slow. No need to jump into anything very serious.

"I don’t know… right now I’m just, I’m just parang on cloud nine ako. I’m really happy. It’s like I’m floating.

"Everyone notice that I’m a much happier person nowadays.”

Bakit mas open na si Rhian na pag-usapan ang lovelife niya ngayon kumpara noon?

“Wala, parang wala rin namang dahilan para magtago. So, wala, parang ine-enjoy ko lang din na puwede akong lumabas,” pag-amin ni Rhian.

GENEVA APPROVES OF THEIR RELATIONSHIP. Sa ngayon, maganda rin ang pagtanggap ng mga pinakamalapit kina Rhian at KC sa kanilang special relationship. Kabilang na nga rito ang ex-partner ni KC na si Geneva Cruz.

Ayon kay KC, “Sabi niya parang, ’Okay, go na kayo.’ I think Gen just wants me to be happy.

“And it’s the same for me, I also want Geneva to be happy.”

Komento naman ni Rhia sa magandang gesture na ito ni Geneva, “You know what, she’s really nice kasi parang usually pagka may mga ganitong sitwasyon, ine-expect ng tao na magkaroon ng konting tensiyon. Pero wala.

“Nag-tape ako ng Pare & Pare [show nina Ogie Alcasid at Michael V sa GMA-7] na pareho kami [ni Geneva] ng episode.

“Ayun, siya pa yung lumapit sa akin. Siya yung nag-introduce ng sarili niya. Siya pa yung nag-hi sa akin, bineso niya ako.

“Actually, parang nahiya nga ako, e, kasi hindi ko… ako dapat yung mauna, di ba?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi ko siya nakita, e. Nasa side siya ng room.

“So, nilapitan niya pa ako. Sobrang nice niya lang.

“Wala akong negative feelings na naramdaman.”

CONTINUOUS HAPPINESS. Ngayon na isiniwalat na nila ang real score sa kanilang relasyon, wala nang sasaya pa kina Rhian at KC. Hangad nga nila na magtuluy-tuloy lang kasiyahan nila.

“Well, happy na happy ako kung ganun. At saka sana nga ganun na lang lagi,” sabi ni Rhian.

May mensahe pa si KC para kay Rhian.

“No matter what happens, whenever you’re feeling down, I’ll be there for you.

“And just be happy and continue to make KC happy. Keep smiling and keep on being who you are,” ani KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN