Sarah Lahbati convinces Richard Gutierrez to join social media; co-stars downplay rumored romance

Sarah Lahbati on Richard Gutierrez: “He is such a gentleman. Yun ang isang bagay na talagang kinakahangaan ko sa kanya—yung pagiging gentleman niya at saka pagiging caring sa co-actors niya. Alam n’yo po yun talagang focus [siya] sa ginagawa namin, but at the same time nag-e-enjoy kami sa ginagawa namin.”


Nag-e-enjoy si Richard Gutierrez sa pagiging active niya ngayon sa social networking media lalo na sa pagpo-post ng Instagram photos.

Ang naghimok pala kay Richard na maging active rito ay ang leading lady niya sa Makapiling Kang Muli na si Sarah Lahbati.

Ito ang natuklasan ng Showbiz Central sa kanilang interview sa dalawa na napanood sa GMA-7 kahapon, July 1.

Ayon kay Sarah, “Di ba walang ‘social network’ si Chard [palayaw ni Richard]?

“Inaasar namin siya, ‘tapos ayun, tinuruan ko siyang mag-Instagram. And then naaliw siya.

“Kasi sabi niya nung una, ‘Ayoko kasi baka ganito, ganyan…’ ‘Tapos ngayon ang daming pictures.

“And tinuruan ko siyang mag-edit ng pictures. And then napag-tripan lang naming mag-picture-picture kami nila Chard.”

Sabi naman ni Richard, “Kasi nga sa taping siyempre we work all day and late hours, so minsan bored, minsan walang magawa.

“So, nagpaturo akong mag-Instagram kay Sarah at ngayon I’m part of the social networking Instagram.

“So, it’s cool. I mean it’s fun.”

CLOSENESS WITH SARAH. Marami ang naiintriga sa mga Instagram photos ni Richard dahil ang madalas daw niyang kasama sa photos ay Sarah.

Ang tanong tuloy ng marami ay kung nililigawan na ba ni Richard ang leading lady niya?

Ayon daw kasi sa ilang sources, posible raw na nagkakamabutihan na ang dalawa. Diumano, hinahatid-sundo pa ni Richard si Sarah.

Nang matanong si Sarah kung may nagaganap na bang ligawan sa kanila ng kaparehang aktor, “Wala. Work muna ngayon!” natatawa at nahihiyang sabi ni Sarah.

Pero totoo bang hatid-sundo na siya ni Richard?

Sagot ni Sarah, “May times kasi sa taping once in Calatagan [Batangas], medyo dinumog yung tent nila Ate Jen [Jennylyn Mercado].

“I had to wait… saglit lang naman and then sabi nila, sabay na kami kina Chard kasi malaki yung van.”

Reaksiyon naman ni Richard dito, “Dapat huwag munang bigyan ng kulay.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Siyempre kami ni Sarah, we’re just having fun. And ngayon nagtatrabaho kami together and talagang nagiging close kami, so dun muna. Yun muna.”

Puno naman ng papuri si Richard sa kanyang leading lady.

“Si Sarah, she’s very talented. She’s very passionate about her craft and mararamdaman mo talaga na gusto niyang mag-improve.

“She’s very fun to be with and beautiful,” aniya.

MEET THE PARENTS. Parehong single ang dalawa kaya wala namang masama kung magkagustuhan sila. Sa katunayan, nakilala na raw ni Richard ang mga magulang ni Sarah.

Kuwento ni Sarah, “Si Mommy naman alam niyang close [kami ni Richard]… we’re friends.

“Sabi ni Daddy, ano raw… mabait daw si Chard.

“At saka naka-relate agad si Dad kasi ano yun mahilig sa sports, adventure, sa diving, so ayun nung nagkita sila ang dami na nilang pinag-usapan.”

GETTING TO KNOW RICHARD MORE. Dahil sa closeness ng dalawa sa set ng Makapiling Kang Muli, totoo bang nahuhulog na raw ang loob ni Sarah sa leading man niya?

“Masasabi ko na mas kilala ko siya talaga [ngayon] kasi compared to before na wala akong idea kung sino ba talaga siya.

“Ang alam ko lang is that mabait, palabati, pero ngayon mas nakilala ko siya.

“He is such a gentleman. Yun ang isang bagay na talagang kinakahangaan ko sa kanya—yung pagiging gentleman niya at saka pagiging caring sa co-actors niya.

“Alam n’yo po yun talagang focus [siya] sa ginagawa namin, but at the same time nag-e-enjoy kami sa ginagawa namin.”

RAYMOND & SWEET’S REACTIONS. Samantala, bilang kakambal ni Richard, natanong tuloy ang Showbiz Central host na si Raymond Gutierrez ng co-host niyang si John “Sweet” Lapus kung ano ang alam niya kina Richard at Sarah.

“Alam mo, wala talaga akong alam because Chard doesn’t share pag may mga bago siyang ganyan. Hindi niya sine-share,” sabi ni Raymond.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero nagpapasalamat daw siya kay Sarah sa paghimok kay Richard na maging active sa Instagram.

“Nagpapasalamat din ako kay Sarah. Because of her… she’s one of the people talaga nag-push kay Chard na mag-start with social media.

“So, nasa Instagram na siya, I think because of Sarah.”

Maging si Sweet na kasama sa cast ng Makapiling Kang Muli ay wala ring masabi sa closeness nina Richard at Sarah. Basta okay naman daw ang dalawa sa set.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN