Kris Bernal admits being courted by Carl Guevara; says it’s possible for him to be her next boyfriend

Kris Bernal on how Carl Guevara is courting her: "Lagi nga niya akong pinapadalhan ng bulaklak. Hindi siya nagsasawang padalhan ako ng bulaklak. Yung makalumang panliligaw napi-feel ko sa kanya, alam mo yun. Wala ang sweet niya lang, pero I really have to know him better."


Nang makausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang star ng Hiram Na Puso na si Kris Bernal kamakailan ay kinumpirma nitong nanliligaw sa kanya si Carl Guevara.

Halos mag-iisang buwan na raw nanunuyo sa kanya ang Kapuso hunk.

Sabi ni Kris, "Nakakatuwa din. Masarap din kasi yung feeling na may sumusuyo sa ’yo.

"Ayun, kinikilala ko pa siya. Although matagal na kami magkakilala, pero hi-hello lang kami noon.

"‘Tapos nagkatrabaho kami sa The Last Prince, pero iba ngayon kasi nanliligaw siya.

"Ngayon lang talaga yung nakakapag-usap kami nang mabuti."


THE START. Kailan siya simulang suyuin ni Carl?

Kuwento ng StarStruck alumna, "Nagkaroon kami ng mall show sa Cebu. Hindi nga kami masyado nag-uusap nun, e, kasi masaydong tahimik na tao si Carl.

"Hanggang… ayun, nagyaya siya mag-coffee. Nag-coffee kami.

"Dun na kami nag-usap at nagkakuwentuhan. Dun nagsimula yun.

"’Tapos kinuha niya yung number ko, ‘tapos nagti-text na siya at tumatawag lagi. Hanggang niyaya na niya ako lumabas mag-dinner.

"Nagkasama na kami mga twice. Lumalabas-labas kami, ganun pa lang.

"Hindi pa rin kasi ako sure kung handa na ako na magka-boyfriend ulit. Bale ini-enjoy ko lang," nakangiting pahayag ni Kris.


TAKING IT SLOWLY. Pano siya sinabihang manliligaw sa kanya si Carl?

"Wala lang. Sinabi niya sa akin na gusto niyang manligaw.

"Medyo nagulat ako kasi ‘ambilis, pero maganda naman niyang sinabi. Naramdaman ko yung sincerity niya.

"Kaya sabi ko, ‘Bakit naman hindi?’ Lahat naman may karapatang iparamdam at sabihin kung ano yung nasasapuso niya, di ba?

"Yun nga lang sinabi ko sa kanya na ‘wag masyadong mag-expect. ‘Wag magmamadali.

"Mas maganda kasing kilalanin muna namin ang isa’t isa.

"At hindi lang dapat ako yung maging sure, dapat pati rin siya.

"Bukod pa sa kagagaling ko lang kasi sa isang relasyon na hindi rin nagtagal kaya medyo iwas muna ako pagdating sa pagkakaroon ng karelasyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Pero sa dalawang beses na pagsasama namin sa lakaran, naramdaman ko kasi kay Carl yung malaking respeto niya sa babae.

"Ang maganda pa kasi kay Carl, sobra siyang maalaga."

WILLING TO WAIT? Handa bang maghintay ang kanyang bagong manliligaw?

"Okay lang daw sa kanya. Kung ano mang maging resulta sa panliligaw niya, basta para sa kanya, gusto lang niya akong suyuin.

"Lagi nga niya akong pinapadalhan ng bulaklak. Hindi siya nagsasawang padalhan ako ng bulaklak.

"Yung makalumang panliligaw, napi-feel ko sa kanya, alam mo yun?

"Wala, ang sweet niya lang, pero I really have to know him better.

"Kasi by now, sobrang careful na ako, e. Ayoko na ng relationship na basta-basta. Ayoko na kasi masaktan muli."

Ayon kay Kris, kaya bulaklak ang ibinibigay ni Carl, "Alam niya, kasi alam niya na mahilig ako sa bulaklak.

"Hindi ko nga alam kung sino ang nagsabi sa kanya. Feeling ko nag-research siya!" sabay tawa niya.

"Ako naman kasi, kahit anong bulaklak, naa-appreciate ko kasi gusto ko talaga ng flowers.

"Ang nakakatuwa pa sa kanya, araw-araw nagpapadala siya ng bulaklak.

"Hindi siya nagsasawang magpadala ng bulaklak. Ang sweet lang.

"Ang maganda pa sa kanya, ‘pag may sinabi ako, nagpi-pay attention siya.

"Yung inaalala niya, katulad minsan isang beses ko lang nabanggit, ‘pag nagkita ulit kami, alam niya pa rin."

Ilang buwan na siyang sinusuyo ni Carl?

"Wala pang buwan. Siguro magwa-one month pa lang. Bago pa lang, e, and ayokong i-rush.

"Masaya ako na priority ko ang family ko na single ako, na ini-enjoy ko. So tingnan natin kung ano ang mangyayari.

"Pero ayoko talagang madaliin. Mas gusto kong i-enjoy kung ano man ang buhay ko ngayon na wala munang karelasyon."

HOPING TO WORK TOGETHER AGAIN. Siguradong dahil nagkakilala sila sa isang mall show, iniisip siguro ni Carl na sana ay magkasama pa sila sa maraming projects.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Oo, sana nga daw magkatrabaho ulit kami para lagi kami magkasama at mas makikilala namin ang isa’t isa. At para daw mas nakakausap niya ako nang matagal.

"Ang sweet-sweet niya, ganun siya."

Nakilala na ba si Carl ng kanyang pamilya?

"Hindi pa. Hindi pa naman umabot sa point na nakikilala niya yung family ko. Wala pa sa ganun.

"Kumbaga, nagsisimula pa lang talaga. Hindi pa malalim yung panliligaw kasi bago pa lang.

"Dahan-dahan talaga dahil nagsisimula pa lang," sabi ni Kris.

Pero alam naman ng kanyang pamilya na nililigawan siya ng binata?

"Opo nakuwento ko na. Sa family ko naman walang problema.

"Gusto kasi nila masaya ako at yung makakabuti sa akin. Yung hindi ako sasaktan, yung ganun."

May tsansang sagutin niya si Carl?

"Posible na siya. Pero ayoko madaliin at ayokong pagtuunan ng pansin, kumbaga.

"Kung nandiyan siya, nandiyan siya, ‘pag wala, wala.

"Ngayon kasi ang focus ko talaga nasa family and work."

Sinabi ba ni Carl kung ano ang nagustuhan niya sa kanya?

"Oo, binibiro ko nga yun ang sabi ko, ‘Ano ba yan? Sa dinami-dami ng magaganda, sexy ‘tapos ako maliit lang ako, mukha akong bata ‘tapos sabi ko sa kanya bakit ako ang nililigawan niya?

"Sagot niya sa akin, ‘Iba yung ugali mo, e,’ Yun lang yung sinabi niya sa akin.

"’Tapos nababasa ko na lang sa mga interviews niya na sinasabi niya na mabait daw ako. Naks!" tawa niya ulit.

Gaano siya kasaya ngayon?

"Sobrang saya haping-happy, kasi maganda ang takbo ng career ko.

"Oo kasi mabait at totoo siya," pag-amin niyang isa si Carl sa mga nagpapasaya sa kanya.

REUNION PROJECT WITH ALJUR. Anong next project niya pagkatapos ng Hiram Na Puso?

"Primetime soap with Aljur Abrenica, bale balik-tambalan namin. Pero this time, kasama namin si Rhian [Ramos].

"Ang title, e, Sana Dalawa Ang Puso Ko. Sa August na ‘yan magsisimula."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Excited ba siyang maka-partner ulit si Aljur?

"Oo naman kasi matagal-tagal din kaming nagsama at matagal-tagal din kaming hindi nagkasama.

"Kaya ngayon, matutuwa yung mga supporters naming dalawa.

"Sana suportahan nila ulit yung soap na pagsasamahan namin ni Aljur."


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN