Lucy Torres-Gomez turns down Mother Lily’s offer to play piano-playing ghost in a movie

Lucy Torres-Gomez has already made a mark in showbiz as an effective host. Despite proddings and invitations from Mother Lily Monteverde, Lucy is consistent in saying: “Hindi naman kasi talaga ako ano… hindi naman talaga kasi ako artista. I really don’t act in films.”


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Leyte congresswoman Lucy Torres Gomez nang maging guest co-host siya sa Paparazzi Showbiz Exposed last Saturday, June 30.

Masaya niyang ikinuwento sa amin ang recent vacation nila ng asawang si Richard Gomez at anak nilang si Juliana sa Paris, France.

Naging magandang pagkakataon daw ang ginawa nilang bakasyon para magkasama-sama silang pamilya.

“Magnakaw-nakaw na parang sandali lang para sa isa’t isa,” ani Lucy.

“Kasi when we see each other, he has to leave or I have to leave— puro gano’n.

“So yung one week vacation namin sa Paris, it was really a time to recharge and just enjoy being with family and friends.

“So it was nice to have that whole stretch of time na… from the time na gumising kami hanggang sa matulog kami, magkasama kaming tatlo.

“Parang normal lang ang buhay namin doon, yes.

“We went to the country side. Nagpunta rin kami sa the usual spots when you go to Paris. And we also… we’re with friends.

“So ano lang talaga, yung paggising mo, walang specific na agenda. You just go along and let the day unfold.”


FAMILY BONDING. Plano na nilang gawin every year ang gano’ng pagbabakasyon?

“Dapat talaga," sambit ni Lucy.

"I feel talaga na yung tao dapat nagbabakasyon.

“Hindi kailangang sa ibang bansa, but whatever you’re doing, even locally, you need time off.

“Because parang makina, kapag andar ka nang andar, mag-o-overheat ka rin.”


ANOTHER CHILD. Ang anak nilang si Juliana, dalagita na halos, pero hindi pa rin nasusundan. Hindi ba siya nasasabik na magkaroon ng kapatid?

“Hindi. Sabi niya, gusto niya siya lang daw!” natawang sabi ni Lucy.

“Pero kami ni Richard, gusto namin na magkaroon ng karagdagang anak.

“Kung ako nga lang ang masusunod, gusto ko, anim na sana ang anak ko ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Pero hindi pa ibinibigay ng Diyos, hindi pa siguro panahon.”


REGAL OFFERS. Dapat sana ay may gagawin si Lucy na pelikula sa Regal Films na pang-Metro Manila Film Festival, pero tinanggihan muna niya.

Kuwento niya, “Tumawag sa akin si Roselle [Monteverde, anak ni Mother Lily].

“Sabi raw ni Mother… if I can be the multo, the white lady na naglalaro ng piano.’

“Nakakatawa talaga! Ha-ha-ha!

“Before naman, naalala ko a few years back, tumawag din si Mother Lily, kung puwede raw ba na ako yung maging parang santo sa giyera!” tawa na naman niya.

“Talaga si Mother!”

So, hindi niya type yung mga gano’ng klase ng role?

“Number one, hindi naman kasi talaga ako ano… hindi naman talaga kasi ako artista. I really don’t act in films.

“So the only time that I ever appeared in a film was for Senator Bong Revilla [sa Panday]. I was a fairy [na ina ni Iza Calzado].

“And yun naman, ginawa ko iyon kasi binigyan niya [Senator Bong] ng classrooms yung distrito ko [sa Ormoc City in Leyte], so nahiya naman ako na hindi pumayag.

“E, parang ang liit-liit lang ng participation ko sa film na parang naglalakad lang ako sa gubat."

E, di ba’t pinakabagong movie offer sa kanya ni Mother Lily ay multo siya na magpipiyano lang?

“Buti kung fairy na nagpi-piano. Ayoko yatang maging multo!” sabay tawa na naman ni Lucy.

“Kasi for sure, they will really make me look like a multo! Ha-ha-ha!”

E, kung magandang multo naman, di ba?

“Kahit na. Multo pa rin yun!” tawa na naman niya.


PUBLIC RESPONSIBILITY. Priority ni Lucy ang kanyang tungkulin bilang congresswoman sa Leyte.

Isa rin ito sa rason kung bakit hindi siya makatanggap ng maraming projects kung may mga offers man.

“I have Talentadong Pinoy and then there’s another project being worked on in a different channel. Pero I can’t speak about it yet.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Malapit na naman ang election, ano ang kanyang plano?

"I’m running for re-election [bilang congresswoman uli]. Si Richard naman, he is running for Mayor of Ormoc," pagbabalita ni Lucy.

Bakit pagiging mayor ng Ormoc City ang ginusto ni Richard?

“Because together, we can do a lot really for the district.

“Ngayon kasi, yung mayor do’n, hindi ally [kaalyansa]. So maraming oras na nasasayang because magkaibang partido, e.

“So it’s easier talaga if the mayor can work together with the representative.”


POLITICAL PROTEST.Noong tumakbo si Richard bilang congressman sa Leyte, may mga nagprotesta tungkol sa residency nito kaya si Lucy na lang ang kumandidato bilang kapalit at nanalo naman siya.

Hindi kaya may mga magprotesta na naman sa pagtakbo ni Richard bilang mayor ng Ormoc City?

“Wala, because even naman before, dapat wala namang protesta, e. Kasi wala namang issue sa residency niya.

“I always feel that in an election… that’s why we have an election, so that people can decide.

“And kung sinuman yung pinili ng tao, iyon ang susundin, di ba?

“Gano’n lang dapat kasimple.”

Gaano siya kadalas umuwi sa Ormoc?

“I just came from the airport now,” sa flight from Ormoc ang ibig niyang sabihin.

“Every two weeks ako umuuwi doon. Sometimes din, every week.

"It depends on what I have to do there.”

Kung magiging mayor ng Ormoc si Richard, doon na ito mas madalas na mamamalagi?

“For the most part, yes!” sabi ni Lucy.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN