Daniel Padilla on real score with Kathryn Bernardo: “Hindi ko alam kung MU ang tawag dun, pero sana nga MU yun."

Daniel Padilla on his current popularity: “Hindi ko naman nararamdaman masyado yun. Hindi ko pinapasok sa utak ko na sikat ako. Dapat chill lang ako."


Marami ang sasang-ayon na si Daniel Padilla ang isa sa pinakamainit na young stars sa kasalukuyan.

Patunay nito ay ang paggu-gold ng album niyang Hinahanap-Hanap Kita ng Star Records sa loob lamang ng sampung araw pagkatapos ma-release nito, at ang mainit na hukbo ng mga tagahanga nila ng kaparehang si Kathryn Bernardo na isa sa dahilan ng mataas na rating ng Princess and I.

Ngunit kasabay nito ay ang paglabas ng usap-usapan na may matinding kumpetsiyon daw na namamagitan sa mga kapwa niya young actors at sa Princess and I na sina Enrique Gil at Khalil Ramos.

Wala rin daw katotohanan ang mga sinasabi ng mga ito na magkakaibigan sila.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ng Cinema News kay Daniel sa MTV shoot ng single niyang “Prinsesa,” nilinaw ng young actor na maayos ang relasyon nila ng mga kasama sa Princess And I at hindi totoong galit siya sa mga ito gaya ng lumalabas na balita.

Sabi ni Daniel, “Pareho kong close sina Khalil and Enrique.

“Walang magkaaway at yung mga taong nagsasabi na parang galit ako sa kanila, alam ninyo yung mga taong ganyan, wala silang magawa.

“’Pag bumisita kayo sa set, wala kayong makikita na away, okay kaming lahat.

“Lahat kami trip-trip, e, para kaming magkakatropa.”

TEMPER, TEMPER. Sa isang interview sa tiyuhin ni Daniel na si Robin Padilla, nabanggit nito na kung may isang ugali siya na gustong baguhin sa sarili, ito ay ang kanyang temper na hindi niya makontrol.

Bilang isang Padilla na kilalang mainitin din ang ulo, isa kaya ito sa ugaling gusto ring baguhin ni Daniel sa kanyang sarili?

“Inaamin ko din na mainitin din ang ulo ko. Siguro nakuha ko ‘yan sa Padilla, pero mainitin din ang ulo ng mama ko [Karla Estrada].

“Minsan lagi lang nakakunot ang noo ko, lumiliit ang mata ko, pero minsan lang naman.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Basta ‘pag nandiyan na si Kathryn, kunyari problemado ako, ‘Ehem!’

“Mapapnsin niya yun, ‘tapos okay na yung mata ko, nakangiti na ako.”

Nang tanungin ang isyu ng pagiging babaero at matinik sa chicks ng mga Padilla, sinabi ni Daniel na tapos na ang ganitong isyu sa kanilang mga Padilla.

“Hindi ako matinik sa chicks,” diin ng young actor.

“Hindi pa ba tayo tapos sa issue ng pagiging matinik sa chicks?

“Tapos na tayo diyan, may nababalitaan pa ba kayong ganun?

“Tapos na. Lahat kami loyal na.”

KATHRYN’S OTHER ADMIRERS. Hindi maiiwasang may ibang mga lalake na humanga at pumorma kay Kathryn, paano hina-handle ni Daniel kapag may gustong dumiskarte sa kapareha?

Sabi niya, “Wala tayong magagawa dun, hindi naman maiiwasan na may mga magkagusto kay Kathryn.

“Wala namang harangan, hindi ko naman binabakuran kasi ‘pag ganun, parang inaangkin ko siya na wala pa naman talaga kaming something.

“Pero aaminin ko, mahirap din naman ‘pag may nagkakagusto sa kanyang iba kasi, malay mo, magustuhan din niya.”

Kumusta na ba ang relasyon nila ni Kathryn? Masasabi ba niyang mag-MU o may mutual understanding na sila.

“Okay naman kami, steady lang.

“Hindi ko alam kung MU ang tawag dun, pero sana nga MU yun.

“’Pag sinabi kasing MU, kumbaga, nagkakaintindihan kayong dalawa pero hindi kayo.”

Ayon kay Daniel, ang mga mata ni Kathryn ang isa sa pinaka nagustuhan niya sa kapareha.

“Sa physical, siguro yung mata niya. Yung mata niya, ipinapakita nito yung emosyon niya.

“Ewan ko ba, basta lahat sa kanya... nakukyutan ako kay Kathryn, e.”

NOT PUTTING IT INTO HIS HEAD. Bagamat itinuturing na isa sa pinakasikat na batang aktor sa kasalukuyan, hindi raw niya nilalagay sa ulo o niraramdam ang sinasabing ito ng iba sa kanya.

“Hindi ko naman nararamdaman masyado yun. Hindi ko pinapasok sa utak ko na sikat ako. Dapat chill lang ako,” sabi niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Hanggang ngayon nga ay hindi pa rin makapaniwala si Daniel na nag-gold na ang kanyang first album.

“Hindi ko in-expect na magkaka-album ako kasi hindi ko rin naman talaga gustong kumanta, e, pero nangyari ito.

“Wala, e, kailangan saka sayang naman kung hindi ko gagamitin.

“Ilagay na lang natin na hobby para sa akin ang pagkanta kaya nga thankful ako kasi sinuportahan ako ng mga fans ko, bumili sila ng album ko.”

Ngayon ay ginagawa na ang MTV para sa kantang “Prinsesa” na unang pinasikat ng Teeth.

“Maganda naman yung ‘Prinsesa,’ pero ang pinakagusto kong kinakanta ay yung ‘Ako’y Sa Iyo’ at ‘Grow Old With You.’ Kasi madaling kantahin, masarap kantahin.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN