Rhian Ramos and KC Montero inspire each other

Rhian Ramos on relationship with KC Montero: "Proud nga kami kasi kitang-kita nga na hindi kami nagtatago. Hindi kami nagkukunwari na wala, gano’n. So ayun, happy lang!”


Lantaran na ang pagkakamabutihan nina Rhian Ramos at KC Montero.

Sa Party Pilipinas nga kahapon, July 1, saksi ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung gaano sila ka-sweet sa isa’t isa.

Laging magkadikit ang dalawa—sa backstage, sa dressiang room, at kahit sa hallway ng Studio 7 kung saan umeere nang live ang musical-variety show ng Kapuso network.

Kita sa mukha ni Rhian na masayang-masaya siya ngayon with KC beside her. At very vocal naman siya sa gano’ng nararamdaman niya at this point.

“I love it! Yes! Haping-happy nga ako kaya wala. Parang ganado akong gawin lahat.”

Si KC, halos ipagsigawan na rin nga sa buong mundo ang pagkakamabutihan nila sa Twitter nito.

Pati nga sa spiels nila sa Party Pilipinas, nasi-segue nila sa kung gaano sila kasaya ngayon with each other.

“Ayun nga, we were saying nga na parang… proud nga kami kasi kitang-kita nga na hindi kami nagtatago.

“Hindi kami nagkukunwari na wala, gano’n.

“So ayun, happy lang!” napabungisngis na sabi ni Rhian.

NOT YET FORMAL. Kailan ba formally na naging sila?

“Uhm… hindi pa naman formally na kami. We’re dating!”

Pero sa nakikitang sweetness nila, parang mag-on na nga sila?

“Inspirasyon namin ngayon ang isa’t isa, oo.

“Nakakatawa nga, may ginawa kaming song number today, ayun nga… first time. So it was fun naman.

“’Yon nga lang, nagkakamali kami! Hahaha!

“Kasi tawa kami nang tawa the whole time. Kahit nasa stage kami, nagkakamali kami.

“So ayun, dyini-joke lang namin ang isa’t isa na, ‘A, ganito pala ‘pag inspired, nagkakamali. Gano’n pala!’”

Ano pa ba ang nakakapigil para formally ay maging sila na nga?

“Uhm… I don’t think there’s been enough time,” sagot ni Rhian.

Gaano na ba katagal mula nang nagsimula silang maging malapit ni KC sa isa’t isa?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I don’t know, e. Kasi parang feeling ko, it’s not something na talagang puwede kong bigyan ng time.

“Pero kailangan parang… mararamdaman ko lang kung iyon na ‘yong tamang time or kung puwede na.”

Nagususportahan din daw sila sa isa’t isa.

“We support each other? Oo naman!

“Uhm… sa mga projects na ginagawa ko outside of showbiz, ayun, inaalalayan niya ako.

“Kasi siya naman talaga ‘yong businessman, so marami naman talaga akong natututunan.”

Ano ba ang pinakanagustuhan niyang mga katangian ni KC?

“Mabait… mabait siya.

“Ayun, basta he’s a good person. And I think bihira na lang ang good person!” sabay tawa na naman ni Rhian.

PROJECT WITH ALJUR & KRIS. Tungkol naman sa mga bagong projects na pagkakaabalahan, meron na ba siyang sisimulan soon?

Sabi ni Rhian, “Well, hindi pa kasi ako nagkakaroon ng meeting, as in ‘yong formal meeting na pinag-uusapan ‘yong project.

“Pero I heard may next project ako kasama sina Aljur [Abrenica] at Kris [Bernal]. Si Direk Maryo J. de los Reyes ang director.

“But hindi pa nagkakaroon ng meeting, as in ini-explain na sa akin ‘yong character ko—wala pa naman.”

Love triangle silang tatlo sa story?

“Maganda nga, e. Maganda nga kasi ano… established loveteam na sila [Kris at Aljur].

“At saka, di ba, parang matagal na rin silang hinihintay na parang magkaroon pa ng comeback?

“’Tapos kami naman ni Aljur, parang nagkatrabaho na rin a a couple of projects.

“So parang nando’n ‘yong… may chemistry na sila, may chemistry na rin kami [ni Aljur].

“Kulang na lang magkatrabaho kami ni Kris, so heto na ‘yon.”

Baka magsabong ang fans nila ni Aljur at fans ng aktor at ni Kris?

“Huwag naman sana!” bulalas ni Rhian.

“Kasi hindi naman kami ang nagsusulat ng story nito. Ginagawa lang din naman namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Huwag naman sanang mag-away.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN