KC Montero on what he likes most about Rhian Ramos: "She likes me back!"

KC Montero on relationship with Rhian Ramos: "We’re dating. We’re not dating anybody else aside from each other. So whatever that is, I’m there for her whenever she needs me. I’m like her best cheer leader right now. I really want her to do well. And if there’s anything that I can do to help her, I’m going to do it.”


Kagaya ni Rhian Ramos, very vocal din si KC Montero tungkol sa pagkakamabutihan na nilang dalawa.

Sa pakikipag-usap sa kanya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa Party Pilipinas kahapon, July 1, inamin ni KC na talagang iba ang sayang nararamdaman niya mula nang magkalapit ang loob nila ni Rhian.

“Kilig!” nakangiting sambit ni KC.

“I’m very happy talaga, yes. I’m just really very happy.

"It’s been a while since I’ve been happy. So everything feels good.”

Si Rhian talaga raw sa ngayon ang main source ng happiness na nararamdaman niya.

“Yes, of course!” bulalas ni KC.

FROM FRIENDS TO LOVERS. Kailan at paano nga ba nagsimula ang magandang pagtitinginan nila?

“Well, we’ve been friends for a while. It happened because of work and business.

“We spend a lot of time together with my companies and she might be a partner in our company.

“So through that, it just developed.”

Marami raw negosyo si KC na kasosyo ang ilang kaibigan at interesadong makipag-business partner din daw sa kanila si Rhian. Meron silang clothing line, may bar, social agency, at iba pa.

“Ani KC, And she’s getting into clothing. Sooner or later, she’ll be in as our partner.”

"WE’RE DATING." Kagaya ng nasabi ni Rhian, iyon din ang naging sagot ni KC nang matanong hinggil sa kung nasaang estado na ba ang relasyon nilang dalawa.

“We’re dating. We’re not dating anybody else aside from each other.

“So whatever that is, I’m there for her whenever she needs me.

“I’m like her best cheer leader right now. I really want her to do well.

“And if there’s anything that I can do to help her, I’m going to do it.”

Gaano kaya katagal pa bago maging official na sila na?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“What is official?” nangiting tanong ni KC.

“We have to say that we’re boyfriend and girlfriend? Do we have to?

“I don’t know,” tawa pa niya.

“Basta we’re dating.

“Everyone can see how we talk. How we act. How we treat each other.

“So whatever it is you wanna call it.”

KNIGHT IN SHINING ARMOR. Sa tindi ng pinagdaanan dati ni Rhian kaugnay ng mga intriga and kontrobersiya na idinulot ng naging relasyon nito dati kay Mo Twister, hindi ba naging mahirap para sa kanya na magparamdam sa aktres?

“Why?” tanong niya.

Galing kasi sa hindi birong heartache at masalimuot na sitwasyon si Rhian. Kadalasan, kapag ganito katindi ang pinagdaanan ng isang babae, medyo hinu-hold back ang sarili pagdating sa pag-entertain ng mga bagong gustong manligaw.

Sabi naman ni KC, “Well, she’s a strong girl. And I think she has moved on, matagal na.

“And I was never her shoulder to cry on. I was never that person.

“So when we started hanging out, talagang we were single. Everyone has moved on.”

Sa namamagitan sa kanilang dalawa ngayon, ano ang siniguro at naipangako niya kay Rhian?

“Knight in shining armor,” sabay ngiti ni KC.

Ano naman ang mga qualities ni Rhian na nagustuhan niya?

“She’s caring. She’s very driven in work. She has a big heart.

“And she loves her family, and I like her family as well.

“And ‘yong biggest quality is she likes me back!” nangiti ulit si KC.

Nakilala na raw ni KC ang pamilya ni Rhian, at naipakilala na ni Rhian si KC sa pamilya nito.

“Yeah, I’ve met her family na. They’re very nice people.

“I like them a lot. I hope they like me also.

“My mom met her when she [Rhian’s mom] was here in the Philippines.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kapag naging officially sila na, wedding na kaya ang kasunod?

“Whew, maybe someday!” natawang sabi na lang ni KC.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN