Gabby Eigenmann admits he’s a frustrated leading man

Gabby Eigenmann admits that one of his frustrations is to become a leading man. Yet, he explains that “the passion in acting kasi whether bida ka o kontrabida, I enjoy my job. Hindi ko na hinahangad pa to reach for the stars, kumbaga, lalo na ngayon, I’m considered as one of the most beautiful, so okay na ako do’n. “


Isa si Gabby Eigenmann sa nasa listahan ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! ngayong 2012.

Tuwang-tuwa naman ang Kapuso actor, at sinabing isang malaking karangalan para sa kanya na mapabilang sa naturang listahan.

Umani rin ng tawanan at palakpakan ang sagot niya sa tanong kung ano ang most attractive part of his body: "My package."

Kilala raw kasi ang pamilyang Eigenmann sa ganoon kaya ito ang itinuturing niyang pinaka-asset niya.

Sa presscon para sa special issue na ito ng YES! kahapon, July 2, sa Grand Ballroom ng Richmonde Hotel sa Eastwood, Libis, Quezon City, nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Gabby.

FRUSTRATED LEADING MAN. Bagamat sunud-sunod ang magagandang proyekto at pangyayari sa career ni Gabby, mayroon pa raw siyang isang “frustration”—ang maging leading man.

“Pero sabi ko nga, the passion in acting kasi, whether bida ka o kontrabida, I enjoy my job.

“Hindi ko na hinahangad pa to reach for the stars, kumbaga… lalo na ngayon, I’m considered as one of the most beautiful, so okay na ako do’n.

“Kasi, nagagawa ko siguro nang tama ‘yong trabaho ko.

“It’s not just because when you say beautiful lang ‘yan, e, no. It’s probably about what you’ve been doing in the past, what you are doing in the industry.

“So far, most of the shows na nagawa ko with GMA—starting with Munting Heredera hanggang sa Broken Vow—natutuwa naman kami kasi umangat naman, umangat naman and I’m very thankful na I was part of that... that group.

“So, happy ako."

LONG WAY TO GO. Hindi na kaila sa marami ang husay ni Gabby sa pagganap sa mga kontrabida roles.

’Tulad ng kanyang tita na si Cherie Gil at pinsan na si Ryan Eigenmann, marami ang naiinis sa kanila sa tuwing nang-aapi sila ng mga bida sa mga teleserye o pelikulang tinatampukan nila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gayunman, aminado si Gabby na wala pa sa kalingkinan ng kanyang showbiz career ngayon ang narating nga kanyang ama na si Mark Gil, na isa sa versatile actors sa industriya.

Aniya, “I don’t want to put leverage or level sa mga naa-achieve na namin.

“Pero one way or another, our parents will always be there. Hindi namin sila mahihigitan.

"Kung maabutan man namin, napakalayo pa ang tatakbuhin namin.

“Hindi, kasi we have our own… and I just hope na people now, they start accepting ‘yong kakayahan ng generation namin, and happy ako because they have been very supportive.”

Pero kilala man daw ang mga Eigenmann sa kontrabida roles, hindi naman daw lahat sila’y nalilinya sa ganoong karakter—’tulad na lamang nina Geoff Eigenmann, Sid Lucero, at Andi Eigenmann.

“Happy kami sa mga nangyayari, kasi we’re not just known as a clan, e, may kanya-kanya…

“Yes, masarap pakinggan na kilala kami as isang malaking pamilya dito sa industriya, at natutuwa naman kami kasi each and every one of us has our own character.

“Hindi naman kami halos lahat pare-pareho ng ginagawa, e. ‘Yon lang, mostly kontrabida kami lagi.

“Pero ‘yon nga, ’buti nandiyan sina Geoff ‘tsaka si Sid, at saka si Andi, to balance it.

"Kasi nga sa generation namin, me and Ryan, e, ang magka-age bracket, lagi kaming kontrabida.”

ANDI AS KAPUSO? Samantala, si Gabby na rin mismo ang nakapuna na halos lahat sa kanilang pamilya ay mas maraming ginagawang projects sa GMA-7.

Ang kanyang tiyahin na si Cherie Gil na kabilang sa katatapos lamang na Legacy, si Mark Gil na nasa Makapiling Kang Muli, ang ama niyang si Michael de Mesa at Geoff Eigenmann ay magkasama sa Kasalanan Bang Ibigin Ka?, at si Sid Lucero ay mapapanood sa upcoming afternoon soap na Hindi Ka Na Mag-Iisa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Kuwento ni Gabby, noong una’y nakaramdam siya ng pag-iisa dahil siya lang ang nasa GMA-7. Pero nang isa-isa na silang nagkaproyekto sa Kapuso network ay tuwang-tuwa siya.

“Actually, kung tutuusin, kung tatanungin mo ako kung happy ako na marami na kami, halos buong pamilya nasa GMA, happy ako, happy na happy ako.

“Pero it came to the point na parang nakakalungkot din, e, kasi dumating sa point na ako lang mag-isa.

"Ryan is with ABS, Geoff is with ABS, even si Sid nasa ABS din—halos lahat nando’n, ako lang natitira.

“No’ng isa-isa nang lumilipat sa GMA, happy ako kasi baka matupad na ‘yong pangarap namin na magsama-sama kaming buong pamilya sa isang show.

“Happy kami, ‘yon nga ang hinihintay namin, na magsama-sama kami, which I think is not that far.

"Kaya sana malapit nang maabot na magsama-sama kaming lahat. Dream ‘yon, dream.”

Naisip din ba nilang hikayatin si Andi Eigenmann, na nag-iisa sa Kapamilya network, na lumipat na sa Kapuso network?

“A, no naman, no naman,” sagot ni Gabby.

Paliwanag niya, “A, siyempre, may kanya-kanya naman kaming managers, may kanya-kanya naman kaming management.

“And wherever she’s happy, doon siya. Suportado naman kami, hindi naman kami nagre-recruit.

“I’m happy na she’s been treated well sa ABS-CBN, happy naman kami.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN