Senator Chiz Escudero on rumored dates with Heart Evangelista: "I wish, but no."

“Kapag 27 years old ka siguro, yun ang tawag doon—going out on a date. Pero kung 42 years old ka, ang tawag doon ay meeting, nag-meeting lang kayo,” says Chiz Escudero about report that he’s dating Kapuso star Heart Evangelista.


Hindi na naitago ni Senator Chiz Escudero ang tungkol sa annulment ng kasal nila ng dating asawang si Christine Elizabeth “Tin Tin” Flores sa morning talk show na Kris TV kahapon, July 2.

Inamin ng senador mula sa Sorsogon na tapos na ang seven-year marriage nila nang tanungin siya ng actress-TV host na si Kris Aquino sa segment ng programa na “Hot Topic.”

Subalit hindi na siya nagbigay ng anumang karagdagang detalye tungkol dito.

Paliwanag niya, “Ang usapan kasi namin, hindi naman kami showbiz, hindi na kami magsasalita tungkol doon. “

Sa ngayon, nasa kanyang poder rdw ang kanilang kambal na anak. Nananatili rin daw silang magkaibigan ng dating asawa para sa kanilang mga anak.

“They need to have a ‘complete’ family sana, an image of a mom and a dad na nandoon. Although hindi physically all the time," sabi ni Senator Chiz.

ON HEART EVANGELISTA. Dahil nakiusap ang senador na huwag nang pag-usapan ang tungkol sa kanila ng dating asawa, tinanong na lang ni Kris ang isa pang intriga tungkol sa kanya: “Are you dating Heart [Evangelista]?”

Ang diretsang sagot ng pulitiko, “No.”

Pagkatapos ay sinabi niya, “I wish, but no.”

Ayon kay Chiz, dalawang beses na silang lumabas magkasama ng Kapuso actress. Subalit hindi niya itinuturing na date ang mga pagkakataong ito.

Paliwanag niya, “Kapag 27 years old ka siguro, yun ang tawag doon—going out on a date. Pero kung 42 years old ka, ang tawag doon ay meeting, nag-meeting lang kayo.”

Magiging bahagi ng Kris TV ang senador bilang co-host ni Kris sa buong buwan ng Hulyo.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN