Cesar Montano recalls auditioning for roles in the past

Cesar Montano on hosting Artista Academy: “Napakalaki ng impact nito at malaking bagay para sa akin as an actor dahil kung tatanungin kung paano nagsimula si Cesar Montano, nagsimula talaga ako sa pag-o-audition. Nagsimula talaga ako sa pagpila sa napakahabang pila doon sa LVN. Parang nag-flashback sa akin lahat, e. Sabi ko, ‘Ako ito, ako yung dating ganun.’"


Isa nang Kapatid ang turing ng dating Kapamilya at Kapuso actor na si Cesar Montano sa kanyang sarili ngayon kahit wala pa siyang pinipirmahang kontrata sa TV5.

“Technically, wala pa akong contract ngayon. Hindi pa namin pinag-uusapan kung ano yung magiging hitsura ng contract namin.

“Siguro for the next few days, malalaman n’yo rin. Pero ang masasabi ko lang ngayon, I’m happy to be working here in TV5,” sabi ni Cesar.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Cesar sa presscon na ibinigay ng TV5 sa kanya bilang pag-welcome sa kanya sa network, gayundin bilang isa sa mga host along with Marvin Agustin ng biggest reality artista search ng Kapatid network, ang Artista Academy.

Ginanap ang presscon kagabi, July 2, sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City, kung saan nakasama ni Cesar ang TV5 Vice President at Head of Creative and Entertainment Production na si Perci Intalan.

Bukod sa Artista Academy, ano pang klaseng projects ang gusto niyang gawin sa TV5?

“Katulad nung pinitch namin na isang game show, na napakaganda. Isang musical game show, yun po ang isang dream ko na sana’y makagawa po ako dito sa TV5.

“And of course, film, talagang ang passion ko ay sa paggawa ng pelikula at napakarami naming idea at napakaraming istorya ng bansa natin—napakagaganda at dapat talagang maisapelikula.”

Bukod sa TV shows, gumagawa rin ng pelikula ang TV5 sa pamamagitan ng movie outfit nitong Studio5.

REMINISCING THE PAST. Ayon kay Cesar, malaki ang naging impact sa kanya ng Artista Academy noong ialok sa kanya ito kaya siya nagdesisyong tanggapin ang project na ito ng TV5.

Present si Cesar sa one-day grand audition ng naturang artista search na ginanap sa Araneta Coliseum noong June 19.

Noong makita niya ang libu-libong kabataang nag-audition, hindi niya maiwasang balik-tanawin ang panahon na siya ay nag-o-audition pa lang noon para maging artista.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Salaysay ni Cesar, “Napakalaki ng impact nito at malaking bagay para sa akin as an actor dahil kung tatanungin kung paano nagsimula si Cesar Montano, nagsimula talaga ako sa pag-o-audition.

“Nagsimula talaga ako sa pagpila sa napakahabang pila doon sa LVN.

“Parang nag-flashback sa akin lahat, e. Sabi ko, ‘Ako ito, ako yung dating ganun.’

“I remember myself falling in line dahil yung Regal Films, may gagawin na pelikula.

“Ang gagawin nila yung Student Body. Hindi natuloy yung pelikula.

“If I remember it right, ang magiging artista doon si Gabby Concepcion pa, e. Pero hindi natuloy yung pelikula.

“Pero ang nandito sa panel nakaupo—Peque Gallaga, Marilou Diaz-Abaya, Ishmael Bernal—grabe, sila yung nag-aano [screen sa audition]!

“’Tapos you have to memorize like five sentences, ‘tapos ipapagawa sa iyo yung drama sa gitna.

“May isang spotlight na nakaganun [nakatutok sa iyo]. May stool doon, pauupuin ka.

“Babae at lalaki yung mga nag-audition, hundreds kami noon, doon sa LVN lahat. This was long, long time ago.

“Nakakakaba siyempre. Yung boses pa lang ni Ishmael Bernal napakalaki na, nakakatakot na, e. ‘Tapos Peque Gallaga at Marilou Diaz-Abaya.

“So, alam kong napakahirap, napakamasalimuot yung para manalo ka.

“’Tapos I’m so happy about this [Artista Academy] and isang malaking honor and privilege dahil sabi ko, ‘Ang laki naman ng premyo ngayon, P20-milyon.’

“Sabi ko napakasuwerte… and I think well-deserved yung mananalo dahil napakarami na ng pinagpilian. Para makalusot ka dun sa 12,000 na nag-audition, napaka-blessed mo.

“And to be part of Channel 5, and to be part of this great and big, big show, Artista Academy, isang malaking pagkakataon at privilege for me. Kaya hindi na ako nagdalawang-isip, I grabbed the chance.”

ON BEING A PROFESSIONAL. Papuri naman ang ibinigay ni Sir Perci kay Cesar nang ikuwento nito kung gaano ka-professional ang aktor.

Ayon sa TV5 executive, “This is going to be the first of hopefully many projects namin with Cesar.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“And dadagdag ko lang sa sinabi niya kanina, ang ganda to have somebody like Cesar Montano working on Artista Academy and working with all the new artistas.

“Masasabi ko talaga yung level ng professionalism… kasi nung magkausap kami at inaayos itong Artista Academy and his participation in it, he was still in the States.

“At sa daling kausap ni Cesar at sa love and dedication sa project, he was willing to fly-in immediately.

“Dumating at noong sinabi namin na, ‘O, meron kaming project sa London naman.’ Lipad din siya within three days.

“Uwi siya for three days, nagpunta sa Araneta, nagpunta sa Delta for Game ‘N Go. And a few days later, he caught a plane again para pumunta naman sa London to represent TV5.

“So, that’s the kind of guy, Cesar Montano is. Yung ganyang klase ng propesyunalismo, ang laki ng mai-impart niyan sa mga bata.”

FAME, FORTUNE AND STARDOM. Sa logo ng Artista Academy ay nakasaad ang mga salitang “fame, fortune at stardom” na inaasahang maibibigay ng show na ito sa mananalong Best Actor at Best Actress.

Para kay Cesar, na na-achieve na lahat ng mga salitang ito sa kanyang career, ano ang puwede niyang ibigay na advise sa mga artista wannabes na kasali sa show para ma-achieve din nila ang mga ito?

“Para i-achieve ang fame, fortune, and stardom, naku, napakahirap i-achieve niyan.

“But one important factor para ma-achieve iyan is focus, to be fixated on what your vision is.

“Actually, hindi mo dapat isipin yung fame, hindi mo dapat isipin yung stardom, at saka hindi mo rin dapat isipin ang fortune.

“Dapat iyan para ma-achieve mo iyan, ‘yang tatlong iyan hindi mo dapat isipin. It should be far away from your thinking.

“Ang dapat mong isipin kung paano mo mapagbubuti ang talent mo, paano mo mailalabas.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Paano mo maipagbubuti yung character as an actor, as a singer, as a dancer. Paano ka magkakaroon ng character na mabuti with your fellow actors, co-workers.

“At papaano mo mapapaligaya, of course, your employer at mga taong tumatangkilik sa iyo. Yun ang dapat mong isipin.

“’Pag ginawa mo yun and you got successful, you will hit that three—Iyung fame, fortune and stardom.”

MARVIN AGUSTIN. Sa Artista Academy auditions ay nakausap ng PEP ang co-host ni Cesar na si Marvin Agustin at inamin nitong excited siyang makatrabaho ang idol niyang si Cesar.

Ano ang masasabi ni Cesar dito?

“Ako I believe… sinabi ko nga on stage sa kanya doon sa Araneta na I’m so happy.

“I feel honored na kasama ko si Marvin because Marvin Agustin is one of the actors that I respect. Sinabi ko sa kanya yun.

“Kasi napapanood ko siya, e, nakita ko siyang umarte. Sabi ko, ‘Aba, magaling na artista ito.’”

Si Cesar ang magiging live exam presenter ng Artista Academy habang si Marvin ang magiging reality host.

NO TO POLITICS FOR NOW. Nalalapit na ang 2013 elections, pero ayon kay Cesar wala siyang interes ngayon na sumabak sa pulitika.

Matatandaang kumandidato na noon si Cesar bilang Senador sa 2007 elections pero natalo siya. Muli siyang tumakbo bilang gobernador naman ng Bohol noong 2010 pero hindi rin siya pinalad na manalo.

Dahil sa pagiging busy ngayon sa kanyang career, hindi lang sa telebisyon kundi pati sa paggawa ng mga pelikula, wala raw muna sa isip ni Cesar ang muling subukang pasukin ang pulitika.

“Ngayon po wala na po akong time para diyan dahil dito lamang po sa shows na gagawin ko sa TV5, baka maubos na po.

“Kaya wala munang pulitika, wala muna po.”

Nauna na ngang naisulat dito sa PEP ang paglilinaw ni Cesar na walang kinalaman ang pulitika sa ginawa niyang pakikipag-meeting kay Manila Mayor Alfredo Lim.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Balak daw kasing gumawa ng pang-apat na filmbio ni Mayor Lim at si Cesar ang napili niya para gampanan ang role.

Ayon sa aktor, “May inaayos ako na project. It’s premature to tell but there is a very big film [project] about Alfredo Lim.”

(CLICK HERE to read related story.)


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN