Kris Bernal on status of Carl Guevara’s courtship: "Huwag nating madaliin. Baka hindi pa talaga tayo handa.”

Kris Bernal on Carl Guevara: “Mabait siya, sweet at saka in fairness sa kanya… Siyempre, may ibang tao rin naman na nagpaparamdam. Pero sa kanya ko nakita ko yung pagiging seryoso niya. Kahit wala siyang makuha in return sa mga ginagawa niya for me, hindi niya hinihingi yun.”


Bihira sa mga artistang babae ang umaamin kaagad kapag may nanliligaw sa kanila, at lalong hindi sanay ang tao na umaamin agad ang isang artistang lalake kapag may nililigawan sila.

Isa ito sa tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Kris Bernal nang makausap namin siya press launch ng YES! 2012 100 Most Beautiful Stars kahapon, July 2, sa Richmonde Hotel sa may Libis, Quezon City.

Bago ba sa kanya yung open agad na nagsasabing nililigawan siya ng isang lalaki, ‘tulad ng ginagawang panunuyo sa kanya ngayon ni Carl Guevara?

Ayon kay Kris, “Para sa akin kasi, kahit sino namang babae, nata-touch kapag may lalaking sumusuyo sa ‘yo, may lalaking nagpapagaan ng loob mo. Nandiyan para sa ‘yo.

“Yung kahit alam mong nanliligaw, mas nandiyan siya bilang kaibigan.

“So, masarap lang ang feeling na may ganoon sa akin, so ine-enjoy ko lang.

“Ganoon lang muna. Huwag nating madaliin. Baka hindi pa talaga tayo handa.”

UNTIL WHEN? Natawa naman si Kris nang tanungin namin kung hindi ba siya napi-pressure na alam niyang may naghihintay ng magiging sagot niya.

“Hindi! Doon naman natin makikita kung seryoso talaga siya.”

Pero hanggang kailan niya planong paghintayin si Carl?

“Siguro, ang importante kasi, makilala ko talaga siya. Yun muna.

“Yun muna talaga—ang makilala ko siyang talaga.”

Nasabi na minsan ni Kris na isa sa napansin niyang ugali ni Carl ay tahimik lang at mabait. Meron pa ba siyang ibang nadi-discover dito ngayon?

“Mabait siya, sweet at saka in fairness sa kanya…

“Siyempre, may ibang tao rin naman na nagpaparamdam. Pero sa kanya ko nakita ko yung pagiging seryoso niya.

“Kahit wala siyang makuha in return sa mga ginagawa niya for me, hindi niya hinihingi yun.”

Minsan nang nagkasama sina Kris at Carl sa isang primetime series ng GMA-7—ang The Last Prince. Aminado si Carl na doon pa lang ay gusto na siya nito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ano ang reaksiyon dito ni Kris?

Sabi niya, “Na-touched ako kasi lalaki siya, e. Iniisip ko kung totoo nga ba ang mga sinasabi niya.

“Kasi, sabi niya, first time niya raw na ganyan.

“So, parang ako, ’Bakit sa akin? Ano ba, natutuwa ka ba sa akin or whatever? Nakakatuwa.

“Kasi feeling ko naman, handa niyang gawin ang lahat for me.”

NATURAL GENTLEMAN. May mga “espesyal” na ba siyang pinagawa kay Carl ‘tulad halimbawa ng pag-igib ng tubig o pagsibak ng kahoy na madalas ay biro kapag sinasabing nanliligaw ang lalaki.

Sabi ni Kris, “Wala akong pinagawa sa kanya. Natural naman na lumalabas sa kanya yung pagiging gentleman niya at sweet niya.”

Sa isang interview ay nasabi ni Kris na sa tingin niya, may pag-asa si Carl sa panliligaw nito sa kanya.

Natawa muli ang young actress nang tanungin kung may mga hinahanap pa ba siya kay Carl kaya hindi pa niya sinasagot.

“Wala naman na,” sagot niya.

Natawa naman si Kris nang sabihin namin na wala na pala, kaya ano’t pinahihirapan pa niya ito?

“Siguro more time or bonding, siguro kailangan pa yun.

“Kailangan ko pa rin siyang makilala talaga ng kilala talaga, pero ayoko siyang isarado na meron. ”

Hindi pa rin daw nakakaakyat ng ligaw sa bahay nila si Carl.

Tanggap naman ba ng pamilya niya si Carl kung sakali at maging sila na nga?

“Ang pamilya ko naman, kung saan naman ako masaya, doon naman sila, eh.”

DIFFERENT PARTNERS. Kung ang career naman nila ang pag-uusapan, iba ang kadalasang ipinapareha ng Kapuso network kina Kris at Carl—si Kris kay Aljur Abrenica at si Carl kay Jennica Garcia.

Nakikita ba nilang posibleng maging hadlang sa career nila ang anumang posibleng kauwian ng panliligaw ni Carl sa kanya ngayon?

“Hindi naman,” tugon ng StarStruck alumna.

“Kasi ako, ang feeling ko, mature naman na ang mga taong mag-isip ngayon. Mature na sila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Naiintindihan [nila] ang buhay ng mga artista at, yung mga fans, mga sumusuporta sa akin, alam ko nandiyan sila—kahit anong naging desisyon ko at magiging desisyon ko.

“Feel ko naman, hindi ako nagpapaligaw. Sabi nila, hindi ako umaamin kasi may loveteam daw ako, hindi ganoon.”

Sa isang banda, malaki rin naman ang tsansa na pagsamahin sa isang proyekto dahil pareho silang Kapuso.

Ang susunod na proyekto ni Kris ay ang Sana Dalawa Ang Puso Ko kunsaan sila ni Aljur Abrenica ang muling magkakapareha, kasama si Rhian Ramos.

Balita ni Kris, “Malapit na naming simulan. I think, this July kasi may mga naka-schedule na kaming acting workshop at yung taping yata, sa last week ng July.

“Gusto pa rin nilang tingnan ang looks namin kung ano ang puwedeng gawin para maiba.”

MOST BEAUTIFUL. Nagpapasalamat naman si Kris sa muli niyang pagkakasali sa hanay ng YES! Most Beautiful Stars—sa ikatlong pagkakataon.

“Siyempre, very flattered at saka ang gandang opportunity sa akin ‘to every time na makakasama ako sa 100 Most Beautiful Stars at napi-feel ko rin na importante ako.

“Kaya thankful ako sa YES! Magazine sa ibinigay nilang ito for me,” sabi ni Kris.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN