Jake Cuenca on status of relationship with Lovi Poe: "Good friends pa lang kami.”

“Hindi ko naman dine-deny na nag-a-admire ako. Malaki ang admiration ko for Lovi Poe. I’ve worked with her and I saw how great a person she is, how powerful as an actress she is. Of course, nakikita n’yo rin naman kung gaano siya kaganda," says Jake Cuenca about Lovi Poe.


Marami ang nagsasabi na sina Jake Cuenca at Lovi Poe na talaga.

Noong magkasama sila sa pelikulang My Neighbor’s Wife ng Regal Films ay na-link na silang dalawa. Pero sa kabila ng ilang isyu sa kanilang dalawa, tila mas lumalim pa ang closeness nila.

Sa YES! 2012 100 Most Beautiful Stars press launch noong Lunes, July 2, na ginanap sa Richmonde Hotel sa Eastwood, Libis, Quezo City, magkasabay na dumating sina Jake at Lovi.

THE REAL SCORE. Tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Jake tungkol sa status nila ng Lovi ngayon at kung nanliligaw pa lang ba siya o sila na.

Sagot ng Kapamilya actor, “Well, mahirap kasi kapag nanligaw, parang best foot forward ka, pakitang-gilas ka—hindi totoo yun, e.

“Isa rin siguro sa natutunan ko yun in the past na maganda rin na natural lang na nangyayari, di ba?”

So, ano na nga ang status nila ngayon?

“Magkaibigan kami. Good friends… sa kanya rin naman nanggaling.”

Sinabi kasi ni Lovi sa question-and-answer portion ng presscon na “good friends” sila ni Jake.

Dugtong ng aktor, “Ako rin naman, kung nakita n’yo ako in the past, kapag nagsalita ako, kapag girlfriend ko na.

“Mahirap din naman kapag dini-disclose mo sa lahat ng tao na nanliligaw ka.

“Pero ’tulad nga ng sinasabi ko, ever since, hindi naman ako nanliligaw.

“Nagsisimula talaga sa magkaibigan, ‘tapos gradual na lang na nangyayari.

“Mahirap kasi talaga kapag nanliligaw, pakitang-gilas ka, and then one year later, hindi na yun ang nakikita niya sa ‘yo, nadi-disappoint lang yung tao.

“Based on my experience, ha,” pahabol niya.

Mas naniniwala siya na dapat ay maging mabuting magkaibigan muna ang dalawang tao?

“Definitely!” sambit niya.

“Kung maging romantic ang relationship, at least, nakita na niya ang tunay mong pagkatao. Nakita na niya ang tunay mong kulay.

“Tanggap n’yo na sa isa’t isa, di ba?”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

MORE OPEN. Kapansin-pansin na ngayon lang siya naging open sa kanyang nararamdaman para sa isang babae, ‘tulad sa pagpu-post niya ng mga mensahe saTwitter.

Ayon kay Jake, “Hindi ko naman dine-deny na nag-a-admire ako. Malaki ang admiration ko for Lovi Poe.

“I’ve worked with her and I saw how great a person she is, how powerful as an actress she is.

“Of course, nakikita n’yo rin naman kung gaano siya kaganda.”

Itinanggi ni Jake na pagkatapos ng My Neighbor’s Wife ay nag-lie low ang closeness nilang dalawa at ngayon lang ito bumalik.

Aniya, “Never naman na nag-lie low. Hindi naman nawala ang pagkakaibigan. Pero wala pa naman kasing dapat ipaalam.”

Magiging open pa rin ba siya kung sila na nga?

“Actually, wala naman sa pagkatao ko ang magtago. Kung ano ang totoo, ilalabas ko talaga.

“I mean, hindi ako ang tipo ng tao na magtatago. Kapag handa ako, sasabihin ko.

“Pero sa ngayon, hindi pa naman ako handa.”

“Exclusively dating” na ba sila ni Lovi?

“Yun na nga, kapag nangyari yun, sasabihin ko, pero wala pa sa puntong yun.

“Wala pa naman do’n, good friends pa lang kami.”

HARD TO FOCUS. Sobrang busy raw ni Jake ngayon. Dalawang teleserye ang ginagawa niya—ang afternoon soap na Kung Ako’y Iiwan Mo at ang upcoming primetime series na Kapag Puso’y Masugatan.

Kaya kung titingnan daw, mahirap talaga para sa kanya na mag-focus sa lovelife.

Biro naman namin sa kanya, kailan ba siya hindi naging busy?

Natatawang sabi ni Jake, “Kapag gusto, maraming paraan!

“Pero ano naman ako, baka kayo na lang siguro ang mag-read between the lines. I’m happy now.

“Baka kapag in-announce ko na committed na ako kung kanino man, ibig sabihin, committed na talaga ko.”

LIHIS. Bukod sa dalawang teleseryeng nabanggit, sisimulan na rin ni Jake ang indie film na Lihis sa ilalim ng direksiyon ni Joel Lamangan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Makakasama rin niya dito si Lovi, pero may gay theme ang pelikula kung saan involved si Baron Geisler.

Pero paglilinaw ni Jake, “Hindi siya gay movie. It’s an epic story of two men.

“Hindi mo makikita ang typical na gay role. Hindi siya typical na gay movie at ayaw naming i-categorize na ganoon.

“Grabe yung journey ng dalawang lalaki, sobra! Hindi rin siya sexy movie kahit meron siyang love scene.

“Isa lang siyang istorya ng pagmamahal sa isang panahon na bawal ang ganoong klase ng pagmamahal.

“Yung Lihis kasi, nagsimula ‘yan noong panahon ng ‘80s na hindi pa tanggap ng tao.

“At saka may asawa ako sa pelikula. So, journey ng isang tao na idine-deny niya ang sarili niya sa totoong nararamdaman niya kasi may asawa siya.

“Pero kapag nararamdaman mo ang isang tao, hindi mo talaga mapipigilan.”

Si Lovi ang gaganap na asawa ni Jake sa pelikula.

Wala raw problema kay Jake ang anumang klaseng unconventional roles basta maganda ang materyal.

“Ako naman kasi, basta magustuhan ko, interesado ako, gagawin ko.

“Pangit kasi kapag hindi mo gusto ang role, pinilit lang sa ‘yo. Aarte ka nang hindi ka ganado, ikaw lang ang mapapahiya bilang isang artista.

“So, ako, nagustuhan ko talaga ang materyal na ‘to na napaka-daring at napakalapit sa puso ko ng script—at gusto kong gawin.”

Na-touched din daw si Jake na personally ay si Direk Joel pa ang tumawag sa kanya para tanggapin niya ang role.

“Unang-una, gusto nilang ihabol sa Cinemalaya, guest movie sa Cinemalaya. Pero sa schedule ko, hindi mangyayari.

“Natuwa nga ako, na-touched ako,” sabi niya.

JAKE’S SCAR. Samantala, ilang beses na raw siyang nakakasama sa listahan ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! Magazine.

Pero ito raw ang unang pagkakataon na dumalo siya sa press launch ng special issue na ito ng YES!.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Jake, “Natuwa naman ako. Natuwa ako na naka-attend.

“Natawa naman ako sa mga tao. Game na game ang mga tao sa mga sagot ko.

“Sinasakyan ang mga patawa ko. So, tuwang-tuwa naman ako.”

Sa presscon proper ay tinanong ng PEP ang mga um-attend na celebrities kung ano ang most attractive part ng kanilang katawan.

Ang sagot niya: ang kanyang behind.

Marami raw kasi ang natuwa at pumalakpak nang ilantad niya ito sa Bench Underwear fashion show noong 2010.

Pero ano nga ba talaga ang masasabi niyang pinakamaganda sa pisikal niyang anyo?

“Sa katawan ko, ang totoo, proud ako sa scar ko.

“Kasi noong bago pa akong artista, pinagkakamalan akong iba-ibang artista.

“Pero kapag nakita na ang scar ko, alam na nila, ako na agad yun,” sabi ni Jake tungkol sa peklat niya sa itaas ng labi.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN