Lovi Poe denies exclusively dating Jake Cuenca: "I’m not in a stage in my life that I want to date anyone exclusively yet.”

Lovi Poe on Jake Cuenca: “What’s so cool about it, hindi ko siya maide-describe as dating friends as how we call it. Hindi siya yung pagkatapos ng isang proyekto, wala na. Yun nga ang maganda sa kanya, for me, it’s really good and special. Kasi, hindi nga nawala ang communication at pakikipagkaibigan kahit tapos na ang shooting ng My Neighbor’s Wife.”


Hindi na matandaan ni Lovi Poe kung ilang taon na siyang nakakasama sa listahan ng YES! 100 Most Beautiful Stars.

Ayon sa Kapuso actres, hindi niya makakalimutan ang YES!, partikular na ang managing editor nito na si Anna Pingol, na isa sa mga unang nag-interview sa kanya nang pumasok siya sa showbiz.

“Isa talaga ang YES!... si Anna sa mga unang nag-interview sa akin at photo shoot ko ever. Naalala ko!” sabi ni Lovi nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal).

“I’m very thankful kasi noong bago pa lang ako, isa sila sa nagtiwala sa akin na kahit paano, they think na I’ll be able to be part of this industry.

“Some people would push me away, give me a hard time.

“Isa ang YES! Magazine na parang embraced me noong bago pa lang ako.”

JAKE CUENCA. Kasabay na dumating ni Lovi sa press launch ng YES! 2012 100 Most Beautiful Stars noong Lunes, July 2, ang nali-link sa kanya ngayon na si Jake Cuenca.

Ano na nga ba ang estado ng relasyon nila?

Sabi ni Lovi, “What’s so cool about it, hindi ko siya maide-describe as dating friends as how we call it.

“Hindi siya yung pagkatapos ng isang proyekto, wala na.

“Yun nga ang maganda sa kanya, for me, it’s really good and special.

“Kasi, hindi nga nawala ang communication at pakikipagkaibigan kahit tapos na ang shooting ng My Neighbor’s Wife.”


NEW MOVIE TOGETHER. May bago na namang pagsasamahan sina Lovi at Jake na pelikula—ang indie film na Lihis sa direksiyon ni Joel Lamangan.

Pagkatapos nilang gawin ang My Neighbor’s Wife, heto’t muli na naman silang magkakasama sa pelikula.

“I’m excited kasi ang talagang naka-partner ko sa My Neighbor’s Wife was Dennis [Trillo] naman.

“This time, kami naman ni Jake ang magkakaroon ng mas maraming eksena together,” sagot niya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Gagaganap silang mag-asawa sa Lihis.

Natawa naman si Lovi nang tanungin kung saan sa palagay niya mas excited si Jake—sa love scene nila o love scene nila ni Baron Geisler bilang may gay theme ang pelikula.

“Tanungin natin siya kung saan siya mas excited!” natatawang sabi ni Lovi.

“Ako, mas excited ako sa gagawin nila… joke lang!

“But I’m excited sa kahit na anong mangyari. But with Jake, I don’t know kung saan siya mas excited.”

Magkaiba ng network na kinabibilangan sina Lovi at Jake. Pero tila hindi ito naging sagabal para magkasama sila sa mga proyekto.

“Yeah and it’s really cool nga na nabigyan kami ng chance na magkapareho ulit. And I’m thankful nga.

“I can’t think of anyone else that better for the character, like Baron Geisler and Jake Cuenca to play their role.

“So, happy ako. It’s nice to work with good actors,” sabi niya.

GOOD FRIENDS. Noong una silang nagkasama sa My Neighbor’s Wife, na-link na silang dalawa ni Jake. Pero pagkatapos ng pelikula, tipong nag-lie low at ngayon sila mas nali-link at nasusulat na sila na raw.

Pero ayon sa dalawa ay “good friends” pa lang sila.

“Wala muna, hanggang ganito na lang muna,” diin pa ni Lovi.

“He’s also very focused and very passionate rin sa trabaho niya, which is a good thing para sa akin din.

“Wala, hanggang dito lang, magkaibigan.”

Exclusively dating na ba sila?

“No, no, I’m not in a stage in my life that I want to date anyone exclusively yet,” sagot ni Lovi.

Malinaw sa kanilang dalawa ni Jake na puwede silang mag-date kahit na sino pa?

“Yeah, yeah, of course. It’s not yet the right time for anyone naman.”

May posibilidad din ba na mag-end up silang dalawa at mag-level up anumang meron sila ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, you’ll never know naman the future. Pero sa ngayon, hanggang dito na lang muna.”

Ano pa ang mga nadidiskubre niya kay Jake?

“You know, yun nga ang maganda, he’s a very good person that’s why nga na-keep pa rin yung friendship namin.”

Na kay Jake din daw ang ilan sa mga katangian ng lalakeng posible niyang magustuhan at mahalin.

“Of course naman. Hindi naman imposible yun, but since we’re both really focused sa sarili namin, yun na lang muna.”

Halatang natuwa si Lovi nang marinig na sinabi ni Jake na bukod sa nanay niya, isa pa sa magandang babae para sa kanya ay nagngangalang "Maria Lourdes Virginia"—na siyang tunay na pangalan ni Lovi.

“Ako ba yun? Sweet naman niya. Consistent siya ha, sa sinabi niya kanina,” nangigiting sabi ng aktres.

Ano naman ang masasabi niya rito?

“That’s really sweet naman.”

Sa Twitter, very open din si Jake sa paghanga sa kanya.

Nakangiting sabi ni Lovi, “It’s really sweet naman when someone is showing their admiration para sa ‘yo.

"Ako rin naman, e, I admire him a lot.”

GMA CONTRACT. Pagkatapos ng Legacy, hindi pa masabi ni Lovi kung ano ang susunod niyang project.

More on movies muna raw siya bilang sabay-sabay halos ang mga pelikulang ginagawa niya ngayon.

Nabalita noon na posible siyang lumipat ng network. Matutuloy na ito?

Pero ayon kay Lovi, “I still have my contract with GMA, until March [2013].”

So doon na siya magde-decide?

“Well, ako, I’m happy naman. Basta happy ako. Whatever makes me happy naman. Yun lang.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN