Robin Padilla tells wife Mariel Rodriguez not to go back to Paparazzi: “Siyempre mahirap… may asawa na siyang tao, hindi na siya dapat nadadamay sa mga ganoon.”

Robin Padilla on why he always been diplomatic and non-confrontational when it comes to intrigues and issues about himself and his family: “Huwag nang haluan nung mga ganoon. Mahirap may kaaway sa showbiz. Ang liit-liit ng showbiz, e.”


Inamin ng action star na si Robin Padilla na totoong pinagbawalan niya ang misis niyang si Mariel Rodriguez na mag-guest co-host ulit sa showbiz talk show ng TV54 na Paparazzi Showbiz Exposed.

Noon kasing June 23 episode ng show ay nagalit ang dating host nito na si Ruffa Guttierez at ang kanyang inang si Annabelle Rama sa writers ng talk show. Ito ay bunsod ng "bulungan" portion kung saan tinanong ng mga naughty questions and actress-TV host.

Paliwanag ni Robin, “Siyempre mahirap… may asawa na siyang tao, hindi na siya dapat nadadamay sa mga ganoon.

“Kasi ano yun, e, minsan na nga lang siyang lalabas, may ganoon pa."

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Robin sa taping ng Todo Max kagabi, July 3, sa Studio 10 ng ABS-CBN.

Binanggit namin kay Robin na hindi naman madadamay si Mariel dahil guest co-host lang naman siya noon sa Paparazzi.

Sagot ni Robin dito, “E, baka mangyari uli, e. Lalo halimbawa na siya naman ang matanong ng ganoon, masakit sa akin yun.”

Paano niya sinabi kay Mariel na huwag na itong magge-guest co-host ulit sa Paparazzi?

“Wala, pag-uwi niya. Napanood ko, e.

“Sabi ko, ‘Misis ano,okey ba sa ‘yo ‘yang Paparazzi?’ E, wala pang nangyayaring trouble nun.

“’Oo, masaya,’ sabi niya.

“’A, o sige, masaya.’ E, di nanahimik na ako.”


INSTINCT. May naramdaman na ba si Robin na hindi magandang mangyayari kaya tinanong niya ng ganoon si Mariel?

“Hindi, kasi nung napanood ko, na-awkward-an na ako.

“’Tapos ayun! E, wala pang ilang oras, naging isyu na. Nagkaroon na ng ‘Naku,’ sabi niya, ‘may problema!’

“Hindi ko pa alam yung problema, sinabi ko na sa kanya.

“’Ayan,’ ‘kako, ‘Sabi ko sa ‘yo, e. Huwag ka nang mag-showbiz talk show, e.’

“Si Tita Cristy [Fermin] ang inisip namin kaagad. ‘Naku, kailangan nating makausap si Tita Cristy.’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kaya pumunta siya kay Tita Cristy sa radio. Nag-usap sila.

“Kasi yun lang naman ang tinitingnan namin, wala nang iba—si Tita Cristy.”

Pero aware ba siya na dapat ay gagawin nang regular host sa Paparazzi si Mariel?

“Okey lang naman kung sa labas, e. Huwag lang sa loob [ng studio]," sabi ni Robin.


NON-APPEARANCE. Pansamantala lang bang hindi mapapanood si Mariel sa Paparazzi o tuluy-tuloy nang hindi niya ito pababalikin doon?

“Marami kasing ano diyan, ‘tol. Kasi unang-una diyan, mahirap makaaway pa ni Mariel si Tita Annabelle [Rama, ina ni Ruffa].

“Ayoko nung ano... matahimik na kami ‘tol, e… ang tahi-tahimik na namin.

“Huwag nang haluan nung mga ganoon. Mahirap may kaaway sa showbiz. Ang liit-liit ng showbiz, e.

“Siguro anuhin muna yun, maayos muna yung problema.”

Naranasan niya na bang maging kaaway si Annabelle?

“Hindi pa naman kasi kilala ko si Tita Annabelle.

“E, my goodness, panahon pa namin ni Ruffa! Di ba, talagang hahanapin ka niyan?”


SINGLE SHOW. So okey lang sa kanya na isa na lang ang show ni Mariel sa TV5, ang Wil Time Bigtime?

Natatawang sabi ni Robin, “E, yun kasi, para sa amin ni Mariel, charity yun, e.

“Minsan kasi tini-text ko si Willie [Revillame] na papanalunin niya yung tao!

“Pero ‘pag si Mariel ang nagho-host, minsan kasi wala si Willie.

“Sabi ko kay Mariel, ‘Pag alam mong mananalo na yung tao, ibigay mo na.

“Kaya nung nag-Wowowee ako, di ba, hindi ako humahawak nung mga tanong?

“Ayoko kasi. Siguradong pananalunin ko yung tao lalo na ‘pag naririnig mo na yung mga hinaing nila.”


HAVING A CHILD. Magdadalawang taon na ring kasal sina Robin at Mariel, pero hanggang ngayon ay wala pa rin silang anak.

Kailan ba nila planong magkaroon ng anak?

“Sayang ang honeymoon!” natatawang sagot ni Robin

“Hindi ko pa kasi nae-enjoy yung buhay ko. Yung buhay ko laging… ano na agad, e, namulat na may anak ka—nag-alaga ka.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Hindi ko na-enjoy yung mayroon kang kasama na walang mga bulilit na iniisip.

“Mahirap mag-travel na may…”

Pero si Mariel ba, okey lang sa kanya na huwag muna silang mag-anak?

“Hindi. Nung isang gabi medyo nagtatanong na yun.

“’Talaga bang hindi tayo mag-aanak?’ Medyo kinompro [confronted] ako nun.

“Sabi ko, ‘Puwede bang hindi? Pero sa ngayon, mag-enjoy muna tayo.’

“’Hanggang kelan ‘yang enjoy na ‘yan?’

“Sabi ko, ‘Malapit na yun. Ikaw naman!’”

Isa pang iniisip ni Binoe kung bakit ayaw pa niyang magkaanak sila ni Mariel ay dahil baka raw mahati ang atensyon nito sa kanya at sa magiging anak nila.

Sobrang maalaga raw kasi si Mariel.

“Wala na. Hindi na ako papansinin nun ‘pag nagkaroon ng anak yun… patay na!

“Maghahanap na lang ako ng ibang mag-aalaga sa akin,” biro
pa ni Binoe.


NOT JEALOUS. Nakasama ni Robin sa isang commercial si Marian Rivera at, ayon sa aktor, humahanga siya sa kagandahan ng girlfriend ni Dingdong Dantes.

(CLICK HERE to read related story.)

Hindi ba nagselos si Mariel nang sabihin niyang humahanga siya kay Marian?

“Wala naman yun. Alam naman niyang ganun lang ako—walang malisya yun.

“Ano yun, parang… hindi nga crush yun, hanga lang yun.”

Halimbawang walang Dingdong sa buhay ni Marian at walang Mariel sa buhay niya, posibleng bang magkagusto at ligawan niya si Marian?

“Hindi naman siguro kailangan na mapunta kaagad sa pag-ibig.

“Okey lang gumawa siguro ng project… ganun.

“Pero wala pa naman sa usapin na may malisya o mga ganun,” sagot ni Robin.


INDEPENDENT DAUGHTER. Ang anak ni Robin na si Kylie Padilla ay sa kanya nakatira ngayon, kamusta na sila ng anak niya?

“E, wala naman kaming pakialaman nun, nasa baba siya, e.”

Nasa baba ng bahay nila?

“Di ba, hanggang third floor yung bahay namin?”

Hindi na ba sila nagkikita ni Kylie dahil sa sobrang busy niya?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Nagkikita naman kami kahit paano.

“Pero sa edad nung anak ko, mahirap nang pinagsasabihan.

“Saka hindi ko na naman dapat pagsabihan siya. Tama naman lahat ng ginagawa niya, wala naman siyang…” sabi ng aktor.


BONDING MOMENTS. Ang kadalasang bonding na ginagawa ng mag-amang Benoe at Kylie ay manood ng sine.

Kamakailan nga lang ay nanood sila ng Prometheus sa Rockwell.

“Nung nanood kami ng Prometheus, napikon sa amin yung mga tao.

“E, nag-uumpisa na yung pelikula, di ba tahimik?

“Bigla akong ginulat ni Kylie. Sabi niya ‘Oooh!’ Nagulat yung mga tao. Sabi nila, ‘Uy, ano ba yan!?”

“E, puro sosyal yung mga tao dun, di ba? E, may dalawang jologs dun!” natatawang kuwento ni Robin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN