Singer-actor Sam Concepcion goes international via live and network shows in Indonesia

Homegrown talent Sam Concepcion just returned from a successful show in Indonesia, the same path that singer Christian Bautista took to go international. He describes his first experience: "Kasi, first time nila akong nakita doon and they [the studio spectators] were just too glad to see me."


Kababalik lang ni Sam Concepcion mula sa Indonesia for a show and a rare TV guest appearance nang makausap siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) noong Linggo ng gabi, July 1, sa CCP Main Theater lobby.

Masayang ibinalita ni Sam sa PEP ang maganda niyang experience bilang Filipino singer na naimbitahang mag-perform sa programang Dahsyat Musik.

Isinasahimpapawid ang Dahsyat Musik sa RCTI Channel, isa sa mga top networks sa Indonesia.

"Parang ASAP nila, it’s a morning show,” bungad ni Sam about the Indonesian musical-variety show.

"First time ko lang do’n and I feel very fortunate. Nagulat ako, sobra-sobra!

"Kasi, first time nila akong nakita doon and they [the studio spectators] were just too glad to see me.

"Nagkaroon ako ng show that evening. Sana maulit.”


PINOY IDOLS. Ang kapwa niya talent na mina-manage ng Stages outfit, si Christian Bautista, ay kilalang-kilala rin ng mga Indonesian fans kaya madalas din itong mag-perform doon.

"Oo naman. Sikat talaga siya doon,” pagmamalaki ni Sam about Christian.

"Ako, starting pa lang doon.

"Pareho kami [ni Christian]... sa Stages din siya, pero tingin ko, mas sikat pa rin siya. Iba pa rin siya."

Willing ba si Sam na mag-perform in a show sa Indonesia na kasama si Christian?

"Sa susunod siguro,” sagot ng singer-actor.


UPDATES. Ano pa ang mga kaabalahan ni Sam these days?

"Well, I’m recording a new album, with Universal Records,” aniya.

May plano mag-release ang Universal Records ng bago niyang album sa Indonesia.

Nalalapit na rin ang showing ng pelikulang pinagbibidahan ni Sam with Ogie Alcasid, Eugene Domingo, Gary Valenciano, Zsa Zsa Padilla, at teen singer-theater actress na si Tippy Dos Santos—ang kanyang love interest sa pelikula.

"I Do Bidoo, Bidoo!... it’s a musical movie… malapit na!" banggit niya.

The musical-comedy film is directed by Chris Martinez, who is also co-directing a Metro Manila Filmfest entry na, ayon kay Sam, ay kasali siya sa cast.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Hindi pa namin nasimulan. Hindi pa kami nagsu-shoot."

Sabi ni Sam, hindi pa yata puwedeng sabihin kung anong MMFF entry ang kasasalihan niya.

Sa listahan ng mga official entries sa gaganaping Metro Manila Filmfest in December 2012, ang entry na ididirek ni Chris Martinez, with co-director Mark Meilly, ay ang twinbill na Mga Kuwento Ni Lola Basyang: Pedrong Walang Takot/Mariang Alimango.

Sa telebisyon, part din si Sam Concepcion ng sinimulang Book 2 ng afternoon drama series na Angelito: Batang Ama na ngayo’y Angelito: Ikalawang Yugto.

Si JM de Guzman ang bidang aktor sa teleserye at support lang si Sam. Okey lang ba sa kanya to play support?

"Oo naman,” aniya.

GAWAD BUHAY. Sa nakaraang Philstage Gawad Buhay! Awards ay hindi pinalad si Sam na manalo sa kategoryang Outstanding Male Lead Performance in A Musical Play.

Ang nagwagi ay si Melvin Lee para sa Care Divas ng PETA. Si Sam ay nominated naman para sa Peter Pan ng Repertory Philippines.

"Okey lang. Deserving naman yung Care Divas—walang problema,” saad ni Sam.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN