Cesar Montano has positive views about GMA-7-TV5 merger

From GMA-7, Cesar Montano has jumped to TV5. When asked about his take on the rumored merger of GMA-7 and TV5, he says, “I think merging is unity, and I think we’re getting bigger, mas lumalaki ang pamilya, mas lumalaki ang trabaho, mas sumasaya, the more the merrier!”


Masaya si Cesar Montano dahil nasa iisang network na sila nina Aga Muhlach, Willie Revillame, at Bayani Agbayani.

Bukod sa mga kaibigan niya ang mga ito, matatandaang nakatrabaho na niya ang tatlong aktor noon sa iba’t ibang shows ng ABS-CBN.

Ngayong nasa TV5 na silang apat, umaasa raw si Cesar na magkakasama-sama sila sa iisang proyekto.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) at ilang entertainment press si Cesar noong Lunes, Hulyo 2, sa kanyang pocket presscon para sa Artista Academy, na ginanap sa Annabel’s restaurant sa Tomas Morato, Quezon City.

Ang naturang programa ang unang proyekto niya sa Kapatid network.

Ang bungad ni Cesar, “Naku, isang dream ko ‘yan, na magkasama-sama kaming muli ni Willie, ni Aga, ni Bayani sa isang project, sa isang sitcom or isang project, whatever... basta magkakasama lang kami.

“Kasi matagal na rin ‘yong huli naming pinagsamahan, e, and these people are my true friends. These people are very, very close to my heart."

GMA-TV5 MERGER. Samantala, hiningi rin namin ang opinyon ni Cesar sa napapabalitang posibilidad na mag-merge ang GMA-7 at TV5.

Bago lumipat ng Kapatid network si Cesar ay nanggaling siya sa Kapuso network, kung saan ginawa niya ang ilang proyekto tulad ng Ilumina (2010) at Andres de Saya (2011).

Positibo ang pananaw ng aktor tungkol sa usapin. Aniya, “I think merging is unity, and I think we’re getting bigger, mas lumalaki ang pamilya, mas lumalaki ang trabaho, mas sumasaya, the more the merrier!

“And of course, with leaders… ‘yong mga boss natin na nandiyan, they know what they’re doing, I don’t think magkakaroon ng problema.

“Si Ms. Wilma Galvante na formerly galing ng GMA-7, channel 7 din, so she knows the ins and outs sa channel 7, so madali na siguro ‘yon.

“I can see beautiful… I can hear beautiful music.”

At kung sakaling magkasama-sama ang mga artista ng parehong networks, magandang paraan daw ito upang magtulungan sila na palaguin ang talento ng bawat isa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, of course, advantage sa akin na ako naman I always want to learn.

“I’m an artist who has a soul na laging gusto matuto, and every work that I accept, lagi kong iniisip na kailangan matuto ako dito.

“I have to gain knowledge, I have to develop my character as a person, and I have to share knowledge also to other younger generation, that’s what I expect.”

ON SON DIEGO. Nadako ang usapan sa personal na buhay ni Cesar.

Hindi na ba masusundaan ang tatlo niyang anak na babae?

Ang tinutukoy ay ang mga anak niyang sina Angeline Isabelle, Samantha Angeline, at Angel Francheska.

“Ako lagi, araw-araw akong may planong mag-baby," ang pabirong sagot ni Cesar.

At sa mas seryosong tono, idinugtong niya, “Siyempre po ang gusto natin ay magparami at wala pa kaming anak na lalaki.

"Kaya baka bigyan-daan ng Diyos na bigyan kami ng isang lalaking anak.

“Ito po ‘yong wish ko na magkaroon kami ng isang lalaking anak.”

Yaman din lamang na binanggit niya ang anak na lalaki, kinamusta na rin namin ang anak niyang si Diego Loyzaga sa dating aktres na si Teresa Loyzaga.

Talent ng Star Magic si Diego, na hindi gaanong nakikita sa telebisyon sa taong ito.

“I’m so happy right now kahit na nag-lie low siya sa showbiz,” ang sabi ni Cesar.

“He’s so focused with studies, with his studies... so I’m so happy.

“Basta ako, I believe na kailangan niya muna matapos ang pag-aaral niya, because I believe there’s no substitute to education.”

Kasalukuyang nasa 4th year high school si Diego, na nag-aaral sa OB Montessori sa Greenhills.

Hindi naman daw niya binawalan si Diego na ipagpatuloy ang kanyang showbiz career. Personal shoice daw ng binata na “mag-slow down” muna sa pag-aartista at pagtuunan ng pansin ang pag-aaral.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ako, sabi ko sa kanya, kung saan siya happy, I will support him.

“A, noong una sabi ko sa kanya tapusin niya muna pag-aaral niya. Gusto mo mag-artista, nasa iyo ‘yan.

“But then, he decided to enter show business, I supported him. Now, he wants to slow down a bit, nandito pa rin ako para sa kanya.

“Siguro ako, I’d say na I’m happy because mas nalalaman niya ngayon kung ano ‘yong mas priority niya.

“And sa desisyon niya na ‘yon as a kid, I salute him kasi mas importante ang studies para sa kanya, na ‘yon ang desisyon niya.

“So, I’m so happy, thank God, thank God.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN