Rica Peralejo hopes to get pregnant before the year ends; plans to take up master’s degree

Rica Peralejo on plan to conceive this year: “Gusto ko. We are hoping for pregnancy by the end of this year. Maybe December. We’re just really thinking about it kasi ayaw naman naming masira yung mga holidays dahil lang nag-morning sickness ako. So tina-timing din namin nang maige."


Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Rica Peralejo kahapon, July 3, sa rehearsal para sa kanilang big production number sa Linggo, July 7, sa ASAP 2012 kaugnay ng 20th anniversary ng nabanggit na premiere talent management agency ng ABS-CBN.

Sa nasabing rehearsal, na ginanap sa Star Magic office, nagkita-kita ulit sina Rica at ilang mga kasamahan niya noong nagsisimula pa lang siya—sina Lindsay Custudio, Dianne dela Fuente, Jan Marini Alano, at Kaye Abad.

Dapat daw abangan ang kanilang song number na para na rin nilang reunion sa ASAP 2012 dahil minsan lang magsama-sama ang mga teen idols noong dekada ’90.


THE GRADUATE! Nang maiupo na namin si Rica sa panayam na ito ay una naming kinumusta ang kanyang pag-aaral.

Nag-enroll si Rica ng kursong English Literature sa Ateneo kaya hindi siya naging masyadong visible lately sa showbiz.

Halos araw-araw nga noong nagdaang mga buwan ay nababasa namin ang kanyang tweets kaugnay sa kanyang thesis.

Sabi ni Rica, “Okay naman. Actually I’m done with school. I graduated last March.

"And sobrang nakakahinga na ’ko. Nakakatulog na ako, nakakakain na ako.”

Laman kasi ng mga tweets niya dati na medyo nahihirapan siya sa pagbuo ng kanyang thesis.

“Oo, kasi I think naman anybody who goes through thesis would really have a hard time. Pero I think more so for me because I’m a wife.

“So, hindi din naman gano’n kasimple yung buhay ko na parang nag-aaral lang ako, di ba? So, medyo adult na rin ako and I have adult responsibilities.

“So halos maloka-loka ako, pero kahit naman gano’n, it’s very fulfilling and there’s so much grace when you’re doing it. And I’m planning to do my masters also."

Balak daw kunin ni Rica sa kanyang masteral studies ang Sociological Science or Cultural Studies. Bakit ang mga itong kurso ang kanyang pinagpipilian?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kasi parang it helps you explain people. And basically the nature of my husband’s ministry is to deal with people," patungkol niya sa Victory Christian Fellowship, kung saan pastor ang kanyang asawang si Joe Bonifacio.

"And mas maganda sana kung makakatulong na ako do’n sa ministry namin na… like you can draft policies. You can make development studies. Mga gano’n."


RICA AND VCF. Aktibo raw si Rica sa Victory Christian Fellowship.

“Yeah, very much. I’m very active in our ministry especially after I graduated. Or even while I was still in school, I would really do a lot of church things."

Sa kanyang pagbalik-eskuwela, ano ang nadiskubre niya sa sarili?

“Alam mo, parang bumalik ako sa pagkabata. Parang na-complete yung isang part ng buhay ko.

"Kasi parang I miss out a lot when it comes to schooling, at least.. Kasi parang, ano naman, e, I stopped when I was… regular schooling, I stopped when I was I think 13.

“That early because I got sick. Kasi Parang hindi kaya ng body ko yung load ng work ‘tsaka school. Ganyan.

"So I stopped schooling early on in my life.

"So when I continued, regular, ha, kasi nag-home study pa ’ko. I didn’t enjoy home study.

“So when I went back, parang sobrang hungry lang ako to learn. ‘Pag mas matanda ka na rin kasi, the value of education to you is different.

"Ibang-iba na yung utak mo. Mas buo na yung isip mo.

"And you know that you’re paying for this, so you don’t go to classes just to sleep!” natawa niyang pahayag.

“Very fulfilling. Parang that’s my dream for each and every artist to had to give up to his or her studies.

"To go through normal education at least kahit man lang two years. Just so life-changing."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


SHOWBIZ TAKES A BACKSEAT. Ano na ang mangyayari sa kanyang buhay sa showbiz?

“Yung showbiz ko is more of kung what fits my life. Kumbaga, it’s not a priority.

"But if something really fits the way my husband and I live right now, yun yung perfect," sabi niya.

Perfect gaya ng...

“Choice of roles, time. Kasi more than the choice of roles or work… schedule, e. Kasi alam naman natin na hectic talaga yung schedules.

“I was just talking to Mr. M [Jonny Manahan, founder and head of Star Magic] and Tita Mariole [Alberto, vice president of Star Magic] about a week ago and Mr. M suggested, sabi niya, ‘Why don’t you do one at least before you get pregnant.

“Ako naman, sabi ko, ‘Sige. Maybe I can try.’

"Medyo siyempre kinakabahan din ako dahil parang… hindi ko alam, kung parang ano ba yung hihilingin sa ’yo.

"Kasi ibang-iba na rin yung buhay ko. Parang I’ve stayed so quiet for the longest time.

"So parang siyempre accepted ko rin yun, iingay ulit yun ’pag may teleserye ka.

"Marami lang considerations, but I’m open to it."


Sang-ayon ba ang kanyang asawa dito?

“Oo. My husband naman as long as he is secure na ang priority ko talaga ay siya at saka yung buhay-may pamilya, walang problema yun sa kanya."


A BABY IS COMING SOON? Nabanggit niya ang pagbubuntis, handa na rin ba si Rica na maging isang ina?

“Gusto ko. We are hoping for pregnancy by the end of this year. Maybe December.

"We’re just really thinking about it kasi ayaw naman namin na masira yung mga holidays dahil lang nag-morning sickness ako.

"So, tina-timing din namin nang maige."

Plano ba ito o nangyari lang talaga?

“When we got married, I was already in school. So we thought na… actually pwede naman talaga kaming magbuntis kung gusto namin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Kaya lang, ayaw din naming maging unfair sa baby na parang we can’t give our baby the full attention just because I’m in school.

"So mahirap talaga, e. Ateneo is not that easy. The requirements… the load is just very, very heavy."


AS A WIFE. Anu-ano naman ang mga pagbabago, o nadidiskubre niya sa sarili bilang isang asawa?

“I’m still discovering myself. And when you’re a wife, you never stop discovering yourself as a wife because you both change.

"Uhm, depending on the season, depending on the circumstances.

“Mag-iiba ‘yan, e, di ba? Di natin alam ano’ng ipapadala ng buhay sa ‘yo. Di natin alam kung ano ang prinepare ng Diyos para sa inyo.

"So, I would say na I’m not really exactly the best wife. But the important thing is we’re both willing to work it out parang no matter what.

"Kasi wala namang perfect, e. I will always do things that might disappoint him, might hurt him. And vice versa.

“Pero yung masarap lang sa relasyon namin is we’re willing to work it out. Yung to work on the relationship talaga and make the relationship our priority."


HER SISTER PAULA IS ENGAGED. Nabalita na ang kapatid ni Rica na si Paula Peralejo, na nag-artista rin noon, ay engaged at malapit na ring mag-asawa.

Kuwento ni Rica, “Medyo matagal na rin sila ng boyfriend niya. They’ve been going out for, I think five years yata. Yung gano’n.

"So, medyo mahaba na rin yung panahon and we all think, it’s about time. We all love the guy and we’re just so excited that they’re really gonna get married na.

“And who knows, baka sabay pa kami magbuntis. Hindi natin alam, di ba?"

Ayon kay Rica, idinasal niyang sana ay pagkalooban sila ng Diyos ng tatlong anak na puro lalaki.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN