Director Joey Reyes on Sharon Cuneta: "She doesn’t have to stoop down to anybody’s level at hindi niya deserve na binabalahura ng kung sino."

Jose Javier Reyes (in photo, with Iza Calzado) on his first Cinemalaya entry, Mga Mumunting Lihim: "Ibang klase talaga ang experience na ito, of doing an indie film. At para sa akin, Cinemalaya is not a competition but more of a camaraderie. It’s an experience that is worthwhile and liberating!"


Bilang kaibigan, isa ang direktor na si Jose Javier Reyes sa mga naapektuhan nang maging mainit ang Twitter issue involving Megastar Sharon Cuneta, na todo ang naging reaksiyon sa mga bashers niya at ng anak na si KC Concepcion.

Hindi nagustuhan ni Direk Joey ang mga negatibong pagkokomento kina Sharon at KC.

Kabilang dito ang isang derogatory tweet mula sa isang network PR laban kay KC, na ipinag-react nang labis ni Sharon. Kaya lalong naging mainit ang issue, kahit tinanggal na rin ng kinauukulan ang mapanirang mensahe sa Twitter.

"I wish somebody can tell her to stop..." nasabi ni Direk Joey noon.

Maging ang kanyang pahayag na ito ay nagbunga ng sari-saring reaksiyon sa Twitter, na labis din niyang ikinabigla.

Bunga niyon ay hindi naging kumportable ang premyadong direktor at TV co-host ng midnight talk show na Juicy! sa TV5.

Lately, may iba na namang issue na ipinagre-react ni Sharon bagamat nasa pormang "blind item"—ang isyung patungkol sa hindi raw magandang pagsasama nila ng asawang si Senator Kiko Pangilinan, o kaya’y ang sitwasyon ng ongoing daily afternoon talk show nito sa TV5, ang Sharon, Kasama Mo, Kapatid.

Diumano, malapit na raw magsara ang nasabing programa ng Megastar, bagama’t halos kasisimula pa lamang ng airing nito.

May sagot nga kaagad si Sharon sa nasabing “blind item” allegation, na napaulat dito sa PEP. Pero kaiba sa naunang twitter issues, mas kontrolado na ang pagsagot o pagre-react ni Sharon.

(CLICK HERE to read related story.)

"I think tumigil na siya sa katu-tweet... buti naman," nasambit ni Direk Joey nang muli siyang makapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa ginanap na presscon ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival sa CCP Main Theater Lobby.

Nagkaroon ng pagkakataon ang PEP na ma-interview ang premyadong direktor at scriptwriter, bilang bahagi ng gaganaping annual indie filmfest.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

May entry siya sa Directors’ Showcase category ng Cinemalaya, ang Mga Mumunting Lihim (Those Little Secrets)—na kanyang isinulat, idinirek, at iprinodyus sa pamamagitan ng kanyang Largavista Productions outfit at Cinemalaya Foundation, Inc.

Going back to Sharon-Twitter issues, paano naiparating kay Sharon ang mensahe ni Direk Joey?

"She texted me," wika ni Joey Reyes.

"A... marami namang nagsabi na rin sa kanya, they advised her against answering and answering the negative tweets.

"Ang sa akin lang, Sharon Cuneta doesn’t owe anybody a reply nor an explanation... even if it’s about, well, her daughter [KC].

"I mean, she doesn’t have to stoop down to anybody’s level at hindi niya deserve na binabalahura ng kung sino."

CAMARADERIE. Having said his piece, nag-focus muli ang PEP sa ilang mga bagay tungkol sa pagiging direktor ni Jose Javier Reyes ng isang indie film entry, ang Mga Mumunting Lihim.

"I am so happy to be a part of Cinemalaya this year and to do a film, na sa napakatagal na panahon ko na sa pagdidirek, I must say this is the first time I really felt independent—as to my choice of material, the cast, the staff, and everyone involved.

"Kanina nga, when we’re up the stage, kasama ko ang ibang directors, naisip ko, ’Naku, ako ang pinaka-senior!’" natawa si Direk Joey.

Joey’s Mga Mumunting Lihim is competing against the other Directors’ Showcase entries: Jun Lana’s Bwakaw, Adolf Alix, Jr.’s Kalayaan (Wildlife), Raymond Red’s Kamera Obskura, and Lawrence Fajardo’s Posas (Shackled).

Patuloy ni Direk Joey, "Doing an indie film is a breather for any director na nasanay gumawa ng mainstream movies.

"Ang sarap gumawa ng ganitong klaseng film, na you’re free to tackle any subject or tell a story your own way, without thinking of what your producer would tell you—na baka hindi kumita.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"As a director, somehow, you feel you ought to do something different.

"It’s both a privilege and a responsibility.

"A privilege to be a part of this prestigious festival of independent films.

“At the same time, it’s the responsibility of the filmmaker to his audience to give them something new, instead of the usual formula movies na talagang nakakapagod nang gawin.

"Ibang klase talaga ang experience na ito, of doing an indie film.

"At para sa akin, Cinemalaya is not a competition but more of a camaraderie.

"It’s an experience that is worthwhile and liberating!"

MAINSTREAM CAST. Tampok sa pangunahing mga papel ng apat na magkakaibigan sa Mga Mumunting Lihim sina Judy Ann Santos, Iza Calzado, Agot Isidro, at Janice de Belen.

Higit na identified sa so-called mainstream projects ang apat, kaya nagpapasalamat si Direk Joey na tinanggap ng mga aktres na ito ang alok na gumawa ng indie film entry niya.

"Initially, I had Judy Ann, Iza, Agot, and Eugene Domingo," revealed Joey.

"E, si Eugene, she’s busy naman with everythin, so she couldn’t do it—as much as she said that she’d love to do the film.

"Nung hindi pumuwede si Eugene, nag-isip ako, sino ba ang puwedeng pumalit sa isang Eugene Domingo?

"There were suggestions as to who might fit the role. But when finally I thought about this actress, ‘Ay, yun na!’

"Janice de Belen perfectly fits the role!

"I contacted her and told her about the project, walang dalawang salita sa kanya.

"You’d be surprised ’pag napanood n’yo siya. Ibang-iba si Janice de Belen sa Mga Mumunting Lihim!

"Talagang total change of personality, na hindi mo ine-expect— loudmouthed, nagmumura siya dito, masama ang bibig!

"With Juday, wala ring naging problema. Hindi nga siya nagtanong kung anong role niya at kung magkano ang talent fee.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Of course, Agot and Iza are also dear to me, kaya walang problema, basta okey ang schedule nila.

"It was a pleasure working with the four actresses for my first indie film.

"Sana makagawa pa ako ng maraming indie films," pag-asam ni Direk Joey.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN