Richard "Papa Chen" Yap moves up to leading-man status in Be Careful With My Heart

Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg">

Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg">

Richard Yap on getting a lead role just one year after joining showbiz: “I guess, yeah, it’s a bit surprising because for someone who just started acting last year, it’s a very big break, and it’s a very big responsibility that was given to me by ABS-CBN. So as much as possible, I’d like to show them that I’m responsible enough to bring the show together and to give the audience ng isang magandang show.”


Hanggang ngayon pala ay hindi pa rin makapaniwala sa tinatamasa niyang kasikatan si Richard Yap—o mas nakilala bilang si Papa Chen dahil sa successful stint niya sa Kim Chiu-starrer na My Binondo Girl.

“Di ko naman kasi naisip na magiging big hit yung character ko sa My Binondo Girl. Parang hindi ko inasahan at hindi ko naihanda yung sarili ko.

“Pero ine-enjoy ko naman yung sinasabi nilang kasikatan. Kaya nga I’m very thankful sa ABS-CBN sa pagbibigay sa akin ng break sa My Binondo Girl.

“’Tapos nasundan ng Walang Hanggan at ngayon ‘etong Be Careful With My Heart,” sabi ni Richard.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Richard sa grand presscon ng Be Careful With My Heart kagabi, July 3, sa Dolphy Theater sa loob ng ABS-CBN compound.

Pero ramdam na ba niyang sikat siya?

“Medyo… konti, kasi hindi ka na makapunta kung saan-saan by yourself… hindi naman by yourself na hindi ka mapapansin.”

Ano ang reaksyon niya na kahit saan siya pumunta ay “Papa Chen” ang tawag sa kanya?

“Minsan naiilang pa rin ako because medyo ano nga… bago tayo dito.

“So, as much as possible, I try to act as inconspicuous as possible, not to draw attention to myself.

“Pero ’pag nandun na, ina-acknowledge ko lang sila,” sabi ng commercial model turned actor.

Ano ang mga nagbago sa kanya dahil sa pagsikat niya?

“On my own, hindi naman ako nagbago as in nag-drastic na ano [pagbabago].

“Like I said, ginagawa ko pa rin kung ano yung ginagawa ko before, pero hindi na nga lang kasing dalas.”

Sa labas ng showbiz, manager si Richard ng isang furniture company na nagseserbisyo sa iba’t ibang multi-national companies. Mayroon din siyang sariling business na itinataguyod.

Nakatulong ba sa business niya ang pagiging artista niya?

“Yes, of course, there’s a premium that people want to meet you and they want to take pictures with you.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Those who don’t want to see you before, they want to see you now.

“Those who weren’t your relatives before, they want to be your relatives now,” biro niya.

FIRST LEAD ROLE. Dahil sa biglang pagsikat ni Richard sa loob lamang ng wala pang isang taon sa showbiz, kaagad din siyang nabigyan ng pagbibidahan niyang teleserye along with Jodi Sta. Maria—ang Be Careful With My Heart, na mapapanood na sa ABS-CBN Prime-tanghali bago ang It’s Showtime simula sa Lunes, July 9.

Ano ang pakiramdam na bida na siya agad sa isang teleserye?

“I’m really very thankful sa ABS-CBN because they took a chance with someone like me who’s relatively unknown and paired me with so many such good actresses, like Ms. Jodi Sta. Maria here.

“So, there’s a lot of pressure also because of this being my first time to be in the lead role.

“So, we’re hoping that we can give you a very good show.”

Nasorpresa ba siya na ginawa agad siyang bida?

Sabi ni Richard. “I guess, yeah, it’s a bit surprising because for someone who just started acting last year, it’s a very big break, and it’s a very big responsibility that was given to me by ABS-CBN.

“So as much as possible, I’d like to show them that I’m responsible enough to bring the show together and to give the audience ng isang magandang show.”

Ano ba ang role niya sa Be Careful With My Heart?

“Ako si Richard Lim. Widower ako dito na nahihirapang palakihin ang mga anak dahil busy din sa negosyo kaya kakailangang ko ng tulong.

“Doon papasok si Jodi na magiging nanny ng mga anak ko.”

ADMIRING AND SUPPORTING JODI. Kumusta naman katrabaho si Jodi? Ano ang ina-admire niya sa kanyang leading lady?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“For the short time that I’ve been with her, I’ve seen that she’s a very intelligent and strong woman.

“We have a lot of things in common kaya nagkakaintindihan kami.

“She’s a very fine actress. I admire her a lot for all the things that she have accomplished as an actress and as a person.”

Hindi naman kaila sa lahat ang mga isyung pinagdadaanan ngayon ni Jodi tungkol sa kanyang pamilya; gayundin sa pagkakaugnay ng dati nitong asawang si Pampi Lacson kay Iwa Moto, na may isyu na kay Jodi noon pa.

Paano niya sinusuportahan si Jodi?

“Well, as much as possible I’d rather shield her from all the negative things that are being said about her.”

Pero napag-uusapan ba nila ni Jodi ito?

“Hindi naman kami masyadong nag-uusap about those things because that’s her private life, di ba? And we respect that.”

SUPPORTIVE FAMILY. Natutuwa naman si Richard dahil buo ang suporta ng kanyang asawang si Melody at dalawa nilang anak sa kanyang showbiz career.

“Sa family ko, they’re all very supportive. Sometimes they make fun of me lalo na ‘pag nasa labas kami,” sabi niya.

Ano ang reaksiyon ng pamilya niya sa tuwing kasama niya ang mga ito ‘tapos ay may biglang magpapa-picture na fans o admirers niya?

“Okay naman sa kanila. As I said before, nagpaalam ako sa kanila, so alam naman nila what showbiz entails.

“Napag-usapan na namin lahat yun. So, I don’t think magkakaroon pa ng problema kasi naiintindihan nila kung ano ang showbiz.”

INTRIGUES. Unti-unti ay nakakapag-adjust na si Richard sa buhay sa showbiz, gayundin sa mga intriga na aniya ay wala pa namang malaking kontrobersiya na dumarating.

Pero naihanda niya ba ang pamilya niya sa pagdating ng mga intriga?

“Hopefully naman wala. Pero as much as possible, I tell them that showbiz also sometimes meron talagang people that you know gagawa ng stories or whatever.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, we have to be ready for everything.”

Isa na nga sa posibleng isyu lumabas ay ang pagli-link sa kanila ni Jodi. Nasabi na ba niya ito sa asawa niya?

“Okay lang naman sa kanya yun. When we started with the project, alam naman niya what it entails. So, alam niya yun.”

So, confident siya na hindi pagseselosan ng asawa niya si Jodi?

“Oo naman. Malaki naman ang tiwala sa akin ng asawa ko. Alam naman niyang trabaho lang lahat.

“And I wouldn’t give her any reasons to get jealous.”

Nagkakilala na ba ang asawa niya at si Jodi?

“Oo, yeah.”

Hindi kaya nila pag-awayang mag-asawa kung magkaroon siya ng kissing scene with Jodi?

“Hindi naman.”

Hindi ba nagse-set ng limitations ang asawa niya pagdating sa pagtanggap ng projects at gagawing eksena, lalo na pagdating sa kissing scenes?

“Wala naman. Kasi nagkaroon na ako ng kissing scenes sa My Binondo Girl with Ms. Ai-Ai [delas Alas] and Ms. Cherrie Pie [Picache].

“Wala namang problema. Alam naman niya na I’m professional enough na if the story calls for it, wala namang problema.”

Bukod sa mga nakatrabaho na niya, sino pa sa mga artistang babae ang gusto niyang makatrabaho sa mga Kapamilya actresses?

“Wala naman akong pinipili. Ang dami kasing magagaling na artista sa Pilipinas.

“So, whoever ABS-CBN finds na puwede kong maging katambal talaga, walang problema sa akin.

“Kasi sa pag-umpisa ko pa lang, ang gagaling na ng nakatrabaho ko, so parang wala na yata akong hahanapin pa.

“Si Ms. Ai, si Cherrie Pie, si Kim Chiu, si Ms. Dawn Zulueta [sa Walang Hanggan], and now si Jodi. So, kahit sino puwede.”

Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg">


Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg"> Be Careful With My Heart" data-url="https://www.pep.ph/news/34725/richard-papa-chen-yap-moves-up-to-leading-man-status-in-be-careful-with-my-heart" data-desc="Richard says he will not give his wife any reasons to be jealous." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/66d2d8d17.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN