Cristina Gonzales-Romualdez on making a showbiz comeback: "Maybe soon..."

Cristina Gonzales- Romualdez on planning political career with her husband, Mayor Alfred Romualdez: “Siyempre it goes hand in hand in planning your life together, our family, and everything.”


Tatakbo sa pagka-konsehal, sa ikatlong pagkakataon, ang dating aktres na si Cristina Gonzales sa Tacloban City.

Ito’y kinumpirma niya sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) nang eksklusibo namin siyang makapanayam noong Hunyo 29 sa kanyang opisina sa Tacloban Municipal Hall.

“I think marami din naman akong nagagawa, hindi lang sa pagka-konsehal kundi pati sa pagiging asawa ng mayor," sabi ni Cristina.

Ang asawa ni Cristina ay ang kasalukuyang mayor ng Tacloban City na si Alfred Romualdez.

Patuloy niya, “We have projects about women, livelihood for the women... katulad nga ng women’s shelter nga na we set up a couple of years back, and other things na tungkol sa pagki-clean up ng city.

“So, I think I have enough on my hands right now being a councilor, and at the same time, I can still focus on my family.”

Suportado naman daw ng kanyang asawa na si Mayor Alfred ang desisyon niyang ito.

“Actually wala namang ano, we’re doing well nga bilang mayor siya at councilor ako...

"Parang napagdesisyunan namin to run for the same position [next elections].

“Uhm, kasi so far so good naman, and nando’n ako sa legislation, and nando’n naman siya sa executive.

“So, it’s quite complementary kapag gano’n ang ginagawa.”

A LOT TO LEARN. Kung mayroon man daw isang taong nakatutuwang ni Cristina sa pagdedesisyon, iyon ay walang iba kundi ang kanyang asawa.

Bukod kasi sa political background ng pamilya ni Alfred, mahalaga ang opinyon ng kanyang kabiyak pagdating sa kanyang mga desisyon.

“Definitely I plan with my husband ‘yong mga my political moves namin,” sabi ni Cristina.

“Siyempre it goes hand in hand in planning your life together, our family and everything.

“Actually, marami rin akong natututunan sa husband ko, e, kasi very… kasi marami siyang alam.

“Siguro, being the nephew of Imelda Romualdez-Marcos, he travels with her, he also have the chance to be with them a lot.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“So, from that, marami siyang nalalaman... background about politics also.”

Dalawang taon na sa pulitika si Cristina; nasa pulitika rin ang kanyang asawa. Kaya naman kung tutuusin, maaari na siyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Gayunman, pinili ni Cristina na subukan muling manalo sa pagka-konsehal sa ikatlong pagkakataon. Sa tingin kasi niya’y marami pa siyang kailangang malaman sa pulitika.

“‘Yong small details like implementation ng things na hindi ko pa nagagawa,” panimula niya.

“Actually, nagagawa naman ng husband ko, like infrastructures and things like that.

“Kasi naka-focus ako more on women, women’s projects, women and children, health...

"Kasi ang committee ko nga sa Sanggunian is committee on health, tourism and finance. So, naka-focus ako do’n

"And siguro later on, I should learn ‘yong implementation of other bigger projects, which is probably my husband will teach me also and give me some tips na rin.”

STUDIES FIRST. Siyempre, hindi lamang ang lalawigan ng Tacloban ang inaalagaan ni Cristina, kundi maging ang apat na anak nila ni Mayor Alfred.

Ang stepsons niyang sina Franco at Raymond; at ang dalawang anak na babae nila na sina Sophia, 13, at Dianna, 9.

“Grown-ups” na raw sina Franco at Raymond, kaya naman ang tinututukan na lamang ni Cristina ay sina Sophia at Dianna—na nag-aaral sa isang British school sa Tacloban.

Wala pa naman daw nagpapakita sa kanila ng potensiyal mapa-politika man o showbiz. Gayunman, nahihilig daw ang dalawang babae sa musika.

“Uhm, right now, si Sophia plays the guitar. Musically-inclined, as I can see. Sa acting, hindi ko pa nakikita.

“Si Dianna naman plays the piano. She loves to play the piano, she’s learning, but she loves to make her own music and Sophia nga guitar.

“So, they love music. Sophia like K-pop, uso yata ngayon ‘yon, e, hindi ko naman alam kung ano ‘yong K-pop na ‘yan, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero kung siya ang tatanungin, hindi niya babawalan ang kanyang mga anak na pumasok sa showbiz man o pulitika, basta’t nakatapos na sila ng pag-aaral.

Ani Cristina, “Actually, I wouldn’t mind if they want to enter politics or showbiz, as long as they finish their school muna.

“Kasi alam mo naman ang showbiz or politics, parang hindi naman ‘yan guarantee na... it’s not like a permanent career, you’ll never know.

“So, mas maganda kung makatapos muna sila ng school.”

MAYBE SOON. Kung ang showbiz comeback naman niya ang pag-uusapan, nakangiting tugon ni Cristina, “Maybe soon, di ba?

"We’re planning some things like maybe an indie film for Tacloban.

“So, we’re still in the panning stage.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN