Nikki Gil: "I learned to love acting in Mundo Man Ay Magunaw."

Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg">

Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg">

Nikki Gil on acting tips from her co-stars: "Para akong na-tutor, para akong nag-aral sa isang university in terms of acting, dahil sa mga natutunan ko sa kanila, and talagang bilang baguhan nga ako dito sa role na ito.”


Halos two weeks na lang ang itatagal ng afternoon soap na Mundo Man Ay Magunaw, kaya naman nagpa-presscon ang ABS-CBN para rito noong Lunes, July 2, sa 14th floor ng ELJ Building, sa Quezon City.

Present sa presscon ang cast ng show na sina Empress, Nikki Gil, Ejay Falcon, Tessie Tomas, Eula Valdes, Sylvia Sanchez, Jayson Gainza, at Emilio Garcia.

Iisa lamang ang hiling ng cast ng Mundo Man ay Magunaw, na umere ng anim na buwan sa Kapamilya channel. Ito ay ang pag-e-extend ng show, na napamahal na raw sa kanila.

Nakausap ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Nikki matapos ang presscon.

Isang kontrabida ang ginagampanan ng actress-TV host sa show.

Paliwanag ni Nikki, minahal na niya at ng cast ang Mundo Man Ay Magunaw dahil napakagaan nitong gawin.

“Hindi siya trabaho,” sabi niya.

“Ngayon ko lang naramdaman yung pack-up ka na, pero ayaw mo pang umuwi. Tapos na yung show, pero ayaw mo pang matapos.

"Usually, di ba, ’pag tapos na yung show, ’Uhm, bakasyon na ’ko.’ Ito, parang, ’Wala ba talagang Book 2? Promise? Wala talaga?’

"Kasi nga, sobrang sarap gawin.

"Wala akong naramdamang intimidation from other artists. Walang nag-power trip na staff.

"Isa lang talaga siyang masayang pamilya, na nagkataon magandang kuwento ang naibigay sa amin.”

LEARNING TO LOVE ACTING. Dagdag pa ni Nikki, dito niya natutunang mahalin ang pag-arte. Dati raw kasi ay trabaho lang ito para sa kanya.

“Dati, trabaho siya. Dati iginagapang ko siya, dahil let’s face it, ang pag-aartista, ang pagte-teleserye, hindi po ganun kadali dahil yung hours, you’re working for more than 24 hours.

“Minsan 90 percent of the day, umiiyak ka, galit ka. Mabigat yung emosyon, maraming hintay.

"So, hindi po siya ganun kadali. Nagiging trabaho siya.

“But if you’re doing it with people who you enjoy hanging out with, walang nagpapabigat ng set, walang... yung kailangan tapusin na natin ito, kasi kailangang unahin si ganito sa ganitong eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Wala pong ganun, kaya na-realize ko na, mahal ko na pala.”

CHALLENGING ROLE. Isa pa sa mga dahilan nito ay ang pag-cast kay Nikki bilang kontrabida. Na-challenge daw siya sa role, kaya’t na-inspire siyang mag-aral pang umarte.

Saad niya, “Andami ko pong effort na in-invest sa role na ito, and sa akting in general. Nagpaturo po ako sa kanila.

"Minsan ’pag wala po akong ginagawa, wino-workshop po ako ni Tita Tess [Tessie Tomas].

"Si Ms. Eula [Valdes] ang daming tips na ibinigay sa akin, dahil sila, napakanatural na aktres.

“Si Tita Sylvia [Sanchez], pinapahiram ako ng mga DVD, ’Panoorin mo itong eksenang ito, panoorin mo um-acting si ganito.’

"Para akong na-tutor, para akong nag-aral sa isang university in terms of acting, dahil sa mga natutunan ko sa kanila, and talagang bilang baguhan nga ako dito sa role na ito.”

At kung papipiliin siya ay hindi niya iiwasan ang anumang kontrabida roles na darating.

“Ako, I don’t mind na ma-typecast talaga. I don’t mind dahil nae-enjoy ko siya,” sabi ni Nikki.


BILLY CRAWFORD. Isa pa sa mga masayang naikuwento ni Nikki sa PEP ay ang pagbabalik ng kanyang boyfriend na sa Billy Crawford sa bansa.

Noong April 30 kasi ay pumunta si Billy sa Europe para ituloy ang international career niya doon.

Pahayag ni Nikki, “I’m glad that he’s back, safe, payat, ready to work. Pero ang alam ko, babalik ulit siya ng October.”

Ikinuwento niya rin ang mga ipinasalubong sa kanya ng boyfriend.

Ani Nikki, “Ang cute cute nga. Siyempre may mga bilin ako na pabango na sa France lang nabibili, mga make-up.

"Bukod sa mga bilin ko, ang cute niya, nag-shopping siya for me ng mga tops.

"Sabi niya, ’Pagbigyan mo na ang tastes ko ha, hindi ako marunong mag-shopping sa babae.’

"Pero nag-effort si kuya. Ang cute-cute naman.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Ngayong bumalik na si Billy, may plano ba silang magbakasyon para magkasarilinan?

Sagot ni Nikki, “Ay hindi, kasi siyempre back to work na siya, and nire-reserve din naman yung moment na yun.

"And ako din, gusto ko naman i-enjoy yung few days ko na bakante ako, sa bahay lang ako, ganyan.

"Na-miss ko rin naman yun dahil tuloy-tuloy ang Mundo Man Ay Magunaw magmula December.”

Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg">


Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg"> Mundo Man Ay Magunaw."" data-url="https://www.pep.ph/news/34729/nikki-gil-i-learned-to-love-acting-in-mundo-man-ay-magunaw" data-desc="Nikki is happy that boyfriend Billy Crawford is back in the country." data-image="https://contents.pep.ph/images2/news/7863c3439.jpg">

WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN