Amalia Fuentes stabbed with an umbrella by her tenant

Amalia Fuentes and son Jeric obtained minor wounds after being physically hurt by their tenant and his wife.


Nauwi sa physical injuries ang maayos na pakikipag-usap sana ng dating movie queen na si Amalia Fuentes at anak niyang si Jeric sa nangungupahan sa kanila.

Ayon sa ulat ng TV5 News kagabi, July 4, sinaksak diumano ng payong sa likod ang dating aktres ng asawa ng tenant. Samantalang mga galos naman ang tinamo ng kanyang anak sa engkwentrong naganap kahapon sa 4th Street, New Manila, Quezon City.

Ayon pa sa report, ipapaalam lang daw sana ng mag-ina na tumalbog ang tsekeng ibinayad sa kanila ng nasabing nangungupahan ngunit bigla raw itong nanakit.

Agad na isinugod sina Amalia at Jeric sa St. Luke’s Hospital sa Quezon City, kung saan naka-confine sila ngayon para sa ilang lab tests.

Nakatakas naman daw ang mag-aswang nanakit sa mag-ina.

Sa kasalukuyan ay sinusubukan pa ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) na kunan ang pahayag ni Amalia para sa karagdagang detalye.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN