Christian Bautista explains why ex-girlfriend Rachelle Ann Go is part of his 10th anniversary special

Christian Bautista on his relationship with Carla Dunareanu: “Good, going strong naman; steady, pero progressing. Ayoko lang isipin ang fear, gusto ko dapat laging positive. Ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo in a relationship para mag-work siya. Ayokong isipin yung doubt and fears kasi kakainin ka niyan, pati yung relationship ninyo.”


Isa si Christian Bautista sa local singers na sinusuportahan ng publiko, lalo na kapag may album siyang inilalabas.

Last Sunday nga, July 1, sa ASAP 2012, ay pinarangalan ang album niyang First Class: Outbound Expanded Edition ng Platinum award dahil umabot na sa 20,000 copies ang nabebenta nito.

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Christian sa studio ng ASAP 2012, sinabi niyang “vindication” sa parte niya na tinatangkilik pa rin ng publiko ang mga albums niya sa kabila ng maraming nagsusulputang baguhang singers.

“It really helps. It’s like a vindication na somehow people still follow us, support us, no matter how many good people come out now.

“May mga bago but, in a way, may mga following na hindi kami iniwan.

“Nakakagulat at nagpapasalamat ako sa mga fans na hindi ako iniwan for ten years kahit anong nangyari. So far, so good.

“I always just wanna do my best. It’s not enough you record good songs.

“It’s also your hard work na ilalagay mo ‘pag nag-market ka, nag-presscon ka, nag-mall show ka ng bente or isang daan—ikaw rin ang magbebenta nito.”

Aminado si Christian ka kahit paano ay nati-threaten pa rin siya kapag may bagong singers o banda na dumarating.

“Siguro na-experience ko na ‘yan in these ten years na laging mayroong bago na mainit—banda man ‘yan, artista, or singer from a singing contest.

“Ang importanteng gagawin mo is how do you find ways na yung mga fans mo na nakuha mo, nagmamahal sa iyo, na hindi ka iiwan…

“Or paano ka rin magiging interesting enough para sa ibang fans o sa ibang tao na magkaroon ng interes sa iyo.”

ANNIVERSARY SPECIAL. Sa July 8 ay mapapanood sa Sunday’s Best ng ABS-CBN ang 10th anniversary special ni Christian na pinamagatang The Way You Looked At Me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Marami lang ang nagtataka kung bakit kasama sa special guests ng singer ang ex-girlfriend nito na si Rachelle Ann Go.

Paliwanag ni Christian, “She’s always been a big part of my career and up to now, we’re still still friends.

“We still help each other so I’m very happy na umokey ang GMA, umokey ang Viva, at ang ABS para magkaroon kami ng little moment for the fans na gustong makita kami ulit.”

Masaya ring ibinalita ni Christian sa PEP na magkakaroon siya ng major concert sa October for his 10th anniversary in the business.

“Major concert in Meralco Theater this coming October 6, 7, 12, 13, and 14. Five nights siya for my 10th year anniversary called X Class.”

Nagpahayag din ang singer-actor ng kasiyahan sa pagiging bahagi niya ng ABS-CBN primetime series na Princess And I.

“Well, hindi pa naman nila ako masyadong nakikita, so sila yun.

“Pero I’m just glad na nakasama ako dito sa Princess And I.

“I think magkakaroon pa ako ng maraming eksena later on and I’m just glad to be part of this show.

“Nakapag-adjust na ako. Na-ready ko na ang sarili ko for long taping hours.”

GOING STRONG. Nang kumustahin naman ang relasyon nila ng girlfriend niyang si Carla Dunareanu, sinabi ni Christian na “going strong” naman sila.

“Good, going strong naman; steady, pero progressing.

“Ayoko lang isipin ang fear, gusto ko dapat laging positive.

“Ginagawa mo ang lahat ng makakaya mo in a relationship para mag-work siya.

“Ayokong isipin yung doubt and fears kasi kakainin ka niyan, pati yung relationship ninyo,” saad niya.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN