Gabby Eigenmann clarifies answer to the question about his most beautiful body part: "[If] you’re part of the Eigenmann clan, you have the biggest package!"

Gabby Eigenmann on landing in YES! 2012 100 Most Beautiful Stars: “Wow! These are good actors and actresses. Ang dami, so natutuwa naman ako.”


First time na makasama ni Gabby Eigenmann bilang solo artist sa listahan ng YES! 2012 100 Most Beautiful Stars.

Present si Gabby sa ginanap na press launching ng naturang special issue ng yes! sa Richmonde Hotel sa Eastwood, Libis, Quezon City, noong Lunes, July 2.

Ayon sa aktor, “Well, I think, it’s my second time to be featured here and first time na solo.

“Nasa Solid Support category, although actually, kahit anong category naman na ilagay, okay lang. Basta ma-consider na isa sa 100 Most Beautiful Stars.”

Nagulat ba siya nang malaman niya ito?

“Actually oo. When I was asked to do the photo shoot, nagulat ako. I was surprised.

"But then again, na-realize ko na parang, I guess, I’m doing something right in the industry, probably, para mapansin, para mapili ako to be part of it.

“I guess, I was probably doing the right thing.

"Sabi ko nga, hindi ko naman hinangad na maging superstar.

“I was just probably doing the right thing, doing my thing.

"I guess, yung pagkapanalo ko siguro sa Golden Screen Awards [as Best Supporting Actor in A Drama Series] ay malaking bagay.”


FRUITFUL YEAR. Hindi maitatanggi ni Gabby na ang 2011 at hanggang sa taong ito na 2012 ang isa sa magandang taon niya sa showbiz.

“Yes, very memorable yun sa akin," nakangiti niyang sabi.

"Aside from doing Munting Heredera for almost a year, ’tapos nanalo pa.

’“Tapos bago pa matapos ang Heredera, nabigyan na ako ulit ng kasunod na project—which is yung Broken Vow...

"Na they made me taste of a lifestyle of being a leading man for a while, pero okay lang.”

Ano ang pumasok sa isipan ni Gabby nang malaman niyang nakapasok siya sa kategoryang "Solid Support"?

“Well, noong una, flattering kasi they considered me na maliban sa support lang, solid.

“Noong ina-analyze ko, honestly, para hindi magkaroon ng isyu bawat isa kasi, di ba, ang daming nagtatanong kanina, ‘Bakit hindi kasama si ganito, bakit may ganitong category?’

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Sa akin, maaaring kuntento ako sa category na ’Solid Support,’ pero kung tatanungin ako, ’Kailangan bang may category?’

“Kahit wala, okay lang. Just being part of 100 Most Beautiful Stars.”

Sabi pa ni Gabby, “Actually, when I opened the magazine and I saw the people who landed in the category of solid support, natutuwa ako.

“Wow! These are good actors and actresses.’ Ang dami, so natutuwa naman ako.”


MOST BEAUTIFUL BODY PART. Natawa si Gabby nang maungkat muli ang naging sagot niya na “biggest package” na kinukunsidera niyang pinakamagandang body part niya.

“Puwede ko bang ibahin na lang ang sagot?” natatawang iwas niya.

“Well, ‘eto ha? Bigyan ko kayo ng background...

"Kasi nga, we were all sitting there. Most of us are sitting there on stage. Halos mga treinta yata kami.

"Ang haba-haba ng mga proseso. Siyempre, kanya-kanya. Hindi naman kami matatanong isa-isa.

“And probably, to give the venue a little lighter, noong tinanong nga kami isa-isa, I answered na, sabi ko nga, my body was never beautiful naman in the first place.

“Hindi naman talaga yun ang pinakita ko sa industriya. Hindi naman yun ang selling point ko, e.

“So, nag-try akong magpatawa. At the same time, hindi ko naman in confidence na sinabi na because it’s true.

“Sinabi ko lang, ‘Ang sabi nila, once you’re an Eigenmann and you’re part of the Eigenmann clan, you have the biggest package.’

"Pero sabi ko, ‘Hindi ko naman alam sa kanila kasi hindi ko naman nakikita. Yung sa akin, oo.’

"Pero hindi ko sinasabi na yun ang package na tinutukoy ko. Bahala na kayo. Yun ang sa akin," paliwanag niya.

So, physically, ano nga ang masasabi niyang maganda sa kanya?

“Siguro yung puwet ko. Malaki ang puwet ko.

"Actually, most of the Eigenmann, malalaki ang puwet namin, e!” natatawa niyang sabi.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW


MORE PROJECTS? May biro rin si Gabby na ngayong nakasama siya sa YES! 100 Most Beautiful Stars, baka mabigyan na siya ulit ng trabaho.

Bakit niya nasabi yun?

“Hindi. Kaya ko nasabi yun, actually, happy rin ako sa GMA with what they are doing nga. They are letting me to take time and rest.

“At sabi ko nga, I start training also para naman hindi nakakahiya kung anuman ang susunod na proyektong ibibigay nila sa akin.

“At least, I would probably say that I’m physically ready.”

PHYSICAL PREPARATIONS. Si Gabby ay nagmu-Muay Thai at nagba-boxing ngayon.

“First time in many years that I tried to lift weights again. Kasi, kapag nagli-lift ako, lumalaki ako, parang hulk.

“Nagto-tone down ako.

"Pero sabi ko nga, there are days na kaya ng katawan mo. Gusto ng utak mo, pero ayaw ng katawan mo.

“Pero dumarating din sa time na once you’re given a project and you’re given a chance to prepare for it, you’re mostly inspired to do things. To reinvent yourself.

"At this point in time, when they told me to wait for the next project… hindi naman pabandying-bandying ako, pero hindi ako ganoon ka-inspired—which is wrong.

“Pero sabi nga ni Perry [Lansigan, his manager], hindi ko naman nakakalimutan ang advise ni Perry na once you have time, take the chance to reinvent para sa susunod na project.

“E, ako, palagi kong kinokontra na I’m more inspired kapag sunud-sunod.

“’Tulad na lang noong ginagawa ko ang Munting Heredera, sinabi nila, ‘O, kailangan mong magpapayat para sa Broken Vow.’

Naano [nagulat] ako, so wow, the last two, three weeks ng taping ng Heredera, hindi talaga ako kumakain.

“Kaya yung pictorial ng Broken Vow, nagulat naman sila.”

Pero may sinasabi na rin daw sa kanyang susunod niyang gagawin. Hindi pa lang daw formal na sinasabi ng manager niya kung ano ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Well, sabi naman ni Ma’am Lilybeth [Rasonable], ‘Relax.’ She will never forget me.

“Noong sinabi niyang she will never forget me, doon ako naano na, I guess, maybe I’ve proven something or I still have to prove something more.

“Pero siguro naibigay ko naman kung ano ang hinihingi nila sa akin dati.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN