Amalia Fuentes to file complaint against her tenants; tenants deny Amalia’s allegations

Amalia Fuentes will file complaint against her tenants, couple Peter and Rosemarie Tan-Licup, after allegedly stabbing her and hurting her son Jeric Stevens, yesterday, July 4, in a rented apartment at 4th Street, New Manila, Quezon City.


Hindi naging maganda ang pag-uusap ni Amalia Fuentes at ng kanyang tenants na sina Peter Tan Licup at Rosemarie Licup sa isang apartment sa 4th Street, New Manila, Quezon City, kahapon, Hulyo 4, bandang alas-singko.

Ayon sa report ni Ginger Conejero sa TV Patrol 25 ngayong gabi, Hulyo 5, sinabi ni Amalia na tila “nanunuya” si Rosemarie nang makita siya nito.

Kuwento ng dating movie queen, “Pagdating ba naman no’ng Rosemarie Licup, for no reason, I’m just there in the car, she started clapping.

“Para bang nanunuya, and then she called me pa ’magnanakaw.’

"I said, ‘Ikaw ang magnanakaw. Ninanakaw mo ‘yong electric ano... power.’

“I felt a sharp object going through that [my back]. Hindi ko alam kung hinataw, kasi nga at the back.”

Diumano, sinaksak ng payong sa likuran ang dating aktres.

Hinala pa ni Amalia, “I know there must be something going on na hindi ko lang matukoy kung ano.”

Nagtamo raw ng 3 mm. stab wounds ang aktres, namamaga ang kanang bahagi ng mukha, at may pasa rin siya sa kamay.

THE DRIVER. Samantala, hindi lamang daw si Amalia ang nasaktan sa pangyayari, dahil nadamay rin daw ang kanyang anak na si Jeric Stevens.

Ayon kay Jeric, tinutukan at halos mabaril siya ng driver ng pamilya Licup, na nagngangalang Dindo.

Pagsasalaysay ni Jeric, “Naramdaman ko ‘yong magazines ng baril at ‘yong baril.

“And then, the gun like flew or slipped, ‘yong driver nila na Dindo—we don’t know his last name niya—but we’ll find out, picked up the gun, cocked it and pulled the trigger.

“Buti na lang hindi siya marunong bumaril, he cocked it with the safety gun, hind talaga ‘yon puputok.”

Nag-ugat daw ang insidenteng ito nang dalhin ni Amalia sa mag-asawang Licup ang kopya ng tumalbog na tseke na inisyu nila na nagkakahalaga ng P25,000.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Pero sa kabuuan, umabot na raw sa P405,000 ang pagkakautang ng mag-asawang Tan kay Amalia.

NOT TRUE? Sa hiwalay na panayam naman sa telepono kay Rosemarie, sinabi niyang hindi niya magagawa ang mga alegasyon ni Amalia.

Mensahe pa niya kay Amalia: “Sana, magkaroon siya ng mas magandang buhay, magkaroon siya ng mga kaibigan na magpapasaya sa kanya.

“Kasi sa tingin ko, ang kulang sa kanya ay love.”

Depensa naman ng isang kasamahan sa bahay ng pamilya Licup, si Dexter Colegado, walang utang at wala ring ilegal na gawain ang kanyang mga amo.

Kuwento ni Dexter sa ABS-CBN News, “Nagpunta si Amalia ‘tsaka ‘yong anak niya. ‘Tapos nagmumura siya dito, si Amalia po, hinampas niya po ‘yong Sir namin.

“Bayad po kami dito. ’Yan nga pong tubig na ‘yan, limang bahay po pala ang nakakabit diyan.

“Busy sila Ma’am, parang sa pang-aartista… events,” sabi ni Dexter kung ano ba ang trabaho ng kanyang mga amo.

Samantala, hinahanda na raw ni Amalia ang mga reklamong isasampa niya laban sa mag-asawang Tan, at isa rito ang frustrated murder.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN