PEP EXCLUSIVE (Part 2). Beth Tamayo is happy that nephew Dom Roque is now making a name for himself

Beth Tamayo on nephew Dom Roque: "I’m so proud of what he has accomplished. I’m smiling from ear to ear when I see in Twitter na marami na talaga siyang followers/fans. And in fairness, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, alam mo naman na pinalaking maayos at marespeto ang mga pamangkin ko."


Kahit wala sa bansa si Beth Tamayo ay nakagawa pa rin siya ng pelikula.

Naging bahagi siya ng A Mother’s Story, starring Pokwang, na ipinalabas noong January 2012.

Paano siya napapayag na gawin iyon?

Kuwento ng aktres, “Yung A Mother’s Story, I said yes unang-una kasi si Direk John-D [Lazatin] ang gagawa. He’s a good friend of mine.

“He was my director sa Sarah the Teen Princess and we’ve been friends since then. Kasama pa nga siya sa wedding entourage ko, e.

“Second, kasi sa U.S. ang shoot, so I don’t need to go home. At that time, takot kasi akong umuwi, e.

"So since sa SanFo [San Francisco, California] naman ang shoot and ilang days lang din naman, I said yes right away.

“And isa pa, maganda and markado naman yung role.”

DOM ROQUE. Speaking of career, ano ang reaksiyon ni Beth na papasikat na artista na ngayon ang pamangkin niyang si Dom Roque, na napapanood sa Aryana ng ABS-CBN?

Si Dom ay anak ng kapatid na lalaki ni Beth.

Aniya, “You know, si Hoodie [Judy Ann Santos, Beth’s bestfriend] ang unang nagbalita sa akin thru BBM.

"She said na nakuha daw si Doms to be one of the leading men ng bida sa isang teleserye. Siyempre natuwa naman ako.

"When she told me how it all started... na sumama lang si Doms sa meeting niya with sila Sir Deo [Endrinal] and Biboy [Arboleda], then the next day, they wanted to have a meeting with Doms regarding the project.

“Then, workshop the next day. Sa third day, aba’y nag-taping na siya agad! Ganun kabilis ang mga pangyayari.

"Though mas lalo akong na-touch dun sa gesture as always ni Hoodie na she always keeps me in the loop with what’s happening—not just with her but to everybody and everything na alam niyang may meaning sa buhay ko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“I’m so thankful kay Hoodie kase she has always been there for my pamangkins even before na umalis ako.

"Actually nung umalis ako, siya na talaga yung pumalit sa position ko as a tita sa mga bata.

“Dun ako overwhelmed and it always brings me to tears kasi isang tunay na kaibigan lang naman talaga ang gagawa nung mga ginagawa niya para sa akin."

Dagdag ni Beth, “Going back to Doms, I’m so proud of what he has accomplished.

“I’m smiling from ear to ear when I see in Twitter na marami na talaga siyang followers/fans.

"And in fairness, hindi naman sa pagbubuhat ng bangko, alam mo naman na pinalaking maayos at marespeto ang mga pamangkin ko.

"When Dominic guested nga in Bandila, he sent me a BBM na panoorin ko daw. Siyempre hinanap ko naman agad sa Internet.

“When he was asked by Tito Boy Abunda kung sino ang three heroes sa buhay niya, he answered Mama niya, si Ate Judai niya, and ako.

"Ayun, umagos na ang luha ko while I was at work.

“I’m so happy for him. Parang nakikita ko din yung sarili ko sa kanya when I was still struggling as an actress before.

"I know masipag si Doms and he only wants the best for his family. Pareho naman kami ng objective, I guess, na family first.

“I really wish him well sa lahat ng endeavors niya. I hope he knows na kahit medyo malayo ako sa kanya, I support him ng sobra.”

MESSAGE FOR HOODIE. And speaking of Judy Ann, ano ang mensahe ni Beth sa best friend niya na sa kabila ng lahat ay hindi siya iniwanan?

“To my kabit Hoodie [Beth’s term of endearment to her best friend]… I love you with all my heart!

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"Words are not enough to say how grateful I am for having a best friend like you.

“Ikaw yung tao na masasabi kong hindi ako talaga iniwan sa ere sa pinakalugmok na moment sa buhay ko.

"I always pray nga na sana bigyan ako ni Lord ng chance na maibalik man lang sa ’yo kahit konti yung kindness at thoughtfulness na pinakita mo sa akin at sa pamilya ko all these years.”


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN