Allen Dizon says Migrante co-star Jodi Sta. Maria was easy to work with despite her personal issues


Noong Lunes, July 2, ay present ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa press screening ng indie film na Migrante sa opisina ng XITI Productions sa Quezon City.

Dumalo sa private screening ang direktor ng pelikula na si Joel Lamangan at ang lead actor nitong si Allen Dizon.

Nakausap ng PEP si Allen bago pa man magsimulang ipalabas ang pelikula.

Ang Migrante ay tungkol sa paghihirap ng mga OFWs sa pagtatrabaho sa ibang bansa. Umiikot ang kuwento sa isang mag-asawang nangibang-bansa para hanapin ang magandang kapalaran.

Si Jodi Sta. Maria ang gumanap na asawa ni Allen sa pelikula.

Marami raw natutunan si Allen sa pelikulang ito. Isa na rito ang sentimyentong mahirap palang malayo sa pamilya.

Saad niya, “Nakaka-relate ako kasi siyempre family man na ako, parang mahirap kasi na malayo ka sa pamilya mo.

"Ang magsa-sacrifice yung kayo both, e—siya o ikaw.

"Parang it’s a matter of choice. Kikita ka ng malaki pero hindi mo makikilala yung mga anak mo habang lumalaki,” pahayag ng aktor.

Dagdag ni Allen, naiintindihan niya ang mga OFW. Aniya, baka nga raw ito rin ang kanyang sasabakin kung wala siya sa showbiz.

“Feeling ko. Malamang nasa abroad ako.

"Kasi yun yung parang... yun yung naiisip ng mga Pilipino, e. Para kumita ng malaki-laki, abroad talaga.”

SHOOTING IN ISRAEL. Pagpapatuloy ni Allen, natuwa siya sa paggawa ng pelikula dahil nakarating siya sa Israel, at napuntahan niya ang mga lugar kung saan nabuhay si Jesus Christ.

Dahil dito ay na-appreciate niya ang kanilang location, kahit mahirap ang shooting.

Kuwento niya, “Pagdating namin doon, mga 2 a.m. in the morning. So ang ginawa namin, pahinga lang, check-in lang sa hotel, ’tapos 4 a.m. wake-up call, 5 a.m. breakfast, 6 a.m. pull-out na kami.

"Every day po ganun kami.”

Wala rin silang ganoong permit para mag-shooting, kaya panakaw-nakaw lang sila ng kuha sa mga eksena.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Ang sinasabi namin, docu-drama, kasi baka magkaroon ng malaking… ang hirap kumuha ng permits doon, e.

"Ang nangyayari, parang nakaw-nakaw lang kami, parang nagsu-shoot lang kami ng commercial. Maliit lang na camera ang dala namin,” saad niya.


JODI STA. MARIA. Nagustuhan din ni Allen na ang kapareha niya sa pelikula ay si Jodi Sta. Maria. Naging magaan daw ang shooting dahil dito.

Sabi ng award-winning actor, “Si Jodi, napaka-professional, napakabait, napaka-down-to-earth. Napakagaling na artista, napaka-consistent.

"Para kaming tropa lang. Kasi wala kaming magawa kundi kuwentuhan.

"Kahit ’pag nagkikita kami sa Maynila, itong dubbing, pictorial, ayos lang,” pagpupuri ni Allen sa nakatrabaho.

Tinanong ng PEP si Allen kung may mga naging problema sa shooting with Jodi, dahil noong panahon ng shooting ay napapabalitang hiwalay na ito sa kanyang asawa na si Pampi Lacson.

“So far, wala naman,” sagot nito.

“Medyo umiiwas lang siya sa mga interview, yung personal interview, umiiwas siya.

"Kahit naman nitong ginagawa namin itong film, may mga press sa story conference, o may mga press na nag-i-interview, sine-set aside niya yun talaga.”

Pero napag-uusapan naman nila ang mga personal na bagay?

“Pinag-uusapan namin parang, yung past niya… Siyempre, alam n’yo naman po yung mga celebrity, parang magkakapatid na rin kami.

"So, may family ako, may family siya. May asawa siya, before; ako may asawa ako.

"So parang kuwentuhan ng family. Siyempre sine-share niya kung ano yung mga naging problema niya,” saad ni Allen.


LOYAL TO HIS WIFE. Ikinuwento ni Allen kung paano ang relasyon niya sa kanyang asawa. Aniya, wala pa raw siya sa showbiz ay kasintahan na niya ito.

“1997 pa kami, e. Nagpakasal kami after eight years,” pahayag niya.

Ngayon ay may tatlo na silang anak. Tumutulong din ang asawa ni Allen sa pagma-manage ng kanilang negosyo sa Pampanga.

Sabi ni Allen, pinipili niyang maging loyal sa asawa dahil alam niya ang halaga ng pamilya.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

“Kumbaga, parang ang hirap kasi pagka broken family, di ba? Lalo na ako, namatay ang tatay ko, 12 years old pa lang ako.

"Siyempre, ayokong ma-experience ng mga bata. Siyempre mahal ko yung mga anak ko.

"Definitely, mas mahal ko yung mga anak ko kahit saan,” sabi niya.

Ipinaliwanag niya rin kung paano nagiging lalong solid ang relationship nilang mag-asawa.

“Nasa sa inyong dalawa rin po kasi, e. Siyempre, ako lalaki ako. Maraming tukso. Umiiwas naman ako.

"Nasa babae rin po kasi, kung hindi naman siya magtitiwala sa iyo, I don’t think magtatagal,” sabi ni Allen.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN