Martin del Rosario goes sexy in new series; excited more than nervous to do love scenes with Denise Laurel

Martin de Rosarion on what his leading lady Denise Laurel told him before doing their sexy scenes: “Siya pa nga ang nagsasabi, ’Mart, wala ito, kahit na ano ang mangyari, ha.’ Kasi siyempre may mga scenes na hulug-hulog, patung-patong. Yung mga ganun, Okay naman.”


Sa kauna-unahang pagkakataon ay sasabak sa sexy at mature role ang young actor na si Martin del Rosario sa Precious Hearts Romances: Pintada.

Sa isang panayam kay Denise Laurel, kapareha ni Martin sa Pintada, kakaiba raw sa aktres ang kanyang experience sa pagkakataong ito.

Dati raw kasi ay siya ang inaalalayan ng mga kapareha pagdating sa mga sexy scenes, ngayon siya ang aaalalay kay Martin dahil first time ng young actor sa mga seksing eksena.

(CLICK HERE to read related story.)

Nakapanayam ng PEP. ph (Philippine Entertainment Portal) si Martin sa launching ng 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine noong July 2, tungkol sa pagsabak niya sa mature role.

Sabi ng Star Magic talent, “Ako naman, tuwang-tuwa ako kasi ako ang lalaki dun, ‘tapos ang ka-partner ko sobrang hot, di ba?

“’Tapos siya pa yung maraming PHR [Precious Hearts Romances] na nagawa.

“Iba kasi, nag-taping na kami. Nagtutulungan talaga kami sa mga scenes namin. Nagbibigayan talaga kami.

“Awkward naman talaga na magpapa-sexy ka sa older sa iyo, pero ayun naman talaga, e.

“Kailangan na may awkwardness, e. Awkward naman talaga yung guy mas bata sa iyo, ‘tapos sabik na sabik.

“Natural din naman ang lumalabas sa akin na awkward, pero umaarte pa rin.”


EXCITED TO DO KISSING SCENES? Ayon kay Martin ay wala pa naman kissing or sexy scenes na kinukunan sa kanila ni Denise.

“Wala pa namang kissing scenes sa ngayon, pero excited more than kinakabahan.

“Siya pa nga ang nagsasabi, ’Mart, wala ito, kahit na ano ang mangyari, ha.’

“Kasi siyempre may mga scenes na hulug-hulog, patung-patong. Yung mga ganun, Okay naman.”


DENISE AND RAFAEL. Unang ipinareha si Denise kay Rafael Rosell na mainit na tinanggap ng publiko ang kanilang tambalan.

Kumusta naman ang pakikipagtambal ni Martin kay Denise?

“Iba naman ito. Ang theme naman nito, a student falls in love with a teacher.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

"So maiintindihan naman ng mga fans nila Rafael and Denise kung bakit ako ang pinili.

“Mas bata ako kay Denise, work lang, it’s a role. Maiintindihan nila yun.”

Sa kabila ng mga sexy scenes na gagawin nila ng aktres ay siniguro ni Martin na alam niyang hindi ito lalabas na bastos o masagwa.

“Provocative. Pero siyemre TV naman ito. Wala namang bastos na mangyayari, so abangan ninyo na lang.

“Nag-start na kami, naka-three taping days na kami sa July 15.

"Nakapag-shoot na nga ako, walang pants, pero ano naman... role ko dito estudyante, bata.

“Iba kasi ang pagkakagawa, ang ganda ng pagkakasulat niya.

"With the script, naiisip ko pagandahin pa with interpretative acting sa pag-portray ng character ko.”


BEAUTIFUL ACTOR! Kabilang si Martin sa pinarangalan sa nakaraang 100 Most Beautiful Stars ng YES! magazine para sa Filmfest Stars category, along with Paulo Avelino, Rocco Nacino, and Edgar Allan Guzman.

Aniya, “Second time ko na ito, last year nasama din ako.

"Actually nakakatuwa, nakaka-flatter kasi iba ang category ko ngayon.

“Kung before heartthrob, ngayon Filmfest Stars category.

“I’m overwhelmed. Sobrang nakakatuwa kasi pinili pa rin nila ako. Nakaka-inspire lang.”


HE VALUES EDUCATION. Sa kabila ng busy schedule ay tuluy-tuloy pa rin daw ang pag-aaral ni Martin sa University of the Philippines.

“Nag-i-school pa rin. Tuesday-Friday ang school ko.

"Pero ang majors ko Tuesday and Friday, kasi ang taping ko is Tuesday and Thursday so kaya naman.

“Kasi-shift ko lang, BroadCom na ako ngayon. Before Business Ad ako.

"Mas nag-enjoy ako kasi mas related sa work kasi more on sa production ang pinag-aaralan ko,” sabi ni Martin.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN