Amalia Fuentes threatens to launch "manhunt" against ex-tenants should they go into hiding

Former movie queen Amalia Fuenteswarns her former tenants, Peter and Rosemarie Licup, that she will launch a "nationwide manhunt" in case they try to go into hiding.


Nagbanta ang dating movie queen na si Amalia Fuentes na magsasagawa siya ng "nationwide manhunt" kapag nagtangka diumanong magtago ang kanyang dating tenants sa kanyang New Manila apartment.

Ilang araw pagkatapos ng pananakit diumano ng mag-asawang Peter at Rosemarie Licup kay Amalia, dahil sa hindi raw pagbabayad ng mga ito ng kanilang bayarin, handa raw ang dating aktres na ipahanap ang mga ito kapag nagtangka silang tumakas sa sinasabing pagkakautang nila.

Sabi ni Amalia sa panayam ng ABS-CBN sa kanya, "Stay ha. Huwag ka mawawala. Magkakaroon ng nationwide manhunt."

THE SCUFFLE. Pinabulaanan din ni Amalia ang sinabi ni Rosemarie na hindi niya sinasaksak ng payong ang dating aktres sa kumprontasyon nila noong Miyerkules ng hapon, July 4.

Sinabi kasi ni Rosemarie sa isang panayam na ginagamit lamang daw ni Amalia ang kanyang pagiging mahusay na aktres.

"No, of course not. Anong gagawin ko, after sasaksakin kita? Oh, God, no. I can’t do that. No, sorry, I can’t do that. For one thing, she’s a very good actress," sabi ni Rosemarie.

Naninindigan si Amalia na sinuntok siya ni Peter at sinaksak siya ng payong ni Rosemarie, habang ang anak naman niyang si Jeric Stevens ay tinutukan daw ng baril habang nagkakagulo.

Sabi nito kay Rosemarie: "Ang asawa mo ang sumuntok sa akin dito. It looks like he is really used to hitting women and you stabbed me with something very sharp behind my back.

"Traydor ka because you cannot fight me frontally. When I have my back turned, trying to mediate and separate yung asawa mo at anak ko, of course you have to hit me from the back.

"That’s the only way to hit me—through lies. But I will hit you with documents."

PAY THE RENT. Ang tinutukoy rito ni Amalia ay ang mga ebidensiya na may pagkakautang sa kanya ang mag-asawang Licup, na umaabot daw sa P400,000—kabilang na ang renta sa bahay at bayad sa tubig at kuryente.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW

Sabi ni Amalia, "Anong klaseng pamilya ka? You cannot pay the rent.

"Rent lang, napakababa na nga ng rent, e, you can not afford it. I have your returned cheques.

"Ang yabang-yabang mo, sinasabi mong magandang pamilya ka pero nakatira ka sa bahay ko. Hindi naman mura nagrerenta ka na ayaw mong bayaran.

"Puro talbog na tsekeng ini-issue mo ’tapos ang yabang-yabang mo pa!"

Ngayong nakatakdang maghain ng dalawang reklamo ng "frustrated murder" si Amalia laban kina Peter at Rosemarie, sinabi ng dating movie queen na huwag silang umalis at harapin ang problema nila.

Bukas naman ang PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa panig ng mag-asawang Licup sa pagbabantang ito ni Amalia.


WE RECOMMEND


FROM THE SUMMIT MEDIA NETWORK


SPONSORED CONTENT


COMMENTS

Loading comments

THIS JUST IN